Chapter 25: Poor Kings 😆

11 2 0
                                    

Nicolo's P.O.V

Alas dyis na kong nakauwi sa bahay dahil sa kakulitan ni Mommy.

Papasok palang ako ng bahay pero dinig ko na dito sa labas ang ingay sa loob.

"Nice talagang sinunod nila ang bilin kong wag syang iwan" natatawang kausap ko sa sarili ko dahil nasisiguro kong boses ni Aaron at dave ang naririnig ko mula dito,

mukang nagkakasayahan yata sila ah?

"Nicolo. I-expect mo na na MAGULONG bahay ang bubungad sayo" pagbumbinsi ko pa sa sarili ko. Bago ko binuksan yung pinto na hindi naka lock.

Pero kabaliktaran ang naabutan ko. Mula dito ay kitang kita ko ang naghuhugas ng plato na si Marck.

Ang nagpupunas ng lamesa na si Aaron.

Ang nagwawalis na si Emil.

Ang nagpupunas ng platong hinugasan ni Marck na si Margil.

Ang nagpupunas ng hagdan na si dave.

Ang trying hard na nagtitiklop ng damit na si Charlie.

At ang NAKAUPONG si Cris.

Oo tama kayo ng basa! Nakaupo lang sya habang dumadanas ng paghihirap ang mga kaawa awa kong kaibigan. Poor kings.

Hindi nila napansin ang pagdating ko dahil busyng busy sila sa kanya kanyang gawain. Nice kings. Napasunod ba talaga kayo ng amosonang yan?

"Naks. Sisipag ah" natatawa kong pagkuha sa pansin nila. Kaso ng sandaling mapunta sakin ang paningin nung anim ay sinamaan agad nila ko ng tingin, Yung tingin na pinapatay nila ko sa isip nila? Ugh. Creepy

"Fuckyou brad! Hinding hindi na talaga ko babalik sa bahay na to hanggat nandito pa yang babaeng yan" Todo simangot na sigaw sakin ni margil. Pinipigilan ko talagang hindi matawa sa mga itchura nila ngayon. Ang dudungis na akala mo inalipin. Oh well mukang inalipin nga talaga sila.

Sinamaan sya ng tingin ni Cris na kumportableng nakaupo sa sofa.

"Kung bakit naman kasi sumunod kayo dyan. Haha seryoso? Napasunod kayo ng patpatin na yan? Weak kings" pang aasar ko pa lalo sa kanila. Umamba pang ibabato sakin ni Emil ang walis na hawak nya ng tumakbo ako papunta sa likod ni Cris. Oh mga gago, nakakuha kayo ng katapat nyo. Haha

"Stop acting like you know our pain nicolo! Your not us! And You'll never be us!" Pang gagaya pa ni dave sa paborito nyang script sa barcelona yata yun.

"Ikaw kaya tapatan ng malaking kutsilyo. Ewan ko nalang kung hindi ka magkandarapang sumunod. Hindi pa naman uso dyan sa amasonang yan ang salitang biro" Madamdaming sumbong naman ni Margil. Hindi ko na talaga napigilang tumawa sa mga hinaing nila. Kita ko rin ang patagong ngiti ni Cris, she's enjoying this.

"At alam mo ba nicolo? Ha? Alam mo ba?! Pinaglaba kami ng babaeng yan! Narinig mo? Ha nicolo? Sobrang pinahirapan nya kami. At eto pa ang malupit brad. Puro damit mo yung nilabhan namin! Saya diba? Pinag tripan lang kami nyang si Cris dahil Wala daw syang magawa. Hanep sa trip no? Grabe talagaaaa. Hindi na ko ulit bibisita dito. O papayag na bantayan yang walang puso na babaeng yan!"

Muntik na kong mapa palakpak sa haba ng sinabi ni charlie.

"Woah. That was long" pumapalakpak na sabi ni Cris. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil halata namang nang iinis lang talaga sya. Hays.. ibang klase talaga.

"Ugh! I can't take this anymore. Suko na ko. Im going" Sunod sunod na wika ni Aaron at dire diretchong naglakad palabas ng bahay.

"Alis na din ako. Gusto ko ng matulog. Grabe ang sakit ng katawan ko sa mga ipinagawa mo." Paalam ni Margil tsaka nag walk out.

"Uwi na din ako. Nagsisi talaga kong nagpunta pa ko dito" nakangusong sunod na lumabas si Emil.

"Hindi ko alam na may talent pala ko sa pagpupunas ng hagdan. Thanks Cris. Nag Enjoy ako sa trip mo haha" Natawa si cris sa sinabing yun ni dave at ang apir pa sila. Tss. So close na sila?

Lumabas na din ng bahay si dave, naiwan si Charlie at Marck sa loob. Hinihintay ko nalang kung sino sa kanila ang unang magpapa alam. Gusto talaga nilang mag isa isang mag walk out?

"Una na ko. Hindi naman ganon kasama ang araw na to, sarap mong magluto Cris. Haha" nakangiting sabi ni Marck kay Cris. Nginitian lang sya ni Cris atsaka tumango. Hindi na nya hinintay sumagot si Cris at lumabas na din.

"hoy gago, ilagay mo nalang sa damitan mo yang mga tiniklop KO na nilabhan NAMIN ha? Tss" Sarkastikong sabi ni Charlie atsaka Lumabas,

Sumunod ako sa pintuan para sana isarado ng matanaw kong nag ipon ipon sila sa tapat ng gate ko, pasimple akong lumapit dun para marinig ang pinag uusapan nila.

"Hahahaha Tawa talaga ko ng tawa sa pagkukuskos ni Marck ng brief ni nicolo eh, hahaha Diring diri ang gago" dinig kong boses ni Aaron na nasundan ng mga tawanan.

"Kung hindi nga lang nakabantay si cris, malamang ay hindi kona yung kinuskos." Tumatawa ding sagot ni Marck.

"Akalain nyong mag e-enjoy pala kong maglaba at maghugas ng plato? Hahaha Not bad," Sagot naman ni marck bago ko narinig na binuksan nila ang mga pinto ng kotse nila. Tsk tsk, kunyare pa ang mga gago. May pa Emote emote pang nalalaman eh mag enjoy naman pala. Tss.

Nilock ko muna ang gate pati ang pinto tsaka ako pumasok sa bahay. Naabutan kong nanonoos ng TV si Cris habang naka upo.

"Kinawawa mo naman yung anim. Alam mo bang kaya sila nandito ay para bantayan ka?" Pangongonsensya ko sa kanya.

"Wala eh. Inataki ako ng pagka boring, ayun napag tripan ko sila. Bakit? Bumawi naman ako ah? Pinagluto ko kaya yung mga kumag na yun!" Ngusong paliwanag nya naman sakin,

"Tsk. Asan yung niluto mo? May natira pa ba?" Tanong ko dahil gusto kong matikman yung pinagmamalaki nyang luto kuno. Tss, hindi naman kasi halata sa kanyang marunong syang magluto. Duda talaga ko.

"Sa Takaw ba naman ng anim na yun tingin mo may matitira pa? Eh kulang nalang yata pati kaldero lamunin nia eh" natatawa namang pagsagot nya sakin, nanlumo naman ako. Kahit kasi kumain na ko ay gusto kong matikman yung luto nya.

"Para pangang mga siraulo e, ignorante sa adobo pota. Hahaha" Lalo pa syang tumawa. -___- Edi sila na nag bonding. Tss. Sila na pinagluto ng adobo whatever na yun. Hmp. Kainis!

Inis ko syang iniwan dun tsaka dumiretcho ng kwarto ko, sinigurado kong nakalock na yun bago ako mahiga,

"Tsk, sila nakatikim ng luto nya. Tapos ako? Ako? Ako pa ang nganga! Kelangan ko din bang magpa alipin muna sa kanya bago ko matikman yung.. ano yung tawag dun?... ahh.. ado.. ah tama. adobo. Gusto kong matikman yung adobo nya" nakangusong pagka usap ko sa sarili ko.

_____________
Awtsu. Sakit ng kamay ko, haha
Kawawa naman ang mga kings, pinaglaba na pinaglinis pa ng bahay. :3

Kinawawa ni Cris Si JHope Mylabss ko ❤
Kems, haha

Keep reading :)
Vote or Comments,

#Musicutie28 ❤
//Elaikaaaaaaaa

100 Days In a Fake Relationship<3Where stories live. Discover now