Chapter 4

11 2 0
                                    

Cris P.O.V

Tulala ako buong magdamag. Puno na ang utak ko ng imposibleng sulusyon.

Bahagya akong tumingin sa suot kong relo. Alas dos na ng madaling araw. Naalala kong may pasok pa ako sa coffeshop kaya naman bumangon na ko. Napatingin ako kay tatay at sa kapatid ko. Damn. Hindi ko kakayanin ng wala ka tay. Kahit anong paraan. Kahit ano.. Papatulan ko..

Nag asikaso na ako. Iniwan ko ang isang daang piso sa lamesa namin at nag iwan ng sulat. Nabili ko na din ang gamot na iniinom ni tatay pag ina atake sya. Pero alam ko. Alam kong hindi lang gamot ang kailangan nya.

Dali dali akong lumabas ng bahay ng makita kong 2:30 am na. Kelangan kong magmadali baka malate ako.

Nakarating ako ng coffeshop sa tamang oras. Oo naglakad lang ako. Wala namang siraulo sa lugar namin. At isa pa hindi ako takot sa kanila. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.

Matamlay ang umaga ko. Serve dito. Serve dun. Natutulala nalang din ako madalas kaya napagsasabihan ako ni daniel na syang nakausap ko nung nag apply ako dito.

"Ano ba Crisanta! Bakit natutulala ka? May problema ba? May sakit kaba?" Nabasa ko sa mata nyang nag aalala sya. Hindi ko sya sinagot. Since wala pa namang customer ay naupo muna ako. Damn! Feeling ko pagod na pagod ako kahit wala naman akong gaanong ginagawa dahil konti nalang ang customer pang gantong oras na. 10:30 na kasi. At kalahating minuto nalang ay mag-a out na ko.

Hinawakan ni daniel ang noo ko. Nakakatuwa na kahit lagi ko syang binabara ay hindi sya naiinis sakin. Tingin ko nga ay natutuwa pa sya. Weird.

"Crisanta. Tell me. Anong problema mo? Para kang zombie" Nakatunganga padin ako. Nakakatawang isipin na hindi ako dinadapuan ng antok kahit na wala pa ako ni isang minutong tulog.

"Hays!" Singhal nya sabay kamot sa ulo. "Hindi mo ba ko sasagutin?" Naiinis na sya alam ko. Pero nangingibabaw ang concer nya. Sa pagkaka alam ko hindi naman kami close kung makapag alala ang isang to akala mo bestfriend forever ko sya-__-

"Ayos lang ako" Sagot ko sa kanya sabay tayo. Nakita ko kasing nandyan na ang kapalitan ko. Pwede na siguro akong umalis. Gusto ko ng peace of mind dahil pakiramdam ko konting konti nalang mababaliw na ko.

"Les! Una na ko ha? Ikaw na bahala dito" tinanguan lang ako ni lester na kapalitan ko. Hindi din kami close pero nag uusap kami.

Lumabas na ako at hindi na nilingon pa si Daniel na alam kong nag aalala padin. Hindi ko kelangan ng pag aalala nyo! Kelangan ko ng pagkakakitaan.

Isa pang pinoproblema ko. Sa lunes ay enrollment na. Mababawasan ng isang araw ang pagta trabaho ko. Kelangan kong mag enroll.

Sa totoo lang. Kagabi inisip ko na na tumigil nalang sa pag aaralan at igugol ang oras ko sa paghahanap ng pera. Kaso mukang may super power si tatay at nalaman nya ang balak kp kahit hindi ko naman yun binanggit sa kanya.

"Gawin mo ang lahat gaya ng sabi mo. Pero hindi ko hahayaang huminto ka sa pag aaral mo. Ayokong masira ang kinabukasan nyong magkapatid." Yan ang iniwan nya saking salita bago sya natulog.

100 Days In a Fake Relationship<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon