Survival 2 | Exploration

9.8K 445 107
                                    

THERE IS NO TURNING BACK. It doesn't matter how fearsome the outside world is, nor how cruel it is. We will fight those monsters and bring victory to humanity.

From the countless battles humanity once faced, I swore in my name that we will end this madness in our term.

"District 24." Is the name of our team.

Each team is divided by stations, and our team is assigned to protect and monitor District 24.

Humarap ako pagkatapos tawagin ng isang Specialist ang aming pangalan mula sa pagbunot mula sa box na kanyang nasa harapan. Sa aking likod ay ang aking mga kasama at tahimik na nakikinig, at kahit hindi nagsasalita, ay alam kong pare-pareho lamang kami ng nararamdaman.

Mixed emotions. Nervousness, terrified, at the same time thrilled, for we will now experience the real fear of being in an apocalypse. We were being protected by these gigantic walls and those people who remained awake 24/7 just to protect the individuals inside.

And us, who were nominees to become soldiers and to train nonstop until our skills are enough to fulfill the job of exploration outside these walls.

Inilagay ng Specialist ang papel sa isang garapon bago sya muling bumunot, ngunit sa pagkakataong ito ay lugar naman.

Tulad ng nakagawian, hindi ito inannounce, imbis ay inilahad sa akin. Inabot ko iyon bago sumaludo at tinalikuran ang mga ito, na bumungad sa akin ang mga mukha ng aking makakasama na ngayo'y hindi mapakali kung dapat ba silang matakot o matuwa.

Sinenyasan ko ang mga ito na sumunod sa akin, kung saan sila'y sumaludo muna sa mga matataas na ranggo sa harapan bago sumunod sa aking likurab.

We are 16 in total, a squad that I, a Staff Sergeant is managing. And I am responsible for their lives.

Nang makalayo ay iniangat ko ang papel na aking hawak. Parang mga bubuyog naman itong nagsilapitan sa akin. We're going to Watford City, well, it's okay since it's not so far from Hirane.

"Waltford lang? Ang panget!" Nakasinghal na bulong sa akin ni Faye na dahilan upang mapangisi ako.

Ang ineexpect kasi nito'y sa ibang bansa kami pupunta tulad ng Canada, Korea, Japan, o sa Pilipinas na syang paulit-ulit nyang hinihiling kagabi, ngunit dahil nasa US lang rin ang nabunot ay halatang disappointed ito.

Ayos lang naman sa akin kahit na saan kami mapunta, basta ba ay sama-sama pa rin kaming makakabalik, iyon lamang ang aking tanging hiling.

"Wala tayong magagawa," bulong ni Sandy bago humalakhak. Napairap si Faye sa usal nito.

"Palibhasa kasi takot ka." Humarap si Faye rito at humalukipkip with matching taas ng kilay, at iyon ang pagsisimula ng away mula sa dalawang isip-bata.

"Sino nagsabing takot ako? Duh! Sino ang halos maihi sa pants noong nanuod tayo ng Rings?"

"Luh! Kala mo naman eh kahawig mo si Sadako d'on, lalo na't sad girl ka nung time na 'yon at nabasted ng crush nyang private. Ulul!"

Napailing na lamang ako. At dahil sa kanilang ingay ay nakuha namin ang atensyon ng iba. Nakatingin sila sa amin, may panghuhusga sa mga titig ngunit hindi iyon binigyan ng atensyon nang kahit na sino sa aking kasama at patuloy pa rin sa bangayan.

Maiingay ang aking nasa grupo at walang arte, at iyon ang masarap pakisamahan. Hindi sila iyong irresponsableng grupo na hindi mapatahimik, dahil kahit ganito ang kanilang ugali ay may pagka-matured ang mga ito.

Hindi tulad ng iba rito na lahat gagawin para lamang makibagay sa iba. Bakit kailangang baguhin ang sarili para mapasali sa ibang grupo kung darating ang araw na may tatanggap sa'yo?

Zombie Apocalypse: SurvivalWhere stories live. Discover now