Chapter 9

22K 851 140
                                    



Tatlong araw simula nung maihatid ko si Kevin kay Mama para doon muna tumira at mapalayo sa babaeng 'yon ay sa condo unit na ako tumuloy. Hindi naman ako papayag na maiwan ako sa kanya at ayoko syang makasama dahil baka pati ako lasunin nya. Siguradong madumi na ang bahay namin doon dahil naiwan syang mag-isa roon na walang kaalam alam magluto at maglinis man lang.

Nailing ako. Iyon? iyon ang ipapalit sakin ni Lorenzo? pambihira, maganda nga at sexy pero wala man lang kaalam alam sa gawaing bahay.

"Ma'am may naghahanap po sa inyo." sabi ni Eva habang nakasilip sa pintuan ng office ko rito sa shop.

"Sino naman daw?" tanong ko sa kanya. Inalis ko ang reading glasses ko at tumayo sa pagkakaupo.

"Hindi po sinabi eh. Magandang babae po sya na rati rin pong pumunta rito kasama po ng anak ninyo." sabi nya. Maganda at kasama ng anak kong pumunta rito?

"Paalis mo sya, sabihin mong busy ako." umupo ulit ako nung matanto ko kung sino ang tinutukoy nya.

Ano naman ang ginagawa nya rito?

"Sige po." umalis na sabi ni Eva.

Sumandal ako sa upuan ko at napabuntong hininga. Ano ba kasing kailangan ng babaeng 'yon dito? wag nyang sabihin na inuutusan sya ni Lorenzong pabalikin kami dahil this past few days ay panay ang tawag sakin na magaling kong asawa para lang bumalik kami ng Kevin sa bahay.

Isinuot ko ulit ang reading glasses ko at binasa ang mga sales report ng shop ko.

"Hot." napaangat tingin ko sa nagsalita. Napataas ang kilay ko nung nakapasok na sya ng office.

"What do you want?" inalis ko ang reading glasses ko.

"Ikaw." mabilis nyang sabi. Napakunot ang noo ko at sya naman ay napangisi.

"Pwede ba?" inirapan ko sya. "Kung pumunta ka lang dito para sabihin na pinapabalik ako ng magaling kong asawa sa bahay ay pwede ka ng umalis dahil hindi ako babalik doon, hinding hindi." seryosong sabi ko sa kanya pero parang wala lang 'yon sa kanya dahil nakangisi pa rin syang nakatingin sakin tapos bumaba ang tingin nya sa bandang dibdib ko. Sinundan ko ang tingin nya at namula ako nung makita ang cleavage ko. Mabilis kong tinakpan ang dibdib ko.

"Ang liit." napanganga ako sa sinabi nya.

Mabilis pa sa alas cuatrong binato ko ang stapler sa kanya. Pasalamat sya ay nakaiwas pa sya.

"Lumayas ka rito!" natatawang naglakad sya sa couch dito sa office ko.

"Nope. Dito lang ako. Hihintayin ka. Pagmamasdan ka." sabi nya sabay kumindat pa. Aba't gago 'to ah!

"Pwede ba? hindi ko kailangan ng bodyguard. Umalis ka na." sabi ko habang nakaturo sa pintuan.

"Ayaw." parang batang sabi nya. Anong akala nya uubra 'yon sakin?

"Lu..ma..yas..ka!" inis na sabi ko. Mas lalo akong nainis nung magsuot sya ng earphone. Nang-iinis talaga.

Lumapit ako sa kanya at marahas na kinuha ang earphone nya. Napatingin sya sakin.

"Hey, that's mine." sabi nya.

"Wala akong paki. Umalis ka rito." mariin na sabi ko.

Nagulat ako nang bigla syang tumayo tapos pinagpalit ang pwesto namin. Ngayon ako na ang nakaupo sa couch habang sya ay kinorner ako. Sinamaan ko sya ng tingin pero ang makita syang nakatingin sa mga labi ko ay hindi ko na alam ang gagawin. Umangat ang tingin nya sa maga mata ko.

May kakaiba sa mga mata nya. Parang nilulunod ako nito sa pagtitig nya. Gusto ko man umiwas ng tingin sa kanya pero parang na hypnotize ako at hindi ko man lang magawang kumurap. Hindi rin ako makagalaw para itulak sya palayo bagkus ay nanatili lang ako sa pwesto ko habang unting unti tinutunaw ng mga tingin nya.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon