Chapter 36: Magnum.

17 2 0
                                    

Cris P.O.V

Kasalukuyan kaming nanonood ng TV ngayon. Gabi na at hindi pa ko umuuwi.

Pagkagising ni tatay kanina ay katakot takot ang pang aamo na ginawa ko. Tsk. Ibang klase magtampo ang tatay ko.

Napasimangot nanaman ako ng maalala ko.

Flashback.

Kakaalis lang ni Antonio ng makita kong nagmulat ng mata si tatay kaya nginitian ko agad sya. Pero nagulat ako ng mag iwas sya ng tingin sakin.

Hayss.. nagtatampo nga.

Kinulbit kulbit ko sya para ulit humarap sakin.pero kenat bi eh.
Umikot nalang ako sa pwesto kung san sya nakaharap.

"Tay. Sorry na please?" Pero hindi parin sya nagsasalita. Ugh. Papahirapan nya yata talaga ko.

"Tay naman eh. Kausapin mo na yung dyosa mong anak. Alam ko namang na miss mo ko eh." Pero wala padin talaga. Napahinga ako ng malalim.

"Uy Gwapo kong tatay" kalabit ko sa kanya pero ni hindi manlang nya ko tiningnan.

"Tatay. Anong gusto mong kainin?" Pagtatanong ko sa kanya pero umiling lang sya.

"Hindi pwede yun tay, kelangan mong kumain para lumakas ka." Tiningnan nya lang ako.

"Lumakas? Pano ako lalakas kung wala ka naman lagi sa tabi ko?" Nakangusong sabi nya na medyo ikinaluwag ng dibdib ko.

Nginitian ko sya tsaka hinaplos haplos ang buhok nya. "Sorry na tay. Nagka problema lang yung boss ko kaya hindi ako nakauwi nung saturday. Sorry na ha? Wag ka ng magtampo sa anak mong dyosa"

Tinanguan lang nya ako na ikinangiti ko.

Pero lumipas ang ilang minuto ay hindi parin nya ko kinakausap. Kung totoong okey na kami ay dapat kanina pa to dumadaldal.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "Tay naman. Ano bang gusto nyong gawin ko para hindi ka na magtapo?" Gusto kong maiyak. Grabe sya magtampo. Hindi ako sanay na ganto sya sakin.

Tiningnan nya ko na parang mag iisip. "Magnum" Nung una ay nangunot ang noo ko. Magnum? Ano yun?

Hindi ko parin sya maintindihan pero nung itinuro nya yung kalendaryo na nakasabit sa dingding ng kwartong ito ay nakita kong naka display dun yung Magnum na pangalan na sa tingin ko ay Ice cream.

"Gusto ko nyan anak kong dyosa. Hindi ko pa natitikman yan e. Bago ako Magpa opera ay sinabi sakin ni tonyo na natikman na daw nya yan at sobrang sarap daw. Tinanong ko kung magkano kasi gusto kong bumili at matikman din. Kaso ang mahal pala nun? Singkwenta mahigit ang isa. Eh kulang ang pera ko nun. Sige na anak kong dyosa. Gusto ko nun. ibili mo ako" nalaglag talaga ang panga ko sa mahabang sinabi nya. I mentally facepalm. Seryoso?

100 Days In a Fake Relationship<3Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang