Chapter 26

24.5K 1K 146
                                    



"Napatawad mo na ba sya?" tanong ng katabi ko. Tumingin ako sa kanya na ano-bang-ginagawa-ko-dito? "Aba! malay ko bang napilitin ka lang." 

Napabuntong hininga ako. "Naiinis ako sa ginawa nila pero..."

"Pero mahal mo na si Acey kaya pupuntahan mo sya." sabi nya.

"Wala akong sinabing mahal ko na sya." natawa sya kaya napasimangot ako.

"Sige na, kunwari hindi ka namumulan ng mukha." pag-aalaska nya pa.

"Shut up." inirapan ko sya. Tumingin ako sa labas ng bintana.

Saktong six ng umaga raw lalapag ang private jet ni Gil sa Garden City Regional Airport. Si Gil ang kasama kong pumunta ng America dahil tapos na ang bakasyon nya sa pilipinas pero ang sabi nya ay magsta-stay na rin daw sya sa pilipinas sa susunod na taon dahil ayaw na raw nyang malayo sa tatlong kaibigan nya.

Hindi pa nga sure kung uuwi na nga ba sa pilipinas si Acey. Masyadong malaki ang tiwala nila sakin na magagawa kong pabalikin sa dati si Acey. Mahirap gawin ang gusto nila lalo na sobrang nasasaktan si Acey sa pagkawala ng mama nya.

"Matulog ka muna, dalawang oras pa ang byahe natin." sabi ni Gil sa tabi ko.

"Okay lang ako. Wag mo akong isipin." sabi ko sa kanya na nakangiti. Nagtaka ako kung bakit ganon makatingin sakin si Gil.

"Sana mapatawad mo na ng tuluyan si Acey. Alam nyang mali ang ginawa nila at ilang beses ko na rin syang sinabihan na itigilan na nila ang plano nila pero hindi nya raw magawa dahil ayaw nyang mapalayo sayo. Mas lalo raw syang na-inlove sayo kapag araw-araw ka nyang nakikita." naiiling na sabi nya. "Ang lakas ng tama nya sayo. Alam mo rin bang nung nawala ka sa bahay ninyo, lagi syang nakabuntot sayo?"

"What? totoo?" kaya ba alam nya kung nasaan ang condo unit ko?

"Totoo, ang creepy nya 'no?" natatawang sabi nya. "Patay na patay sya sayo. Matatawag na syang obsessed sayo but in a good way naman pwera lang sa planong nila. Kung hindi sya pinilit ni Lorenzo ay hindi naman 'yon papayag talaga. Marami pa namang paraan para makuha ka nya at bilib sya sa sarili nyang magagawa nyang mapa-in love ka sa kanya kahit anong mangyari." naiiling iling na sabi nya.

"Sana mas pinili nya na lang ang ibang paraan..."

Ngumiti sya. "Ang ikinaganda lang sa plano nila ay makakasama ka ni Acey araw-araw. Marami syang pagkakataon na gawin ang plano nyang magpasikat sayo. Mawawala sa paningin ninyo si Lorenzo kaya makukuha nya lahat ang atensyon mo. Kasi kung hindi nila gagawin na may babae si Lorenzo ay malabong magkaroon ng chance si Acey sayo kahit pa sabihin natin na maganda sya kung noon nga hindi mo napapansin, paano pa kaya ngayon na may asawa't anak ka na? At medyo nagmamadali kasi sila kaya kahit na hindi magiging maganda sayo ang mangyayari ay tinuloy pa rin nila ang plano."

Nanatili akong tahimik.

"Gusto ko na syang maging masaya dahil marami na syang nagawa sa buhay pero ni minsan noon hindi ko na nakikitang pang sumaya ng sobra si Acey. Masaya naman sya sa mga nagiging tagumpay nya sa buhay pero yung saya na magbubuo sa pagkataon nya kapag nakikita ka nya, ayon ang gusto kong palaging nakikita sa kanya. Alam kong ikaw lang ang mamahalin ni Acey at wala ng iba. Sinabi nya noon sakin na kapag wala syang pag-asa sayo, hindi baleng tumandang dalaga, hindi sya maghahanap ng iba dahil siguradong sigurado syang ikaw lang ang mahal nya."

"Bakit...hindi sya maghanap ng iba na mas deserve para sa kanya?" tanong ko rito.

"Ayaw nya, loyal sya sayo. Alam mo bang pinagtripan ko yon dati? sinetup ko sya sa isang VIP room sa bar. Kinausap ko ang kakilala kong model na babae na sobrang sexy at ang hot na akitin si Acey. Bahala sya kung ano man ang gawin nya, kahit maghubad pa sya sa harapan ni Acey ay ayos lang basta maakit nya si Acey. Tawang tawa ako dahil wala pang limang minuto ay lumabas sa VIP room si Acey na may pandidiri sa mukha, baliw 'di ba? maganda na at sexy na yung babae pero nandidiri pa sya tapos hinding hindi ko talaga makakalimutan ang sinabi nya na mas sexy ka pa daw sa babaeng yon kahit balot na balot ka ng damit at mas sigurado daw na pink daw yung nipple mo na hindi daw katulad sa model na babae na medyo brown na at sigurado din daw syang malinis yung ibaba mo kaysa sa babae na mabuhok!" tawang tawang sabi ni Gil. Pinaghahampas nya pa yung upuan kakatawa nya habang ako pulang pula ang mukha ko at parang ang sarap lang sapakin ni Acey.

KabitWhere stories live. Discover now