Chapter 11

7 3 4
                                    

Cris P.O.V

Natapos ang Announcement ng wala naman nabanggit na parusa tungkol sa mga late.

Nagsayang lang pala ko ng effort sa pagpunta dito ng maaga. Kainis.

Ng sandaling maglabasan na ay nagpahuli ako. Since ayaw kong makipag siksikan.

Ng makita kong konti nalang ang tao ay naglakad narin ako palabas ng AVR.

Paglabas ko ay napatakip talaga ko ng tenga sa tilian ng mga babae. Tangina! Parang ang sakit sa lalamunan nun.

Inis kong tiningnan kung sino ba ang pinagkakaguluhan ng mga lintik na mga babaeng to.

Sumingit ako sa mga babaeng panay ang talon with matching tili tili pa. Wtf! OA it is.

Ng sandaling makarating ako sa unahan ng kumpulan ay napataas ang kilay ko. Shems, bat nga ba nakalimutan ko na mga Feeling Artista nga pala ang mga bagong lipat sa University namin. Tsk tsk.

Humalukipkip ako at tiningnan sila wearing my famous poker face.

Kita kong mga nakangiti sila habang pinagkakaguluhan at nag uunahan ang mga babaeng makapag pa picture sa kanila.

"Sayang ang oras ko dito" mahinang sabi ko atsaka tumalikod at handa ng umalis.

"Hey Miss" hindi ko alam kung sino ang tinatawag na miss kaya nagdire diretcho ulit akong naglakad paalis sa kumpulan. Damn. Ang sikip!

"Hey miss" Ulit nya pa. Sino ba kasi yun? Teka. Pakelam koba? Tss. May pangalan naman ako.

Nagpatuloy akong lumakad. Tsk. Maaga pa para sa First class ko. San naman kaya ko tatambay? Hays.

Naglakad ako papunta ng library ng biglang may humawak sa braso ko. Kingina! Ano nanaman?

Inis kong hinarap ang papansin na pumigil sakin na makarating kung saan tahimik at walang mga babaeng OA na kung tumili ay akala mo may tsunami. -____-

"Oh?" Inis na tanong ko sa kanya. Eto din yung lalaking humawak din sa braso ko nung nasa Mall ako. Ano nanamang kelangan nya? Tititigan nanaman ako? Hanep sa trip.

"Lets talk" seryosong sabi nya. Luh? Close ba kami? Anong lets talk? Punyemas!

Marahas kong hinila ang braso kong hawak nya.

"Woah. Nagsasalita ka pala? Akala ko pagtitig lang ang alam mo." Inis na sagot ko sa kanya. Kita kong nasa likuran nya yung anim nya pang ka grupo. Parang dance group tong mga to. Iba iba ang kulay ng buhok. Parang Rainbow na sila pag nagtabi tabi.
Sinamaan nya ko ng tingin at hinawakan ulit sa braso.

"Sumama kana kasi sakin. May pag uusapan tayo" inis ding sabi nya. Aba't!

"Eh ano nga yun? Hindi ba pwedeng sabihin mo ngayon na? Para naman maka alis na ko agad dahil ayokong nag aaksya ng oras" taas noo kong sagot sa kanya. Kita kong napanganga sya. Hindi lang pala sya. Lahat sila. As in lahat. Kasama ng mga Audience ko nanaman. Fuck it. Lagi nalang akong may palabas. Hindi na talaga ko magtataka. Isang araw madi discover ako. -______-

100 Days In a Fake Relationship<3Where stories live. Discover now