Chapter 24 😁

10 2 0
                                    

Cris P.O.V

Maghapon akong nasa kwarto lang. Sabado na ngayon at bukas ko na haharapin ang pamilya ng boyfriend ko kuno at ang pamilya din ng mahaderang nabuntis daw ni Nicolo.

Gusto ko sanang dalawin sila tatay ngayon para sabihin na rin na hindi ako makakauwi ngayong gabi gaya ng ipinangako ko kaso ayaw naman akong payagang lumabas ni Nicolo -___-

Ayaw nya kong payagan pero sya ang wala ngayon dito sa bahay. Susunduin daw kasi nya ang mommy nya na uuwi ngayon galing taiwan.

Imbis na tumunganga sa kwarto ay naisipan kong bumaba para magluto nalang. Nakaramdam din kasi ako ng gutom dahil alas 2 na pala ng tanghali.

pababa palang ako ng hagdan ay dinig ko na ang ingay na tingin ko ay nang gagaling sa sala.

Napangiwi naman ako ng mapag tanto kong boses yun ni dave. I mean boses ni dave ang nangingibabaw.

Isang hakbang nalang ako sa hagdan ng mapansin nila kong pababa. Nginitian nila kong lahat.

"Yow Cris." Bati sakin ni Margil na aapiran pa ko ng sandaling makalapit ako sa pwesto nila,

Hindi ko pinansin ang kamay nyang nasa ere at hinintay ang pag apir ko din sa kanya. Nahihiya naman nya itong ibinaba kasabay ng asaran nila.

"Pano kayo nakapasok?" Takang tanong ko sa kanila.

"Haha Nakalimutan mo na yata na magbe bestfriend kami dito." Sabay akbay pa sakin ni Aaron habang nagpapaliwanag. "At ang tunay na kaibigan may mga duplicate na susi ng bahay ng bawat isa" nagtawanan naman sila sa sinabing yun ni Aaron, tss. Hahanga na ba ko sa samahan nila? O mandidiri? Ambakla pota.

Sinamaan ko sya ng tingin kaya dahan dahan nyang inalis ang kamay nyang nasa balikat ko.

"Woah eto na oh, tatanggalin ko na oh. Kalma.." pag aalo nya sakin, aţ ng sandaling matanggal nya sa balikat ko ang kamay nya at agad syang lumayo. Nasundan naman yung ng mga tawanan.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanila, dahan dahan naman nila kong nginitian.

"Hindi pa nga cris e. Gutom na nga kami e" Pagpapa awa pa ni dave sakin. Nginitian ko sila ng malaki,

"Really? Ako din eh gutom na.. Pa deliver na kayo ng pagkain daliiii" Exciţed kong sabi na ikinalaglag ng mga panga nila, anong akala nila? Ipagluluto ko sila? Never. Tutal panira sila ng pananahimik ko sa bahay ay dapat lang na pakainin nila ko. Badtrip kasi si Nicolo eh. Hindi manlang nag iwan ng makakain. Pinagbawalan akong lumabas tapos iiwanan nya kong gutom? Tsk. Abnormal talaga.

"Ano? Titingnan nyo lang ba ako? Oh Magpapa deliver na kayo? Kung hindi ay magsilayas na kayo dito" Nilakihan ko pa sila ng mata. Nakita kong nagsikuhan muna sila. Ow, walang susunod ah..

100 Days In a Fake Relationship<3Where stories live. Discover now