Chapter 35: Crush?

15 2 0
                                    

Nicolo's P.O.V

Naunang umalis sa bahay si Cris para puntahan ang tatay nya sa Hospital. Binigay ko na din yung sahod nya.

Balak pa ngang tanggihan dahil sobra sobra na daw yung 700,000 na nauna kong naibigay.

Kaso pinilit ko sya. Ako? Wala lang yung 15000 na yun. Barya lang para sakin yun. Eh sya? Kelangan nya yun para may maibigay sya sa tatay at kapatid nya,

Nagda drive ako ngayon papuntang school. Ie excuse ko nalang si cris sa mga prof nya.

Malapit na ko sa University ng makatanggap ako ng tawag galing kay charlie.

Agad kong sinagot yun.

"San kana? Nandito na kami sa parking lot. ikaw nalang kulang.. tsk well ano bang bago? Lagi ka naman talagang late." Natawa ako sa sunod sunond nyang daldal sakin.

Kung bakit ba naman kasi napagkasunduan na maghintayan lagi sa parking eh. Mas astig daw kasi pag sabay sabay kaming naglalakad papasok ng University -___-

Anong trip yun?

"Chill. Haha Im on my way." Narinig ko ang malulutong nilang mura sa kabilang linya. Pigil ang pagtawa ko habang naiimagine na nanlalaki nanaman ang butas ng ilong ni dave sa paghihintay sakin. Ayaw na ayaw daw kasi nyang naghihintay. Tss.

"Damn it Nicolo! Pag ako naghintay pa sayo ng another five minutes? Masasapak talaga kita ng hard," Si Dave na tong kausap ko.

Natawa lang ako na lalo nya yatang ikina inis.

"Got it. Haha Kalma. Para kang may PMS ah. Hahaha"

"Fuckyou." mas lalo akong natawa sa kanya. Ang lakas lakas nyang mang asar pero pag sya inasar pikon naman.

Napailing nalang ako. "Nandyan na. Highblood puta." Bago pa nya ko manura ulit ay binabaan kona sya tsaka mabilis na nagdrive papuntang parkinglot.

Ng makapag park ako ay agad akong lumabas. Nilapitan naman nila ako.

"Bro. San si Cris? Hindi kayo sabay?" Pagtatanong ni Aaron na inilingan ko lang.

"Bakit?" Tanong naman ni dave.

"May mahalagang pinuntahan eh. Daan tayo sa faculty ng mga prof. ie excuse ko sya. Baka magka quiz sila this day e. Atleast Alam ng mga prof para mabigyan sya ng special quiz." Tinanguan lang nila ako tsaka sabay na kaming naglakad papasok ng University.

100 Days In a Fake Relationship<3Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ