Chapter 129

881K 36K 19.8K
                                    

Ash

Jay-jay's POV

"Aalis kana ng Section E?!" Gulat na tanung nila sakin.

Bigla nalang naglabasan ng room ang mga ulupong ng marinig nila yung sigaw ni Keifer.

Eskandaloso talaga to!

Agad akong umiling. "H-hindi..."

"Pero yun ang sabi nya sakin." Pagpipilit ni Ci. "...Kasi daw mas gusto mo daw makasama ang Papa mo kesa samin."

Anaknang...

Ang lakas ng tama ng Aries na yun. Kay Ci-N nya pa talaga sinabi. Kaya pala bigla nalang sya'ng tumamlay. Ay naku! May araw sakin tong horoscope na to.

"Ha?! Bakit naman ganun Jay?!"

"Ayaw mo na ba kaming kasama?!"

"Akala ko ba solid Section E ka?!"

"Jay-jay! Wala naman ganyanan!"

Sabay-sabay nilang sabi at naglapitan pa sakin. Halos masiksik nila ko pero hindi yun ang iniinda ko.

"T-teka lang! H-hindi ganun yun!"

"Si Aries ba?" Maotoridad na tanung ni Keifer dahilan para tumigil silang lahat.

Hindi ako sumagot pero tinignan nya ko sa mga mata. Hindi ko maiwasan na hindi mailang kaya umiwas ako ng tingin.

Bigla nalang sya'ng naglakad paalis. Kahit hindi sya magsalita alam kong si Aries ang pupuntahan nya. Susundan ko sana sya pero bigla nalang yumakap si Ci-N sa binti ko at nag-iiyak.

Hala!

"Ci! Anu ba yan?!" Sigaw ko.

"Wag kang aalis! Dito ka lang sa Section E!" Sigaw nya habang humahagulgol.

Pinilit kong alisin yung nga bisig nya sa binti ko pero hinigpitan lang nya ang kapit sakin.

"Jay-jay! Please!" Pagmamaka-awa nya.

"H-hindi! Hindi nga ako aalis! Bumitaw kana!"

"Jay-jay!"

Tinignan ko yung mga ulupong para manghingi ng tulong sa kanila pero tinignan lang nila ko.

Panu ko pipigilan yung isa kung hindi ako makakaalis dito?

"Alisin nyo nga si Ci-N?!" Utos ko sa kanila.

"Mangako ka muna na hindi ka aalis ng Section E." Sabi ni Eren.

Tengene nemen!

"Hindi nga ako aalis! Kailangan kong pigilan yung Hari ng mga Ulupong, kaya alisin nyo na to!" Sigaw ko sa kanila.

Dahan-dahan silang lumapit sakin at hinawakan si Ci-N pero bigla nalang nya'ng pinaghahampas ang kamay nila.

"HINDI! DITO LANG AKO!" Sigaw nya.

"Ci-N naman!"

"Jay-jay!" Tawag sakin ng kung sino.

Pinilit kong tignan kung sino yun. Si Yuri, tumatakbo sya palapit samin.

"...Anu'ng... Bakit nakaganyan si Ci-N sayo?" Tanung nya.

"Kasi----"

"AALIS NA SI JAY-JAY NG SECTION E!" Putol ni Ci-N sa sasabihin ko.

Agad akong tinignan ni Yuri. "Totoo?"

"Hindi! Mamaya ko na papaliwanag! Puntahan mo si Keifer baka mag-away sila ni Aries!" Utos ko.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Where stories live. Discover now