Chapter 10

23.7K 911 137
                                    




"Tita Acey!" pambihirang batang 'to, imbis na ako yung una nyang salubungin yung pesteng kabit pa.

"Hey kiddo!" masigla rin na sabi ni Acey. Nag-fist bump silang dalawa. "How's school? wala naman nang-aasar sayo?"

"Wala po. Hi, mommy." mabuti naman napansin nya pa ako. "Mommy, uuwi na po ba tayo sa bahay natin?" araw-araw na lang nya 'yan tinatanong.

"Yes/No." sabay na sagot namin ni Acey. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Maru, babe. Maawa ka naman sakin, wala na akong ibang kinain sa bahay kundi noodles." pampa-cute nya.

"Buti nga sayo. Let's go Kevin, iuuwi na kita kanila lola mo." hinawakan ko ang kamay ni Kevin na hindi naman umimik dahil alam nyang baka mainis lang ako sa kanya dahil nung unang beses syang nangulit sakin na umuwi at makipagbati raw kay Acey ay sa kauna unang pagkakataon ay nasigawan ko sya. Simula non mangungulit man sya pero kapag nahahalata nya ng naiinis na ako ay titigil na sya.

"Maru!" may sumigaw sa pangalan ko na ikinalingon ko, pansin ko rin na lumingon din si Acey sa taong 'yon.

"Christian?" paninigurado ko sa gwapong gwapong lalaking lumapit samin habang naka-business suit pa sya.

"The one and only." sabi nya pa. "Natanggap mo ba ang bulaklak na binigay ko sayo?"

"Ah yeah thanks. Anyway, grabe hindi kita agad nakilala, ang laki ng pinagbago mo." ang laki na ng katawan nya na hindi tulad dati na ang payat-payat nya tapos may beards ba sya na medyo mahaba. 

"Ikaw rin naman, mas lalo kang gumanda at hindi man lang nahalata na may anak ka na sa sobrang sexy mo." namula naman ako sa sinabi nya.

"Nice try, Marvin." napatingin si Christian kay Acey.

"Oh! Acey the Great!" napairap si Acey sa tawag sa kanya. Napaiwas ako ng tingin at pilit na wag matawa. Acey the great? pfft!

"Stop calling me that. Nung high school pa 'yan ah." inis na sabi nya. Natawa naman ng bahagya si Christian.

"Bakit ayaw mo yung title na yon? lahat ng schoolmate natin sa Crimson Academy hinahangan ka bukod nga lang kay Maru." napatingin sakin si Christian habang sinasabi yon.

"Oh shut up." inis na sabi ni Acey.

"Daddy!" may batang babaeng tumawag kay Christian kasunod nya ang batang lalaki.

"Hey, kiddo, sya 'yon hindi ba?" narinig kong bulong ni Acey kay Kevin kaya napatingin ako sa kanila tapos kanila Christian.

"Hi Kevin!" masiglang bati ng batang babae sa kanya.

"Mga anak ko nga pala. Si Jessica at si James." pagpapakilala ni Christian sa mga anak nya.

"Hello po!" masigla pa rin na sabi ni Jessica. Ang jolly naman nya.

"Gusto nyo munang kumain? kamustahan lang sa nangyari satin." nakangiting sabi ni Christian.

"Jollibee!" sabi ni Jessica at nakita kong umasim ang mukha ni James.

"No! Mcdo!" angal ni James.

"Eh ayaw!" angal rin ni Jessica.

"Mcdo! Daddy Mcdo tayo."

"No daddy sa Jollibee tayo please?"

Napakamot ng ulo si Christian sa inasal ng kambal nya, nahihiyang tumingin sya samin pero nginitian ko lang sya.

Nauwi kami sa Jollibee dahil ayun din kasi ang gusto ni Kevin. Nakasimangot si James sa tabi.

"Pasensya na sa dalawa, hindi kasi magkasundo ang kambal na 'yan." sabi ni Christian habang nakapila kaming dalawa sa counter para bumili ng pagkain.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon