Chapter 18

21 2 0
                                    

Cris P.O.V

Maghapon akong nakatunganga lang sa klase. Oo brad! Maghapon. Hindi ako bumaba para mag lunch. Anong akala nung nicolo na yun? Gusto ko syang makita pagkatapos ng ginawa nya? Huh! Asa sya!

Hindi din naman nya ko sinundo. Pero may inutusan sya. Yung mga inutusan nya ang kumukulit sakin na pumunta na daw akong canteen at nandoon na nga daw ang mga kings. Hinihintay daw nila ko. Ulul! Bahala sila!

"Halaaa Cris. Nagwawala kanina yung boyfriend mo sa Canteen nung hindi ka bumaba. Mag kaaway ba kayo?" Hindi na ito yung unang nagsabi sakin ng ganito ngayong araw. Tae! Oo na! Eh ano kung nagwala sya? Pake ko ba? Tsk!

Hindi ko inimik yung nagsalita. Ni hindi ko nga nilingon e.

Ng matapos ang huling klase ko ay nauna pa ko kay Miss na lumabas ng kwarto. Hindi ko hahayaang maabutan ako ni Nicolo sa Room. Neknek nya!

Dali dali akong naglakad papalabas ng University. Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa labas kung saan ako sumasakay ng jeep.

Madilim dilim na sa part na to dahil Wala namang ilaw dito. Medyo malayo layo na din to sa Gate ng University dahil bawal namang dumaan dun sa Mismong gate ng University ang nga Jeep. Kung bakit? Hindi ko alam. Mga pakulo nanaman siguro ng mayayaman na maaarteng istudyante ng DU. Tss.
Inip na inip na ko pero wala pading dumadaan na Jeep. Kahit sana puno e. Sasabit nalang ako na pabor na pabor naman sakin.

Nilalamok na ko't lahat wala padin. Bwisit!

Napakunot ang noo ko ng makitang may mga lalaking naglalakad papalapit sakin.

Mga lalaking di mapagkakatiwalaan ang muka.
Namumula ang mga mata at mukang nakahithit ang mga loko.

Hinintay ko silang makalapit sakin. Takot? Hindi na ako takot sa mga ganyan. Madaming ganyan sa lugar namin at lahat ng yun? Hindi sa pagmamayabang pero takot sila sakin. Tss.

Nakapamulsa lang akong tiningnan sila. Tangna kung makangisi ang mga gago oh.

"Miss Mag isa ka yata?" Patangang tanong nung tingin ko ay leader leaderan nila. Tatlo lang sila. Kayang kaya to.

"Pake mo?" Tanong ko din sa kanya.

Nagulat sila sa inasal ko. Siguro sanay silang natatakot sa kanila yung mga pinagti tripan nila. Tsk. Not me mga brad.

"Naks. Matapang" kumento nung isa pa na panay ang ngisi.

Napangisi din ako na ikinagulat nila.

"Tss" Blankong sabi ko.

Lumapit pa sila sakin at ng sandaling hawakan ng isa sa kanila ang braso ko at hindi na ko nag atubiling kumilos.

Sinipa ko sya sa sikmura. At kahit ako ay nasaktan sa itsura nya. Oh gago buhay kapa? Sinabi na kasing wag ako e.

Napaupo sa sakit yung sinipa ko at sinugod naman ako nung isa pa. Umamba syang sasampalin ako ng iwasan ko ito at suntukin sya sa Sikmura din.

Bihasa na ko sa ganito. Yung bakbakan. Hindi na sakin bago ito. Dahil bata palang ako tinuruan na ko ni tatay ng selfdefense. At nung matuto ako ay ginamit ko agad sa mga bumubully sakin.

Ininda din nung pangalawa ang suntok ko. Tiningnan ko ang isa pa nilang kasama na nag aalangan kung susugod paba o bibitbitin na ang mga kasama nya. Nginisihan ko sya.

100 Days In a Fake Relationship<3Where stories live. Discover now