Chapter 27: Possible Question and Answer 😄

16 1 0
                                    

Nicolo's P.O.V

"Im willing to die just to taste this sweet lips"

"Im willing to die just to taste this sweet lips"

"Im willing to die Just to taste this sweet lips"

frustrated akong napasabunot sa sarili kong buhok. Ugh! Seryoso Nicolo? Sinabi mo talaga yun?

"Argh! Damn it!" I said so fucking frustrated. Tangina! San ba galing yun? The hell!

"Ngayon. Pano mo sya haharapin ha? Pano??!" Para kong tanga na sumisigaw dito sa baba,

Kabababa k0 lang galing sa kwarto nya.

"Act Cool nicolo. Kunyare wala lang sayo yung nangyare at talagang punishment mo lang yun. Tama tama," huminga muna ako ng malalim bago ko sya itinext.

Napangisi ako sa kinompows kong text sa kanya. Nice nicolo, tama yan.

Hindi rin nagtagal ay nakita ko na syang pababa ng hagdan. Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga.

"Bakit ba kasi nanggigising ka?! Gabi pa naman tayo pupunta sa inyo ah?!" Iritang tanong nya sakin. Nakahinga ako ng maluwag ng mukang wala naman na syang balak iopen yung tungkol sa nangyare kani-kanina lang.

"Magpa practice kasi tayo. What if tanungin ka ni mommy? Alam mo na ba ang isasagot mo? Baka mapahiya pa ko sa pamilya ko at sa pamilya nung bwisit na si Eunice" I calmly said.

Inirapan nya lang ako tsaka umupo sa harap ko,

"Dami dami kasing alam" Dinig ko pa na bulong nya. Hindi ko nalang yun pinansin at baka magbangayan nanaman kami. Kelangan bati kami ngayon.

"Ano ano bang pwedeng itanong ng mommy mo sakin? Gaya ba ng mga napapanood ko sa TV na.. Kung anong trabaho ng mga magulang ko? Kung anong ari arian ang meron kami? O kung may business din ba kami gaya nyo?" Napanganga nalang ako sa sinabi nyang yun. Akalain mong nanonood to ng drama? Nice, wala sa muka brad ah.

"Hindi ganon ang mommy ko. Baka nga ang mga itanong nya ay kung pano tayo nagkakilala, pano kita niligawan o di kaya ay kung anong mga nagustuhan mo sakin" Sabi ko lang na ikinalaglag ng panga nya.

"Tsk. Akala ko pa naman ay magiging Me and You against the world ang peg natin. Kasi diba? Ganon yung mga mayayaman pag mahirap ang babae? Tutol sila? Mas maganda yun para naman may thrill yung pag arte ko. Para lang akong nasa Teleserye." Napangiwi nalang ako sa imahinasyon nya, tsk tsk. Napakalawak ng imagination.

"Tss. tigilan mo nga yan! Hindi ganon ang pamilya ko no. Lalo na si mommy at daddy. Si lolo pwede pa, pero ang parents ko? Tss. Malabo" umiiling na sabi ko sa kanya.

"Boring" Gusto kong mainis, hindi kasi sya nagseseryoso. Hays. Tigas ng muka puta.

"Simulan na nga natin!" Tsaka ako umayos ng pagkaka upo. At seryoso syang tiningnan,

"Makinig ka! Magtatanong ako. Isipin mong ako si mommy. Sumagot ka ng maayos" walang buhay naman syang tumango.

Tinitigan ko sya ng seryoso. Tiningnan naman nya ko na parang ina antok. Jusko! Mauubusan ako ng pasensya sa babaeng to!

"Unang tanong, ehem" pag tikhim ko bago magsimula.

"Pano kayo nagkakilala ng anak ko?"

Sandali syang nag isip..

"Nung makita nya pong sumabit ako sa jeep. Humanga po yata sakin eh. Ayun pagkatapos hinabol habol na ko" nakangising sabi nya na ikinalaki ng mata ko, tangina! Ako? Hahabul habulin sya? Never brad!

Sinamaan ko sya ng tingin,

"Bakit nanaman? Honest naman ang sagot ko ah?" Inosenteng tanong nya. Please nicolo, be patience. Remember? Patience is a virtue.

"Aish! Mag imbento ka ng something romantic. Takte!" Inis na sabi ko.

"Ahh.. romantic? Uhm...ahm... Nagkabungguan po kami tapos nagkatinginan sa mata. At mula po nun ay hindi na sya nawala sa isip ko." Nakangisi nya kong tiningnan, ako naman ay nakanganga. Seriously? "Mga ganon ba? Romantic scene?" Natatawang dagdag nya pa, sabagay. Okey na din kesa dun sa una. Kahit medyo nakakadiri.

"Ayos na nga yun!" Napipilitang sagot ko na mas ikinatawa nya.

"Noted boss" pang aasar pa nya sakin. Tsk. Binabadtrip ako ng babaeng to.

"Ano pa?" Hindi tulad kanina. Ngayon ay parang nabuhayan na sya, Nag eenjoy na ang abnormal na babaeng nasa harap ko ngayon -____-

"Pano ka niligawan ng anak ko?" Sunod na tanong ko,

"Romantic ba dapat ulit?" Tanong pa nya na tinanguan ko nalang. Mas gusto ni Mommy yung ganon,

"Uhm.. dinala nya po ako sa isang Overlooking na lugar tsaka nya ko dun hinarana. Dun ko din po sya sinagot." Nangangarap pa sya habang sinasabi ang imposible kong gawin na scene na yan. Too Corny -____-

"Nah.. hindi si mom dyan maniniwala" Siguradong sabi ko.

"Bakit naman?" Bagsak na balikat naman na tanong nya,

"Hindi naman kasi ako marunong kumanta" Nahihiyang sabi ko, with that., nakita kong nagpipigil sya ng pagtawa. Sige lang.. Tawanan mo ko. Porke maganda boses mo, tss -_____-

"Edi ganto nalang.. Uhm.. Dinala nya po ako sa isang overlooking na lugar tsaka nya ko dun hinarana, kahit po hindi kagandahan ang boses nya at halatang trying hard ay dun po ako mas na inlove sa kanya. Knowing na. Okey lang na magmuka syang ewan sa harap ko mapasaya lang ako" she seriously said. Nagtataka na talaga ko kung san nya pinagkukuha yung mga sinasabi nya eh -____- baka pag narinig ni mommy yan ay pakantahin nya rin ako sa harap nya, selosa pa naman yun. Tss.

"Pwede na nga yan!" Naiilang na sabi ko, Ini isip ko pa lang kung totoong gagawin ko yun? Nasusuka na ko, not my thing.

"Last... Anong nagustuhan mo sa anak ko?" Ngising tanong ko. Kahit na alam kong hindi naman talaga nya ko totoong gusto ay curious parin ako sa isasagot nya,

Seryoso nya kong tiningnan,

"Yung pagka siraulo nya po, Yung ngayon masungit sya, bukas sweet at caring naman tapos bukas nanaman ay susungitan nanaman po ako, nahawa po yata ako sa pagkasiraulo nya kaya nagustuhan ko sya" Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba yun o dapat na ika inis, Pero natagpuan ko nalang ang sarili kong nakangiti sa sagot nya, not bad. Siraulo ako.. siraulo din sya.. haha Quits lang kame.

Nag thumbs-up lang ako sa kanya,

"Ayos ba?" Ngiting tanong nya sakin. Tinanguan ko lang sya,

"Pwede ba ko ulit matulog?" Nag aalangan nyang tanong na ikinatawa ko nalang.

"Yeah sure, Just make sure na gigising ka before mag lunch, wala akong kasabay kumain" Sumaludo lang sya sakin tsaka tumakbo pataas.

Napa iling nalang ako at napangiti, Sa kanya nga yata ako nahawa ng pagka siraulo e, Binaliktad pa ako, tsk tsk.

_______________________
Hello ✋
Last na update ko po muna to. Haha baka kasi hindi ako makapag update bukas e,  busy na kasi sa pagpe prepare para sa pagsalubong ng bagong taon ⭐

Advace Happy new year guys :*
Godbless ^^
Keep reading :)
Please vote,

Loveyouuuol :*
#Musicutie28
//Elaikaaaaaa.

100 Days In a Fake Relationship<3Where stories live. Discover now