Chapter 25

23.8K 919 461
                                    




Maru's POV

Pinagmasdan ko ng maigi si Arch na panay ang libot ng paningin sa buong bahay.

Sya na talaga si Arch at masasabi ko na lalo pa syang gumanda. Hindi ko na naman maalis ang tingin ko sa kanya. Nagagawa ko lang 'yon kapag hindi sya nakatingin sakin dahil ibang usapan na kapag nakatingin sya sakin.

Bigla syang napatingin sakin kaya napaiwas ako ng tingin. Narinig ko naman syang tumawa ng mahina. Randam ko na ang pamumula ng mukha ko.

"Hindi ka pa rin nagbabago." sabi nya. Lumingon ako sa kanya na nagtataka. "Lagi pa rin namumula ang mukha mo sa simpleng tingin ko lang." sabi nya habang nakangisi. Umiwas ulit ako at ngumuso.

"Ba-bakit ba?" tinignan ko ulit sya pero sa gilid lang ng mata ko, nung makita syang nakangiti sakin ay iniwas ko ulit ang tingin ko.

"Aww..cute cute talaga ng Maru ko." sabi nya kaya mas lalo akong napamulahan ng mukha. Napangiti ako ng kaonti dahil namiss ko ang tawag nya sakin na 'Maru ko'

"Psh! kumain ka na ba?" tanong ko at tumayo para makaiwas naman kahit papaano sa pang-aasar nya.

"Sa totoo lang hindi pa nga eh. Dumiretso agad ako dito pagkatapak ko ng pilipinas." sabi nya. Napatingin ako sa kanya.

Oo nga pala. Bago ko makalimutan...

"Saan ka ba nagpunta at bigla ka na lang nawala?" tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa mga mata ko at ngumiti kaya napaiwas na naman ako. Hindi ko talaga natatagalan ang mga tingin nyang 'yon.

"Pakainin mo muna ako please? gutom na ako eh." sabi nya. Napabuntong hininga ako.

"Sige, dito─"

"Nope, sasama ako sayo sa kusina." napakamot ako ng ulo at lumapit sa kanya.

"Ba-bakit ka ba panay ang tingin mo sakin?" tanong ko sa kanya nung nasa likuran nya ako.

"Ang cute mo kasi eh." sabi nya. Mabuti na lang nasa likuran nya ako kaya hindi nya makikita ang pamumula ng mukha ko.

Itinulak ko ang wheelchair nya patungo sa kusina.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya. Itinabi ko ang isang umupan sa may lamesa at pinuwesto sya roon.

"Ikaw." agad akong napatingin sa kanya. "Bahala." sabi nya at ngumisi. Pulang pula ang mukha ko na naglakad patungo sa ref. Hindi na sya nagbago!

"Pwede na ba sayo ang fish fillet?" tanong ko sa kanya nung makita ang fish fillet sa freezer.

"Ayos lang." tumango ako at sinimulan na lutuin ang ulam nya.

Habang nakatalikod ako sa kanya ay feeling ko ay nakatingin sya sakin pero hindi ko magawang lingunin sya dahil baka nakatingin nga sya sakin tapos nakangiti pa. Kotang kota na ako sa pamumula ng mukha.

"Kamusta naman kayo ng asawa mo, Maru ko?" tanong nya. Hindi ko ata narinig ng maayos yung tanong nya dahil sa tawag nya na naman sakin.

"Hanggang ngayon ganyan pa rin ang tawag mo sakin?" tanong ko sa kanya. 

Iniligay ko sa pinggan ang ulam nya at dinala sa lamesa. Pinaghanda ko sya ng kanin at kubyertors tsaka ako umupo sa tabi nya.

"Nasanay ako eh." sabi nya habang nakangiti. Tinignan ko sya ng seryoso.

"Okay sana na tawagin mo ako ganyan kung tayo." sabi ko sa kanya.

"Hmm?" ngumiti sya. "Sorry, straight ako eh." napa-poker face ako.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon