Chapter 5

13 2 0
                                    

Cris P.O.V

Dumating ang araw ng lunes. At nasa University ako ngayon para i-enroll ang Second sem.

May mga nakikita na kong mga plastik kong blockmate. Para silang nakakita ng action star kung makanganga.

Hindi ako pala ayos. Hindi nga ako nagsusuklay na buhok ko eh.
Bakit sila nakanganga sakin? Ewan ko kung maniniwala ako sa pam pa-plastik nila sakin e. Gandang ganda daw sila sakin. The eff! Ibang klase ang mga mata ng mga to. -___-

"Hi Crisanta." Bati sakin ni Fiona na kaklase ko sa taxation last sem. Tinanguan ko lang sya. Hindi ako isnabera. Ayaw ko lang talagang ma attach kahit kanino sa kanila.

Dumiretcho ako sa cashier para magbayad ng tuition. Eto ang kagandahan sa Elite University eh. Hindi na kailangang pumila ng pagka haba-haba. Oh well i doubt na mapapila mo ang mga maaarteng istudyante dito.

Natapos akong magpa enroll. And guess what? Mukang makikita ko nanaman ang mga muka ng mga classmate ko last sem. -__- kasawa.

Palabas na ko ng gate ng may makabunggo saken. Hinintuan nya ako.

Nanlaki muna ang mata nya. Para syang natatae sa itchura nya ngayon. Seriously? Muka ba akong monster na bigla nalang mangangain pag nakanti mo? Stupid her! -___-

Halatang hindi nya alam ang sasabihin nya.

"Ano bang meron at nagmamadali ka?" Simpleng tanong ko at baka himatayin na to dito.

"Ah k-kasi po may m-mga bagong nag e-enroll. Pinagkakaguluhan po sila dun sa may registrar" Whats the big deal then? Big deal na pala ngayon ang pag e-enroll?

Tinaasan ko sya ng kilay. Kita ko ang pamumutla nya.

"Oh tapos? May nag eenroll lang na bago ganyan kana?" Pinagkiskis nya ang mga palad nya.

"Yung mga dati po kasing king sa kabilang University ay lumipat dito sa University natin. Kaya ayun po pinagkakaguluhan sila" Kinakabahang sagot nya pa. I see. Kaya naman pala. Tss

Tinanguan ko lang sya at dumiretcho palabas ng university. Wala naman akong pakealam sa mga "king" kuno ng kabilang University eh. Lagi silang bali-balita. Sikat na sikat sila. At kung bakit ay hindi ko alam. -__- wala akong panahon para alamin.

Nag abang ako ng jeep para makasakay na pauwi. Gusto kong magmadali para makapasok pako sa karinderya ni aling Tabs. Sayang din ang araw ko. Dagdag ipon din yun.

Kaya lang nananadya yata ang tadhana at wala manlang dumadaan na jeep. Langya! Kung minamalas ka nga naman oh!

Nakaramdam ako ng gutom kaya lumapit ako sa isang stall ng kalamares. Yummy ^___^

Sarap na sarap ako sa pagkain ng matanaw kong may pinagkakaguluhan sa gate ng University. Tss. Paniguradong Yung mga King yun. King? Heck! Ang baduy lang.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Mas mahalagang mabusog ako kesa tingnan ang mga ka OA-yan ng mga ka School mate ko.

Ng mabusog ako ay bumalik ako sa sakayan ng Jeep. Sana naman may jeep na. Jusko lang ang init init. Baka matuyuan ako ng tubig sa katawan nito.

100 Days In a Fake Relationship<3Where stories live. Discover now