Chapter 22 😍

9 2 0
                                    

Cris P.O.V

Kasalukuyan akong nakaupo sa isang upuan sa parlor na pinuntahan namin ni nicolo.

Ugh. Inis na inis na ko sa baklang kanina pa pinagti tripan ang buhok ko. Bakit ba kasi kelangan pang ayusin pati buhok eh. Maayos naman ang buhok ko ah.? Hindi naman buhaghag e.

Muli akong napangiwi ng maramdaman kong hinahatak nanaman nya ang buhok ko.

"Isa pang hatak mo sa buhok ko masasapak na talaga kita" Pagbabanta ko sa kanya na syang ikinaputla nya. Yan.. matakot ka!

Pagkatapos ko syang pagbantaan ay maingat na nyang inayos ang buhok ko na balak daw nilang kulutin ang dulo.

Kadami daming alam ng mga baklang to. Isa sa kanila ay busyng busy na lagyan ng kung anong kulay ang mga kuko ko sa paa. Yung isa naman ay sa kamay. Yung isa sa buhok.

Naiirita na ko sa pinag lalalagay nilang kaartehan sa bawat parte ng katawan ko.

"Alam mo ganda? Konting make-over lang sayo ay paniguradong magiging dyosa ka" wala sa loob na nginiwian ko sya. ulul. Ginagago yata ko ng isang to e, konti pa ba tong ginagawa nila sakin? Tss.

Inip na inip na ako at kulang na lang ay matulog ako. Ang tagal tagal nung proseso ng pagkukulot.

---------------

Nicolo's P.O.V

Nandito ako sa isang coffeshop kasama yung anim na kumag, sinama ko na sila dahil wala naman akong choice. Alam ko din naman kasing magiging matagal ang pagme make over kay cris kaya okey na din siguro na may kasama akong maghintay.

"So.. you mean may malalang sakit yung tatay ni cris?" At dahil isa akong matapat na kaibigan ay hindi ko napigilan ang sarili kong mag kwento sa kanila. Oo kwento. Hindi chismis ang tawag sa ginagawa namin dahil para sa babae lang yun!

Tinanguan ko lang si Emil sa tanong nya.

"Akalain mong may ganon pala syang problema?" Nagtanguan ang iba pa sa turan ni Aaron na yun.

"San naman kaya ang nanay nya?" Biglang tanong naman ni Charlie. Nagkibit balikat lang ako. Gusto ko mang tanungin tungkol dun si cris ay pinangungunahan ako hiya.

"Baka iniwan sila at nag asawa ng mayaman... alam nyo yun.? Yung gaya sa mga napapanood kong teleserye?" Umarya nanaman ang pagkasiraulo ni dave. Ayos na sana na hindi nalang sya nagsasalita e, tutal wala namang lumalabas sa bibig nya kung hindi kalokohan.

Bago ko pa maisipang batukan sya ay naunahan na ko nila Marck at Margil na nasa tabi lang nya. Ikinatawa ko naman namin yon.

"Mas Maganda siguro kong nagkasakit sa dave no?" Tatawa tawang sabi ni Margil habang nakatingin kay dave na todo nguso ngayon.

100 Days In a Fake Relationship<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon