Chapter 2

27.6K 890 737
                                    



"Mommy." may pag-aalala sa tono na tawag sakin ni Kevin. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya at inayos ang uniform nya.

"Okay lang si Mommy, anak." sabi ko sa kanya. Alam kong naglalaro na sa isip nya kung bakit namumula ang mga mata ko na halatang galing sa pag-iyak.

"Kevin, are you ready? let's go na baka mahuli ka pa sa klase mo." sabi ni Lorenzo habang inaayos nya ang neck tie nya.

"Yes po, Daddy." sagot ni Kevin pero nakatingin pa rin sakin. Hinalikan ko sya sa noo nya bago tumayo. Kinuha ko ang bag nya at ibinigay sa kanya.

"Mag-aral ka ng mabuti, okay?" sabi ko sa kanya.

"Yes po, Mommy." sagot nya.

"Let's go, Kevin." sabi ni Lorenzo at kinuha ang bag nya. Lumapit sya sakin para halikan ako pero umiwas ako. "Aalis na kami." tumango ako sa kanya habang hindi nakatingin sa kanya.

Lumabas na sila ni Kevin. Nanghihinang napaupo ako sa upuan. Hindi ko na mapigilan ang pagluha ko na kanina ko pa pinipigilan dahil ayokong mag-alala pa masyado ang anak ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong lakas para pumasok sa trabaho. Nanghihina ako. Gusto kong magpahinga pero paano ako makakapagpahinga kung lagi kong naiisip na dito na titira ang babae ni Lorenzo? Hindi ko alam kung nananadya ba si Lorenzo para patirahin nya pa dito ang babae nya. Napapaisip ako ano bang nagawa ko sa kanya para pahirapan at saktan ako ng ganito? May nagawa ba akong mali?

Napabuntong hininga ako. Wala akong maisip na dahilan para gawin nya sakin 'to. Baka sadyang naakit sya sa babaeng yon kaya nya nagawa 'to? Hindi naman kasi maipagkakaila na maganda at sexy ang babae nya. Kahit nung una ko itong makita, namangha ako sa ganda nyang tanglay, hindi sapat ang salitang dyosa para sa kanya. Ang makinis at maputi nitong balat, parang ang lambot nitong hawakan at the same time nakakatakot din hawak dahil baka sa sobrang pagkagigil ay magkaroon pa ito ng pasa at ang mala-anghel nitong boses na kay sarap pakinggan.

Nanlaki ang mata ko sa mga naiisip ko tungkol sa babae ni Lorenzo. Nailing-iling ako. Ano ba itong pinag-iisip ko? dapat mainis ako sa babae nya pero pinupuri ko pa ito. 

Maganda naman kasi sya, wala ng maipipintas pa sa kanya bukod na kabit sya ng asawa ko.

Napabuntong hininga na lamang ako. Nagtungo ako sa kwarto namin para makapagligo. Papasok na lang ako sa trabaho, wala rin naman akong gagawin dito kundi isipin ang babae ni Lorenzo. Mas mabuti pang magpakabusy para hindi ko sila maisip pa.

Nasa kaligitnaan ako ng pagliligo nang may rinig kong may nag-doorbell. No choice ako kundi labasan ang taong iyon dahil baka mamaya ay importante pala 'yon. Lumabas ako na nakatapis lang. Hindi ko na magawan pang magbihis dahil nakakahiya naman sa nagdo-doorbell at mamaya ay si Mama pa 'yon o ang parents ni Lorenzo.

Binuksan ko ang gate. May isang babaeng nakatalikod ang bumungad sakin. May kausap sya sa cellphone nya pero nung maramdaman nyang bukas na yung gate ay lumingon sya sakin. Naka-shades sya pero alam kong napatingin sya sa katawan ko na nakatapis nga lang.

"Seryoso? Ugh!" nagulat ako na hinila nya ako papasok ng bahay. Hindi agad ako nakapag-react dahil basta basta nya na lamang ako hinila papasok sa loob.

"Te-teka! sino ka ba?!" doon lang ako natauhan. Binitawan nya ako at nag-cross arms sa harap ko.

"Wala ka bang damit para hindi magbihis?" napakunot ako ng noo sa sinabi nya.

"Eh sa naliligo ako nung bigla ka nag-doorbell at sino ka ba huh?" grabe kung makahila sya papasok ng bahay namin parang sya ang may ari ah.

"Tsk.." tinanggal nya ang shades nya na ikinaguho ng mundo ko. 

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon