Chapter 12

10 3 0
                                    

Nicolo's P.O.V

Napa yes ako ng pumayag sya. Finally! Im free!

Para kong tangang nalangiti ng malaki sa kanya. Habang sya naman ay mangiyak ngiyak na nakatingin parin sa chekeng hawak nya.

"Uhm.. If you dont mind. San mo gagamitin ang ganya kalaking pera?" Pagtatanong ko sa kanya. Tiningnan naman nya ako at nagpunas ng kaunting luha.

"Basta" Malayo sa tanong ko ang sagot nya. Well i guess may malalim na dahilan sya.

"Ano pa bang pag uusapan natin? May klase pa kasi ako" oh heck! Nakalimutan kong nasa school na nga pala kami ngayon at may klase pa. Tsk. Stupid me.

"Ah. Ganto nalang. Kita tayo sa parking mamaya. May pag uusapan pa kasi tayo. Akin na number mo para ite-text nalang kita" Simpleng sabi ko sa kanya pero nakatitig lang sya sakin. Seriously?

"Wala akong cellphone" sagot nya after 1 minute. Akala ko wala na syang balak na sumagot eh.

Seryoso? Wala syang cellphone? Eh kahit yata janitor sa company namin ang ganda ng phone eh. Hays. Ganon na ba sya kahirap?

"Wag mo kong tingnan ng ganyan. Hindi ko kelangan ng cellphone. Hindi naman nakakain yun aksaya pa sa pera dahil kelangang mag load. Tss"
Napailing nalang ako sa dahilan nya. She's weird.

"I'll buy you tomorrow. Pero pano kita kokontakin mamaya? For sure hindi tayo parehas ng schedule" sabi ko. Tinaasan lang nya ko ng kilay. Nababawasan ang pagka tomboy nya pag ginagawa nya yun.

"Ang laki ng problema mo tsk. Hihintayin nalang kita dun sa sakayan ng jeep. Dun sa unang pinagkitaan natin. 5pm pa ang uwi ko. Whole day ang klase ko at after 20 minutes ay paniguradong magsisimula na ang klase ko. Kung hindi mo pa ko paaalisin ay baka malate ako at madetention. Porpabor first day na first day" mahabang sabi nya. Napapanganga talaga ko sa mga salita ng babaeng to eh. Pang kanto. No doubt. Paniguradong taga iskwater ang isang to.

100 Days In a Fake Relationship<3Where stories live. Discover now