Chapter 7

23.2K 846 216
                                    




Pulang pula ang mukha ko matapos naming kumain na tatlo. Umalis si Kevin ng dining area kaya naiwan kaming dalawa ni Acey rito na nagliligpit ng pinagkainan namin. Naaasar ako sa pangisi-ngisi nya. Sarap sapakin eh.

"Ako na maghuhugas...babe." sabi nya at kumindat. Napanganga ako. Kinuha ko ang tinidor at dinuro sa kanya.

"Tutusukin ko mata mo kapag inulit mo 'yan, letche ka at wag mo akong tinatawag tawag na babe, hindi ako bibe." asar na sabi ko sa kanya pero imbis na matakot sya ay tumawa lang sya.

"You're so cute, babe." tinignan nya muna ako ng ilang segundo bago naglakad papunta sa lababo.

"Bwisit ka!" ibabato ko sana sa kanya ang tinidor kaso kahit na gustong gusto ko syang tusukin ay hindi ko na lang ginawa. Padabog kong binato sa lamesa ang tinidor. 

Asar na asar na ako sa bwisit na kabit na yon! ano bang problema nya huh?! wala lang si Lorenzo ako naman inaakit nya?! wow huh! hindi kami talo! kainis sya!

Lumabas na ako ng dinning area at pinuntahan si Kevin na nagbabasa ng libro sa may sala. Tumabi ako sa kanya at niyakap sya.

"Namiss ko ang baby boy ko." sabi ko at hinalikan pa sya sa pisngi nya.

"Mommy naman..." bigla akong napalayo sa kanya at pinagmasdan sya. "Hi-hindi na ako baby." angal nya. Napataas ako ng kilay at nag-cross arms.

"Nung nakaraan lang hinahayaan mo akong tawagin kang baby boy, bakit ngayon bigla kang nagrereklamo? nawala lang ako ng ilang araw at hindi taon, BABY BOY." mataray na sabi ko sa kanya.

"Mommy naman. Ten years old na ako, ang panget pong tignan kung tatawagin ninyo po akong baby boy sa edad ko." sabi nya. Aba!

"Sino nagsabi sayo nyan?" pero may hinala na ako kung sino. Sya lang naman ang nakakasama ni Kevin.

"Si Tita Acey, parang raw akong mama's boy."

"Eh ano naman kung mama's boy ka?" sabi na eh nilalason na nya ang utak ng anak ko! masama talagang naiwan sa kanya ang anak kong mag-isa.

"Ang panget daw tignan at nakakahiya." napataas kilay ko.

"So, nakakahiya pala ako ganon?"

"Hi-hindi po! ano...kasi..." matutuwa sana ako dahil minsan ko lang makitang ganito ka-cute si Kevin kada wala syang maisagot ng maayos, kadalasan alam na alam nya ang sasabihin nya kaso naiinis ako dahil unti-unti syang nilalason ng kabit ng asawa ko.

"Nasa grade five ka palang, Kevin lalo na wala ka rin masyadong kaibigan. Paano ka mahihiya? eh lagi ka nga nasa bahay at mas gusto mo pa nga na kasama ako kaysa lumabas ka. Sabihin mo nga, Kevin, ayaw mo na bang ibina-baby kita? sabihin mo lang, madali akong kausap." seryosong sabi ko sa kanya. Alam kong pinag-iisipin nya ngayon kung gusto nya ba o hindi. Well, katulad nga ng sabi ko, mas gusto pa akong kasama ni Kevin kaysa na lumabas at makipaglaro sa iba at kapag gusto nya na magbinata na, madaming magbabago sa nakasanayan nya.

"Alam mo...babe." nagulantang ako na may magsalita sa likuran ko. Narinig ko pa ang bahagyang pagtawa nya dahil nagulat ako sa ginawa nya.

Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya.

"Kaya ko lang naman nasabi 'yon sa kanya dahil sinasabihan syang bakla sa school nya. Naisip ko lang na baka dahil mas malapit sya sayo kaya sya inaasar." rason nya.

Kumunot ang noo ko tapos tumingin kay Kevin na hindi makatingin sakin.

"Kailan pa 'yan?" tanong ko kay Kevin. "Bakit hindi mo sinasabi sakin?" may tampong sabi ko.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon