Chapter 21 😚

11 2 0
                                    

Cris P.O.V

Hindi ako sanay ng ganto katahimik. Ngayon palang ay namimiss ko na ang kaingayan ni tatay at ang pagsakay sa trip nya ng kapatid ko.

Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa at nanonood ng paboritong palabas ni tatay na Encantadia.
Kung nandon siguro ako ay kanina pa ko naririndi sa sigaw nyang "Pirenaaa ang ganda ganda mo talagaaa"

Oo. Tama kayo ng basa, dahil ang tatay ko ay inlove na inlove kay Pirena -____- Kay pirena na kontrabida. Tsk. Kakaiba diba?
-____-

Haay. Ibang iba ang bahay na to sa bahay namin. Oo nga at malaki ito at mukang pang mayaman, pero iba parin talaga pag puno ng tawanan,kulitan at pagmamahalan ang isang tahanan.

Malayong malayo ito sa tahanan namin na kahit maliit ay puno naman ng masasayang samahan.

Hindi ko na tinapos na panoorin ang Encantadia dahil lalo ko lang namimiss sila tatay.

Umakyat na ko papuntang kwarto ko ng mapansin kong bukas pa ang pinto ng kwarto ni nicolo.

"sisilipin mo lang naman kung tulog na sya eh, Tama Tama, concern lang ako kaya sisilipin ko sya" pagkumbinsi ko sa sarili ko at tsaka sinilip ang kwarto ni nicolo.

Napailing nalang ako ng makita ko syang hindi maayos na nakahiga sa kama na mukang himbing na himbing na natutulog,

"Tsk. Puyat na puyat ang gago. Ni hindi na naka ayos ng pagkakahiga. Basta nalang natulog" iling iling na sabi ko kasabay ng pagbuhat ko sa paa nya upang maayos ang pagkakahiga nya,

Ng mai ayos ko ang pagkakahiga nya ay kinumutan ko na sya.

"Ayan. Gwapo ka pag tulog. Tss. Sana lagi ka nalang tulog" natatawang sabi ko habang tinititigan ko sya.

Bakit ko sya tinititigan? Bigla nalang akong napatingin sa maamo nyang muka eh. Maamo lang naman kasi ang muka nya pag tulog -______-

Nagulat ako ng bigla syang gumalaw. Ugh. Patay talaga ko pag nakita nya kong nasa kwarto nya at kasalukuyang tinititigan sya.

Dahan dahan akong umalis sa tabi nya pero bago yun ay pinatay ko muna ang lampshade nya atsaka dahan dahang naglakad palabas.

Maging ang pagsara ko ng pinto nya ay maingat upang hindi ko sya magising.

Nakahinga ako ng maluwag ng tagumpay akong nakalabas sa kwarto nya.

"Wooooh. That was close" wala sa loob na sabi ko at napahawak sa dibdib ko,

Iling iling akong pumasok sa sarili kong kwarto,

Hindi ako sanay ng walang katabi. Magmula kasi yata ng isilang ako ay nasanay akong lagi kong katabi si tatay.

"Hayys. I miss them so fucking much" atsaka ko isinubsob ang muka ko sa napakalambot na unan.

----------

Nicolo's P.O.V

Naalimpungatan ako ng tumunog ang alarmclock sa tabi ko.

Nag set kasi ako para magising ng alas dose ng madaling araw.
Para tawagan si mommy na nasa ibang bansa ngayon. Pero babalik daw sya sa sabado ng gabi dahil hindi daw pwedeng wala sya sa araw na ipakikilala ko ang pangalawang babae sa buhay ko. -____-

100 Days In a Fake Relationship<3حيث تعيش القصص. اكتشف الآن