Acey's POV
"Hindi ko na alam gagawin ko sayo, Lorenzo!" rinig namin na sigaw ni Maru mula sa labas ng kwarto.
"Akala ko matino kayong tao." sabi naman ng kasama ko drito sa kwarto. "Paano ninyo nagawa 'yon kay Maru?" tumingin ako sa kanya. "Acey, ikaw ang kahuling huling taong naisip ko na hindi kayang gawin ang ganitong bagay." may himig na inis na sabi nya.
"Kinukuha ko lang ang dapat ay akin." makahulugan na sabi ko at lumabas ng kwarto.
"Acey!" hindi ko na sya nilingon pa.
Tumingin ako kay Maru na nakasandal sa pader habang umiiyak at hawak ang cellphone ko.
"Mag-divorce na tayo, Lorenzo." maya mayang sagot nya. Tinakpan nya ang mukha nya gamit ang isang kamay nya. "Tang*na Lorenzo! sobra na akong nasasaktan! paano kita iintindihin kung ang rason mo kung bakit mo 'to ginagawa sakin ay hindi mo masabi sabi! nagmumukha akong tanga rito lalo na sa kabit mo! sana inisip mo man lang ang anak mo!"
"Oh my god, Kevin." napatingin ako kay Jelly na nasa likuran ko tapos kay Kevin na nasa pintuan ng kwarto nya.
"Ako na bahala kay Kevin, puntahan mo si Maru." sabi ko sa kanya. Balak ko ng puntahan si Kevin pero pinigilan nya ako.
"Hindi ko alam kung kaya ko pang pagkatiwalaan ka, Acey. Mas mabuti pang umalis ka na lang muna at bahala na ang mag-ina ang mag-usap." sabi nya. Tinanggal ko ang pagkahawak nya sa braso ko.
"Matalino si Kevin, alam kong mauunawaan nya ang sitwasyon ngayon."
"What? ganon ka na ba kadesperadang mapasaiyo si Lorenzo?" ngumiti lang ako sa kanya.
"Damn you Lorenzo!" kasabay ng sigaw ni Maru nakarinig ako ng basag na bagay. Hindi ako makapaniwala na yung cellphone ko ay basag basag na.
My god! ang dami kong files don tapos sisirain nya lang?!
"Mommy!" sigaw ni Kevin at patakbo itong pumunta sa mommy nyang nakaupo na sa sahig at humahagulgol sa iyak. Pati tuloy si Kevin ay napapaiyak na.
"Masaya ka na ba?" napatingin ako kay Jelly. "Nasira mo ang pamilya ni Kevin." tumingin ako sa mag-ina.
"Mas magiging masaya ako kung tuluyan silang maghihiwalay." nakangising sabi ko at tumalikod sa kanila.
"What? wait Acey!" nagtuloy tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kwarto ko.
Tumungo ako sa isang picture frame na nasa study table ko. Pinagmasdan ko ito ng maigi.
"Pasensya na, pero sakin talaga sya." mahinang bulong ko.
Maru's POV
"Sure ka bang okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Jelly. Ngumiti ako sa kanya ng pilit.
"Okay lang ako Jelly, sige na baka hinahanap ka na ng asawa mo." sabi ko sa kanya. Ayokong makaabala pa sa kanya, may pamilya rin syang kailangan asikasuhin tsaka anong oras na.
"O sige, basta okay ka lang huh?" tanong nya ulit. Ang kulit talaga nito.
"Okay lang ako, promise." pero kahit hindi...
"Sige na, aalis na ako. Bye." hinalikan nya muna ako sa pisngi bago tuluyan na lumabas ng bahay. Hinatid ko sya ng tingin hanggang sa umalis ang sinasakyan nyang kotse.
Bumuntong hininga ako. Naglakad ako patungo sa kusina. Kumuha ako ng isang boteng alak na collection ni Lorenzo rito sa bahay. Wala akong paki kung mainis sya, kasalanan nya naman ang lahat.
