Chapter 8

15 2 0
                                    

Cris P.O.V

Iniwan ko na sila dun pagkatapos kong magbayad sa cashier. Yung pinakamalayo sa kanila para akalain nilang umalis na nga ako. Mahirap na baka sundan pa ko ng mga wirdong yun.

I mean ano bang bigdeal sa pagsabit ko sa Jeep at hindi nila makalimutan? Pakshet nung monday pa yun. At Linggo na ngayon. Porke babae ako? Tss.

Binilisan ko ang paglalakad ko papunta sa Jollibee. Paniguradong naka order na sila dun. Medyo gutom na din kasi ako e.

Ng marating ko ang Jollibee agad ko silang nakita. At tama nga ako may order na at para silang mga tangang tinungangaan lang ang pagkaing nasa lamesa nila. Grabe. Wag mong sabihin na hinihintay talaga nila ako bago lantakan ang pagkain na yan? Oh how sweet.(insert sarcasm here)

Hindi nila napansin ang paglapit ko kaya ng makalapit ako kay antonio ay agad kong binatukan ito.

Mahina syang napamura. Marahil ay hindi nya in-expect na may biglang babatok sa kanya. Pero ng lingunin nya ako ay nginusuan nya lang ako.

"Ang tagal mo naman ate. Alam mo bang kanina pa ko naglalaway sa mga pagkaing to?" Mahinang sabi nya sakin. Para siguro ay kami lang ang makarinig. "Tapos babatukan mo pa ko? Astig karin talaga e no?" Inis na dugtong nya pa. Sininghalan ko lang sya. Sino bang may sabing hintayin nila akong dumating bago kumain?

"Oh anak kong dyosa! Mabuti naman at nandyan kana!" Masiglang bati naman ni tatay. Pinagtinginan pa kami dahil sa lakas ng pagkasabi nya nun. Oh Jusko. Nakakahiya.

"Tay wag mo nga akong tawagin ng ganyan dito. Aish! Nakakahiya ano ba?" Bulong ko sa kanya. Kaya naman nakanguso syang tumango.

Nagsimula na kaming kumain. Cokefloat lang talaga ang akin. Sakanila na ang spaghetti at French fries. Nakaka busog naman kasi ang coke dahil mabigat sa tyan.

Nagpasya kaming umuwi na matapos magpahinga sandali sa loob ng Jollibee. Kelangan ko pa kasing maghanda dahil pasukan nanaman bukas.

Nicolo's P.O.V

"Ready kana ba para bukas? Pre. Nakaka excite pumasok. Bagong muka,Bagong kaklase,Bagong prof at bagong mga Girlfriend!" Sabi ni Emil sa kabilang linya.

"Oo. Ready na ko, ready na kong makipag landian sa mga babae dun" nakangising sagot ko naman sa kanya. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nya. Pag usapang babae kasi kami ang nagkakasundo nito.

"Great man! Hahaha. Ay teka nga pala? Nagkausap na ba kayo ni Eunice? Grabe ang pagkabaliw sayo ng babaeng yun pre! Akalain mong ipinagkalat na buntis sya? Haha Desperate girl tsk tsk. Anong plano mo ngayon?" Natatawa pading sabi nya. Tsk! Naalala ko nanaman yung bwisit na babaeng yun. Ako? Nabuntis ko sya? What the hell. Ni hindi ko nga sya nahalikan manlang. Napaka boring nya. Kaya nung binreyk ko sya ayun! Halos magpakamatay. Hays.

100 Days In a Fake Relationship<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon