Chapter 23 😁

15 2 0
                                    

Cris P.O.V

Tamo tong lalaking to. Ang bait bait nanaman, kinakabahan ako baka kinabukasan sagad nanaman ang pagsusungit nya Bipolar eh. Tss.

Kumakain kami ngayon sa Jollibee dahil trip kong magapapak ng fries. Halos mapatapon nga ako sa pagkakaupo ko ng makita kong halos punuin na ni nicolo ng pagkain yung lamesa namin.

Natuwa naman ako dun dahil Madami akong fries na nakita. May spaghetti at ChickenJoy dun.
Hindi ko na sya hinintay makaupo sa harap ko at agad ng sinunggaban ang walang malay na fries.

"Tsk. Ano ba. Wala ka talagang manners" Baling nya sakin. Inirapan ko lang sya at nagpatuloy kumain. Gutom ako e. Bakit ba? sya naman may kasalanan eh. Ilang oras akong nakaupo lang dun at nagtiis ng gutom. Pigil ko din ang sarili kong masapak yung mga baklang yun dahil sa kakakalikot sa muka ko. Kainis!

Kinuha ko ang sunday at sinawsaw dun ng sabay sabay ang tatlong pirasong fries at sabay sabay ko din itong isinubo. Hindi ko naman pinansin si Nicolo na nakangangang pinanonood akong kumain.

Since nakanganga sya ay kumuha ulit ako ng tatlong fries saka ito isinawsaw ulit sa sunday at isinubo sa nakanganga nyang bunganga.

Nagulat pa nga muna sya at nagtangkang iluwa yun ng samaan ko sya ng tingin.

Lihim akong napangiti ng labag sa loob nya itong nguyain.

Sasawsaw na sana ulit ako sa hawak kong sunday ng biglang mawala yun sa kamay ko.

"Hoy! Akin yan eh!" Kung may isasama pa ang tingin ko sa kanya ay ginawa ko na. hawak na kasi nya ngayon yung sunday at sinasawsawan na din nya ito ng fries. Ugh! Ubos na nya yung kanya eh. Akin na yun.

"Umorder ka nalang ulit." Sabi nya na sabay sabay sinubo ang tatlong fries. Aarte arte pa kanina. Tss.

Padabog akong tumayo at umorder ulit ng sunday. Sinamahan ko na din ng fries at Cokefloat.

__________
Nicolo's P.O.V

Masarap pala to? Na wi wirduhan pa naman ako sa kanya ng makitang sinawsaw nya sa sunday yung fries na ang pagkaka alam ko ay ketsup ang sawsawan.

Napatingala ako ng makitang naglapag si Cris ng LIMANG Sunday sa lamesa. Tatlong Large Fries at Tatlong Cokefloat din.
Yung totoo? Ganto ba talaga sya katakaw?

"Salamat" Ngiting sabi ko sa kanya at kumuha ng isang sunday na dala nya. Dahil paubos na din yung hawak ko.

Kaso bigla nyang hinampas yung kamay ko.

"Umorder ka ng iyo! Akin lahat yan" napanganga ako sa sinabi nya. Seryoso? Kaya nyang ubusin lahat yan?

"Ang damot. Isa lang eh" nakangusong sabi ko pero irap lang ang isinagot nya sakin.

Hindi na ko nag abalang umorder pa. Tinatamad na din kasi akong tumayo bukod sa uma asa ako na maaawa sya sakin at bibigyan ako kahit isa sa mga inorder nya. Kaso wala syang puso kaya talagang pinanindigan nyang KANYA LANG YUN!

Nakasimangot ako habang pinanonood ko syang kumain sa harap ko. Tss. Pagkatakaw takaw ng babaeng to.

"Bakit ang lakas mo namang kumain pero ang payat payat mo padin" tanong ko nalang sa kanya. Dahil hindi nya ko pinapansin naka focus lang talaga ang atensyon nya sa pagkain. -___-

100 Days In a Fake Relationship<3حيث تعيش القصص. اكتشف الآن