Chapter 13

10 3 0
                                    

Cris P.O.V

Dali dali akong lumabas ni hindi ko na naisip na magpa alam sa kanya. Ang alam ko lang kasi ay male late na ko. Siguro mamaya nalang ako magpapasalamat sa kanya.

Nagmadali akong tumakbo sa room 305. Hindi naman ako nahirapang hanapin yun.

Ng sandaling makita ko ang magiging room ko ay nakahinga ko ng maluwag. Wooh! Buti at hindi pa ako late.

Bago ako pumasok ay tiningnan ko muna kung bakante pa ba ang gusto kong pwestuhan.

Napangiti nalang ako ng makitang bakante pa nga.
Dire diretcho akong naglakad sa pwestong gusto kong upuan.

Tama ang hinala ko. Makikita ko nanaman ang mga muka nila. Tsk. Kalahating taon nanaman ba kong makikipag plastikan sa kanila? Oh well as if naman may choice ako. -___-

I mean. Okey na sana yung parang hangin lang ako eh. Yung tipong papansinin lang nila ako pag may itatanong sila. Tapos sasagutin ko sila kung kelan ko trip sumagot.

Eh kaso hindi e. Gusto nila ko laging kausap. Nakakainis na nga minsan eh. Ang mamanhid. Pinapakita ko na nga na ayoko ng may kaibigan. Kung kausapin naman nila ako akala mo close na close kami -___-

Naka upo na ko sa pwesto ko. Tahimik kong nilabas yung libro na kanina ay binabasa ko sa bench. Wala pa namang prof pero madami na kaming nasa loob ng kwartong to.

Hindi kopa natatapos ang isang page ng biglang pumasok ang prof naming akala mo araw araw dina datnan. Langhiya. Akalain mo nga naman oh. Akala ko ay tapos na ang kalbaryo ko sa kanya non sa subject na taxation.
Kita ko sa mga classmates ko ang pagbagsak ng balikat nila. Marahil ay ayaw na din nilang maging prof ito. Kung pwede nga lang bombahin ang bahay nito ay ginawa na nila. Ang daming galit sa kanya. Tsk. If i know. Nagagalit lang sila dahil hindi takot sa kanila si Miss Tsong Go.
Knowing na mayayaman at maiimpluwesya ang lahat ng istudyante dito. Pwera nalang sakin at sa iba pang scholar dito.

"Oh? I Guess You are all surprise? Haha Its nice to see you again Section A" Ngiting nakakaloko ni Miss Tsong Go. Hahaha Laughtrip ang pangalan nya no? Haha Oh well muka naman talaga syang galing sa lahi ng mga tsonggo eh. Ayos na din.

Yung iba napairap nalang sa kawalan, Yung iba plastik na sumagot ng "nice to see you too miss" tsk. Sipsip.

"Okey. Since first day naman. Hindi muna tayo magdi discussion" lahat sila napa yes sa sinabing yun ni Miss. "Pero. Gusto kong magpakilala kayo sa harapan with your talents." Napa Aww naman ang lahat sa idinuktong nya. Shemay naman kasi. Ang dami daming alam. Mani't mag attendance nalang at lumayas na.

Nagtaas ako ng kamay.

Tinaasan nya muna ako ng kilay bago tinanguan na hudyat upang magsalita ako. "Miss. Kelangan pa po ba talagang magpakilala? Eh magka-kaklase naman po kami last sem eh" simpleng tanong ko. Napa Oo naman lahat ng mga classmate ko.

"Okey. Sige wag ng magpakilala. Just show your talents" nakangisi parin nyang sagot. Tangina. Ang lakas talaga ng trip ng isang to. San ka nakakitang first day of school nagta talent portion?

Yung iba natuwa. Yung iba kinakabahan. Hindi ko alam kung san ako sa mga yun. Ano nga bang talent ko? Mang bugbog? Kelangan ko bang magdala sa harapan ng human punching bag? Para ipakita lang ang talent ko sa pambabangas ng muka? -_____-

Agad na naghanda ang lahat para sa ipapakita nilang talent. Yung iba akala mo alam na may mangyayaring ganito dahil may mga dala silang gitara.

Ano bang gagawin ko? Oh pwede bang wala nalang akong gawin? Kainis naman kasi e.

Nag umpisa sa unahan ang pagtatawag ni miss. Yung iba muka ng tanga sa pinag gagawa nila. Yung iba talaga namang may mga talento gaya ng grupo nila Sofie na sumayaw ng sexy dance. Bumagay naman sa kanila dahil malalambot ang mga katawan.

Kalahati na ang mga natatawag at ilang row nalang ay malapit na ako. What to do cris? Ilabas mo ang angas mo. Langya alam mo naman sa sarili mong may talento ka kahit papano. Hindi naman siguro ako magmumukang tanga sa harapan gaya ng iba na trying hard.

Yung iba nag gigitara habang may kumakanta naman. Pwede ring mag duet at mag grupo para sa sayaw kasi muntanga daw kapag mag isa ka lang na sasayaw kaya pumayag si misa tsong Go na mag grupo.

May mga nagtatanong sakin kung ano daw ang balak kong ipakita. Curious daw kasi sila sa talent ko. Isang Kibit balikat lang ang isinagot ko sa kanila.

Dumating na sa row na kinauupuan ko ang tinatawag ni miss. Ilang upuan nalang ay ako na.

"Crisanta Villanueba" tawag sakin ni miss. Kaya agad akong nagtaas ng kamay. Tinaasan nya ako ng kilay "Here. Infront" turo nya sa harapan.

Tahimik ang buong kwarto ng maglakad ako papunta sa unahan. Pero bago ako makarating dun ay dinaanan ko si Kimberly na class president ng klase namin.

"Paheram ako ng gitara mo. Okey lang ba?" Tanong ko sa kanya. Nakanganga syang tumango tango. Nakarinig din ako ng mga bulong bulungan. Hindi ko nalang ito pinansin.

Nakangisi habang nakatingin sakin si miss gurilya. Mas better kung ganon ang itatawag ko sa kanya kesa Tsong Go. Ang haba eh. Dyahe

"Are you playing guitar Miss Villanueba?" Muntik ng mapaikot ang mata ko sa tanong nya. Obvious ba? Tss. Tumango nalang ako. Mahirap na prof parin sya.

"Sinong singer mo?" Takang tanong ng isa kong kaklase na nasa harapan ko.

"Wala. Ako ang kakanta" Walang gana kong sagot sa kanya at naupo na sa isang monoblock na nakahanda talaga sa harapan.

Inilibot ko ang paningin ko. Lahat sila tahimik na nakatuon sakin ang paningin. Shit. Yung totoo? Parang gusto kong kabahan.

Nahagip ng mata ko ang pintuan na pawang madami ding nakasilip. The Eff! Inabangan ba talaga nila ko? Tss.

Huminga ako ng malalim bago mag strum. Kaya mo to cris.

-----
Pabitin? Hahaha Sereh ne be. XD

#Musicutie28
//Elaikaaaaaa.

100 Days In a Fake Relationship<3Where stories live. Discover now