Chapter 15

10 2 0
                                    

Nicolo's P.O.V

"Im Margil. So ikaw pala yung babaeng sinasabi nilang sumabit sa jeep? That was cool!" Amaze na amaze na usap naman ni Margil. Tangina. Anong cool dun? Ang pangit kayang tingnan.

"So kwinento pala nila? Tsk Chismoso brad?" Nakangising baling nya sakin.

"Hoy! Di ako ang nagkwento! Yang madaldal na yan!" Inis kong sabi sabay turo kay dave na patay malisya.

"Tss" sagot nya lang sakin at kumain na ulit. Wtf! Ang sungit ng babaeng to!

Nakasimangot akong tinuloy ang pagkain. Samantalang yung anim naman ay nagpakilala na kay cris. Panay ang kausap nila dito. Tsk hindi ba sila naboboring kausapin ang babaeng yan? Eh puro oo hindi tango at iling lang naman ang sinasagot sa kanila.

Natapos ang lunch at kelangan na naming bumalik sa kanya kanyang klase. Ayos lang naman dahil magkaka block section kaming pito.

"Pre san ka?" Nagtatakang tanong sakin ni Marck ng makita nyang tumayo ako at binitbit ulit ang bag ni cris.

"Playing like a gentleman boyfriend ha? Hahaha" tumatawang singit naman ni Emil. Kita ko dito ang mga babaeng nakanganga samin. Sikat kami sa Dezpa University kahit na tag kabilang University kami.

Pinakyuhan ko nalang sila at hinatak na patayo ang walang pakealam na si cris.

"Hindi mo naman ako kelangang ihatid" Biglang sabi nya kaya nilingon ko sya.

"Hindi naman kita gustong ihatid. Its Just an act." Simpleng sagot ko din sa kanya at ibinalik sa daan ang paningin. Kung ibang babae to malamang nagtititili na dahil hawak ko ang kamay niya. Eh sya? Walang dating! Siguro nga tomboy sya.

"Susunduin nalang kita mamayang uwian. May pag uusapan pa tayo" Bulong ko sa kanya ng makarating kami sa pinto ng room nila. Ramdam ko ang pagtango nya. Saka ako tinalikuran at naglakad papasok. Ugh! Ang sweet mo naman! Gusto kong isigaw sa kanya yan.

Hindi maniniwala samin sila mommy kung ganyan sya sakin. Tsk. Kelangan ko na talaga syang makausap!

Nakarating ako sa klase ko at mabuti naman wala pang prof.
Pa Cool akong naglakad papunta sa upuan ko. May mangilan ngilang bumabati sakin. Ngiti lang ang sinusukli ko sa kanila.

Umupo ako sa tabi ng madaldal na si dave na ngayon ay nakangisi pa sakin. Psh! Kung hindi ko lang kaibigan to malamang pinaglalamayan na to nuon pa -___-

"Wag ngayon dave" inis na una ko na sa kanya. Kaya lang narinig ko ang mahinang pagtawa nya. Ini inis talaga ko ng gagong to.

"Yan. Napapala ng babaero eh. Nasira tuloy ang tahimik at namumulaklak mong Lovelife" Gatong pa ni Margil na pang aasar. Samantalang yung iba ay tahimik lang na nakikitawa. Ugh! Trip nila ko tangina.

100 Days In a Fake Relationship<3Where stories live. Discover now