Chapter 14

22.9K 924 177
                                    




Nagkakape ako sa may sala nang marinig kong sumisigaw sigaw si Kevin habang tumatakbo pababa.

"Mommy si Tita Acey!" tila natatakot nyang sabi.

"Bakit ka tumatakbo?" takang tanong ko sa kanya.

"Si Tita Acey, may dugo!" napakunot noo ko, paano naman mangyayari 'yon? "Mommy! si Tita Acey!"

"Oo na, ito na." sumunod ako sa kanya papuntang kwarto ni Acey. Nakita ko sya sa higaan na para bang namimilipit sa sakit ng tiyan at nakita ko ngang may dugo sya...sa pwetan.

Oo nga pala, never pa nakita ni Kevin na dinadatnan ako dahil sakto palagi na nasa school si Kevin at si Lorenzo lang yung nasa tabi ko kapag sumasakit ang puson ko kaya malamang ay hindi alam ni Kevin ang ganitong bagay kahit ten years old na sya.

"Mommy." parang naiiyak na sabi ni Kevin. Napangiti ako at ginulo ang buhok nya.

"Normal na sa babae ang ganyan, Kevin. Buwan-buwan nangyayari samin ang ganyan. Ang tawag dyan menstruation. Search mo na lang sa google kung bakit nangyayari saming mga babae pero bago 'yan, magbihis ka na at mahuhuli ka pa sa school. Ako na bahala rito." sabi ko sa kanya. Nag-aalanganin pa syang umalis pero sa huli sinunod nya ako.

"Babe..." nagmamakaawang sabi ni Acey. Nag-cross arms ako sa harap nya at ngumisi.

"Masakit?" tumango tango sya. "Kawawa naman."

"Babe...ang sakit." naiiyak na sabi nya. Napangiti naman ako at bineletan sya.

"Aalis na kami ni Kevin. Ikaw na bahala sa bahay okay?" tumalikod ako at naglakad.

"Babe!" hindi ko sya pinansin at tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto nya.

Pinuntahan ko si Kevin sa kwarto nya.

"Are you ready? mala-late ka na." sabi ko nang makita syang nasa harapan ng laptop nya. Talagang ni-research nya ah.

"Yes, mommy." sagot nya at kinuha ang bag nya.

Sabay kaming pumunta sa sasakyan ko.

"Okay na po ba si Tita Acey?" tanong nya.

"Magiging okay rin 'yon." sagot ko sa kanya.

Binuksan muna ni Kevin ang gate para makalabas ang kotse ko at nung makalabas ay sinarado nya ito at tumakbo papasok ng sasakyan.

"Ang best na solusyon po raw doon ay bigyan ng chocolate at snacks. Mommy bigyan nyo po sya ng ganon para hindi sumakit tiyan nya." nag aalalang sabi nya.

"Nag-aalala ka sa kanya." sabi ko habang hindi tumitingin sa kanya.

"Syempre po mommy, best buddy ko po sya bukod kay Oven." nakangiting sabi nya. Nakakahawa ang ngiti nya kaya napangiti na rin ako. "At magiging mommy ko rin po sya." nawala yung ngiti ko sa sinabi nya.

"Kevin." may banta sa tono kong sabi.

"Sorry po..." bumuntong hininga ako. 

Minsan ay nakakalimutan ko ang tungkol sa pagiging kabit ni Acey dahil masaya naman kahit papaano kasama si Acey pero katulad nito na nauungkat ang tungkol doon ay hindi ko maiwasan mag-alala sa pamilya ko at sa relasyon namin ni Lorenzo. Mapapatawad ko pa si Lorenzo kung ititigil nya ang kalokohan ito at mag-umpisa ulit kami na para bang walang nangyari. Pwede rin kami maging magkaibigan ni Acey kung hindi nya talaga babalakin na maging kabit talaga si Lorenzo.

Cool naman syang kasama, nakakalimutan ko ang mga problema ko kapag kasama ko sya. Ayoko lang sa kanya yung minsang pang-aakit nya sakin na hindi ko alam kung bakit nya ginagawa ang ganon bagay na dapat kay Lorenzo nya ginagawa dahil kabit sya nito pero sakin nya pa ginagawa. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, bumibilis ang tibok ng puso ko kapag sobrang lapit nya sakin, namumula ang mukha ko sa mga papuri nya na bigla bigla. Yung mga tingin nya minsan para akong nalulunod. Mga gesture nyang nakakabigla katulad ng hahawakan ako sa kamay, hahalikan sa noo, yayakapin mula sa likod. At madalas nakakaasar sya.

KabitWhere stories live. Discover now