Chapter 37: Ang pang aamo ni Cris sa kanyang amo :D

30 2 0
                                    

Cris P.O.V

"Tay. Kelangan ko na pong bumalik sa bahay ng amo ko. Baka malintikan ako nun" pag papaalam ko kay tatay ng makitang naghikab na sya.

Tiningnan nya lang ako. "Kelangan nyo na ring kasing mag pahinga." Nginitian nya lang ako atsaka tumango. Marahil ay ina antok na din talaga sya,

Bumaling ako kay Antonio na nakatutok lang sa Cellphone nya. Tsk tsk.

Nilapitan ko ito tsaka binatukan, agad naman syang napa aray at tiningnan ako ng masama.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Laban ka?" Dahan dahan syang umiling na ikinangisi ko. "Uuwi na ko. Bantayan mo si tatay ha? Tawagan o i text nyo ko pag may kelangan kayo" tinanguan lang nya ako at ibinalik ang tingin sa cellphone na hawak nya.

Tsk. Bastos!

Bago ako umalis ay pinasadahan ko ulit ng tingin si tatay.

Mahimbing syang namamahinga ngayon.

Pagkalabas ko ng kwartong yun ay napangiti ako.. Salamat Lord. Hindi nyo kami pinabayaan.

Naglakad ako palabas ng Ospital ng nakangiti lang. wala naman akong pakelam kung anong isipin sakin ng iba.

Nag abang ako ng jeep sa kanto. Tsk. Malayo layo to sa bahay ni nicolo. Sana pala pumayag na kong sunduin nya ko.

Napa buntong hininga nalang ako.

Nicolo's P.O.V

Napatingin ako sa oras.

Hating gabi na wala pa yung babaeng yun. Tss Nagpapagabi ng pag uwi parang hindi babae.

Hindi ako mapakali sa pagkaka upo. 11 pm na. Sana sinabi nya kung dun man sya matutulog kasama ng tatay at kapatid nya sa Ospital. Para naman hindi ako nag aalala dito.

Tiningnan ko ang phone ko.. But still wala din syang text.

"Siraulo talaga. Ni hindi maisipang mag text. Tss! Para san ang phone nya?" Bwisit na bwisit kong dinial ang number nya.

Ilang ring ang dumaan pero hindi nya parin sinasagot.

"What the?! Tsk! You're so dead Cris. Pinag aalala mo nanaman ako.!" Muli kong dinial ang number nya.

Ng hindi nya parin sagutin ang pangalawang tawag ko ay inis akong tumayo sa pagkakaupo ko sa sofa.

Kanina ko pa sya hinihintay eh. Hindi pa nga ako kumakain ng dinner kasi gusto kong sabay kami. Kahit kanina pa kumakalam ang sikmura ko ay tiniis ko talaga.

Lumabas ako ng bahay para hanapin si cris. Titingnan ko kung talagang nasa Ospital nga sya para naman matahimik ang isip ko.

Dahil hindi ako mapakali hanggat hindi ko alam kung nasan ba sya!

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Feb 05, 2017 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

100 Days In a Fake Relationship<3Où les histoires vivent. Découvrez maintenant