Chapter 130

932K 34K 13K
                                    

Accident

Jay-jay's POV

Late! Late! Late! Late!

Punyemas! Hindi ako ginising ni Ci-N. Hinayaan nya kong matulog at umalis sya ng hindi rin ako ginigising.

Hiya'ng hiya ako sa kanya. Matapos kong patuluyin sa kwarto ko tapos hindi man lang nag-effort na gisingin ako. Pinatay din nya ang alarm ko ah.

Sobrang nakakahiya!

Tinignan ko yung oras sa phone ko. Wala na! Hindi na talaga ako aabot. What worse?! Wala akong masakyan, kundi punuan, ayaw naman akong hintuan.

Badtrip!

Umaga pa lang pero amoy hapon na ko. Hagardo Versoza lang!

Lakad takbo kasi ang ginagawa ko. Hindi pa naman ako nakapag-almusal ng maayos. Late na nga kasi ako nagising kaya kumuha nalang ako tinapay at lumarga na.

Huminto ako sandali sa isang kanto. Sobrang hingal na kasi talaga ako. Hindi na rin naman ako aabot, bakit pa ko mag-effort na tumakbo.

"Jay-jay!" Tawag sakin ng kung sino.

Napatingin ako sa kabilang daan. May lalaking kumakaway sakin. Si Rory! Kumaway din ako sa kanya at agad syang tumawid palapit sakin.

"Late ka na rin." Pang-aasar nya.

"Tinanghali ng gising. Ikaw?"

"Late na rin ako nagising." Sagot.

Sabay kaming naglakad. Hindi na rin kami nagmadali, late na nga din kasi. Sayang lang effort namin.

"Dyan kaba nakatira? Diba magkalapit kayo ng bahay ni Edrix?" Tanung ko.

Galing kasi sya sa subdivision sa kabilang daan. Hindi naman taga dun si Edrix. Alam ko malayo pa sila.

"Hindi... Dyan ako natulog sa bahay ng girlfriend ko." Sagot nya at bigla nalang ngumiti.

Alam na this!

"Yan tayo eh..."

Naghimas lang sya ng batok at ngumiti sakin. Lukong to! Mukang proud pa sa ginawa nya'ng kalokohan.

"Ganyan ba talaga kayo? Required ba sa inyong mga lalaki ang makipag----you know, yung anes?" Tanung ko.

Napaka-awkward nito pero hindi ko mapigilan na hindi macurious sa kanila.

"Hindi naman... Biglaan lang din kasi. Lalu na kung magpapadala ka sa tukso." Sagot nya.

Ganun?

Tukso. Buti nalang hindi ako nagpadala dyan nung New Year. Kung nagkataon, ay naku! Tapos ang buhay ko sa kamay ni Kuya Angelo.

"Ahh..." Sagot ko habang nag-nod.

Bigla nalang syang ngumiti ng nakaka-loko. Agad naman akong gumanti ng natalim na tingin sa kanya.

"Wala ka pang experience no?" Mapang-asar nyang tanung.

Muntik lang----ay wala!

"H-ha? W-wag mo nga akong tanungin ng ganyan!"

"Bakit namumula ka?"

Hinawakan ko agad ang pisngi ko para hindi nya makita. Asar! Bakit ba kasi dito napunta yung usapan namin?

"...di bale. Kapag naging kayo naman na ni Keifer, pwede ka'ng magpaturo sa kanya." Sabi nya at bigla nalang tumawa ng malakas.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon