Chapter 34: Adobo ❤

15 2 0
                                    

Nicolo's P.O.V

Hanggang ngayon ay kitang kita ko sa kinauupuan ko ang pamumula ng muka ni Cris.

Tatawa tawa ko parin syang tiningnan.

"Sige lang tawa pa. Tsk Pag ako talaga nainis sayo? swear hindi ka makakakain ng niluto ko!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya tsaka nataranta.

"H-hoy Cris. I was just joking okey? Lets just forget that "Malaki" thingy. Matagal pa ba yung niluluto mo? Gutom na ko e" nginusuan ko sya.

Ngumisi sya sakin tsaka umalis sa harap ko at binalikan yung niluluto nya.

Kainis! Natutuwa pa kong makitang naasar at nahihiya sya eh. Kaso pagkain na kalaban ko.

Badtrip lang. She got me there.

Seryoso. Natuwa talaga ko ng malaman kong nagluto sya para sakin.

Oo. Alam kong para sakin yun. Haha wag na kayong kumontra.

Napabalikwas ako ng tayo ng maalala kong may ibibigay nga pala ko sa kanya.

Pasipol sipol akong umakyat pabalik sa kwarto ko atsaka kinuha sa maliit na drawer yung box ng dalawa pang cellphone na binili ko din kagabi.

Naalala ko kasing walang Cellphone yung kapatid at tatay nya kaya wala silang communication.

Makakatulong din to para mabawasan yung pagka miss nya sa pamilya nya.

Pababa na ko ng hagdan at kita ko mula dito na naghahain na sya ng pagkain para saming dalawa.

Nakangiti akong binaba sya.

"Oh kamahalan. Nakahanda na po ang Umagahan mo." Sarkastikong sabi nya na tinawanan ko lang.

Inilahad ko sa kanya ang kamay ko kung san hawak ko yung dalawang box na lagayan ng cellphone.

Kinunutan nya ko ng noo pagkatapos tingnan yung hawak ko na obvious naman na Cellphone.

Inirapan nya muna ko "Nicolo. Hindi ako nangongolekta ng Cellphone. Okey na ko sa isa. Bat bibigyan mo pa ko ng dalawa pa? Abnoy kaba? Anong gagawin ko dyan? Ipamamato sa piko? Tsk"

Hindi ako nakasingit sa dire diretchong sabi nya. Ugh. Bakit ang tanga neto?

"Stupid. Ibigay mo to sa kapatid at tatay mo. May sim na yan at itinext ko na sa phone mo yung number nila. May load na din yan incase na kuripot din magload yung tatay at kapatid mo. Pang Communication ito Cris. Hindi pamato sa piko. Ikaw ang abnoy" Gusto kong matawa sa reaksyon nya. Hindi ko alam kung natutuwa ba sya.

100 Days In a Fake Relationship<3Où les histoires vivent. Découvrez maintenant