Chapter 11

22.8K 902 122
                                    




Nagkakape ako sa may dinning table ko nung pumasok sa loob ng kusina si Acey. Naka-black nighties pa sya na ninakaw nya sa closet ko. Dito na sya natulog dahil ang sabi nya tinatamad daw syang umuwi kaya nagpumilit syang dito na matulog. At hindi kami tabi matulog, sa guestroom ko sya pinatulog na dapat ay nasa couch lang sya.

"Good morning babe..." hikab-hikab na sabi nya. Napatingin ako sa katawan nya pero mabilis ko lang din inalis ang tingin ko. "Anong almusal?" ang kapal talaga ng babaeng 'to, kung makatanong akala mo yaya nya ako.

"Wala, kape lang ang almusal ko sa umaga." sabi ko sa kanya na ikinatingin nya sakin.

"Walang laman ang tyan mo hanggang tanghalian? diet ka ba? please lang tigilan mo 'yan dahil sexy ka na." parang wala lang sa kanya ang sinabi nya sa huli dahil naghanap sya ng makakain sa fridge habang ako naman ay hindi ko maintindihan kung bakit namula pa ako sa sinabi nyang 'yon.

"Bahala ka sa buhay mong magluto dyan. Aalis na ako dahil kailangan ko pang ihatid si Kevin sa school." tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. "Pagkatapos mo dyan umalis ka na at wag ng babalik pa." dagdag na sabi ko bago lumabas ng kusina.

"No way babe!" kumunot noo ko sa sigaw nya. "Sasama na lang ako sayo. Mag-drive thru na lang tayo kaysa magluto ako na hindi ko naman kayang gawin." sabi nya. "Wait mo ako, magbibihis lang ako at kapag iniwanan mo ako. Humanda ka sakin." as if naman na natatakot ako sa kanya.

Lumabas ako ng condo unit ko at tumungo sa elevator. Habang nasa elevator ako ay naisip ko kung ano na kaya itsura ng bahay namin? ini-imagine ko palang parang kailangan mag-hire ako ng taga-linis para gawin 'yon. Pambihira naman kasi ang babaeng 'yon, kababaeng tao bakit hindi man lang marunong magluto at maglinis. Anak mayaman naman kasi.

Tumungo ako sa lobby dahil doon ko hihintayin ang mahal na kabit. Umupo ako sa mga couch doon habang naghihintay. Saktong pagtingin ko sa entrance ng building ay nakita ko si Christian na naka-jogging attire at pawis na pawis. Mukhang napansin nya ako dahil lumapit sya sakin habang nakangiti.

"Hey, Maru good morning." bati nya. Ngumiti din ako sa kanya. 

"Good morning din. Dito ka nakatira?" tanong ko sa kanya.

"Ah oo, sa ex-wife ko ang bahay na tinitirhan namin."

"Kasama mo ang mga anak mo rito?"

"Oo, hindi ko naman kasi aakalain na sakin pa sasama ang dalawang 'yon." kumunot noo ko. "Mas close ko kasi ang mga bata kaysa sa ex-wife ko pero hindi ba mas alam ng ina kung paano alagaan ang mga anak?"

"Oo naman."

"Eh ang kaso ayaw ng kambal na sa mommy nila sila sumama dahil lagi rin naman daw iyon wala dahil sa trabaho." sabi nya.

"Eh ikaw? may trabaho ka rin, hindi ba? mabuti naman at nabibigyan mo ng oras ang mga anak mo." nakangiting sabi ko. Dati kasi kahit madalas kaming nasa trabaho ni Lorenzo ay nagagawan namin makaroon ng time kay Kevin dahil ayaw namin itong magtampo.

"Mahirap na, baka mag-rebelde ang daw dalawa 'yon." natatawang sabi nya. 

Napatingin ako sa orasan ko. Bakit ang tagal naman ng babaeng 'yon?

"I have to go na Christian, susunduin ko pa si Kevin kanila Mama." sabi ko sa kanya. 

"Ah sige pero Maru...ano...pwede ba kitang yayain kumain sa labas mamaya?" kamot- kamot ng ulo nyang sabi.

"Pasensya na Christian, ang dami ko kasing gawain ngayong buwan kaya matatanggihan kita sa alok mo." napansin kong nalungkot sya sa sinabi ko. "Siguro next time na lang." ngumiti ako sa kanya. "Sige, una na ako ah? bye Christian."

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon