Chapter 18

23.7K 939 122
                                    




"Wow!" tuwang-tuwang tumakbo sila Kevin papunta sa tabing dagat.

Nasa isang beach kami sa Batangas para mag-aliw aliw at makapagpahinga sa mga work at school ang mga bata. Friday ng hapon na kami nakarating at hapon ng linggo kami babalik dahil bukod pa sa may pasok na ang mga bata kinabukasan, uuwi na rin si Lorenzo ng gabi ng lunes.

Kasama namin ang mag-amang sila Christian, ang asawa't anak ni Jelly, si Gil at kami nila Acey.

"Mga bata! mamaya na kayo pumunta dyan!" sigaw ni Jelly.

"Opo!" dali-daling lumapit samin ang mga bata.

"Mommy! ang ganda po rito!" sabi ni Kevin. Ginulo ni Acey ang buhok nya.

"Syempre naman." sabi nya.

"Sus purkit sa inyo lang 'to eh." sabi ni Gil na ikinagulat ko.

"Really Tita Gil? kila Tita Acey ang resort na 'to?" tanong ni Kevin.

"Yes kiddo, hindi mo ba napansin ang pangalan ng resort? Gremory Resort. Isang Gremory si Acey." sagot ni Gil.

"Acey Gremory anak nila Alexer Gremory at Lucy Gremory. Tandaan mo yan little Guevarra." sabi ni Acey kay Kevin. Nakatingin ako kay Acey na tumingin sya sakin at ngumiti. Umiwas ako ng tingin.

"Ma'am." may lumapit samin na naka-uniform ng resort.

"Thanks." sabi ni Acey pagkatapos kuhain ang apat na susi. "Ito na ang susi ng magiging kwarto nyo dito." kinuha ko ang susi sa kanya. Kasama ko si Kevin sa kwarto.

"Magkita kita na lang tayo mamayang dinner. Siguradong pagod ang lahat sa byahe." sabi ni Gil.

Tumango kaming lahat.

"Tara, Kevin." bitbit ang gamit naming dalawa ni Kevin na pumunta kami sa room namin.

Magkakatabi lang ang kwarto namin pwera kay Acey na umiba ng direction. Ang sabi ni Gil ay may sariling kwarto si Acey rito sa resort.

Pagpasok namin ni Kevin sa kwarto ay hindi namin maiwasan humanga sa sobrang ganda ng kwarto. Dalawa ang kama, may tv at may balcony pa. Iniligay ko sa tabi ang gamit namin. Lumapit ako kay Kevin na nasa balcony. Lalo akong humanga na makita ang dagat. Napahawak ako sa buhok ko na humangin ng malakas.

"Wow.." mahinang sabi ni Kevin. Napangiti ako sa kanya.

Mga ilang minuto kami nagtagal doon ni Kevin bago ko sya niyaya na ayusin ang mga gamit namin. Nagpaalam sakin si Kevin na lalabas muna para mamasyal masyal sila ng mga bata. Sinabihan ko silang umuwi kapag alas singko y media na at wag lumayo layo.

"Yes mommy!" mabilis na lumabas ng kwarto si Kevin.

Ako naman ay nahiga sa kama para magpahinga, may balak kasi sila Jelly na pumunta mamaya sa bar para mag-inuman kaya kailangan daw malakas mamaya. Hindi naman ako malakas uminom pero parang gusto kong uminom ng madami dahil sa mga tumatakbo sa isipan ko.

Simula nung huling usap ko kay Lorenzo ay lagi na lang akong natutulala dahil kakaisip sa mga sinabi nya. Nakisabay pa si Acey. Napapikit ako nang maalala ko ang nangyari. Yung tingin nya sakin nung araw na 'yon. Malungkot na may pag-uulila at may pag-aalala. Yung halik nyang hindi katulad nung dalawang beses nya akong hinalikan. Napakasabik at mariin ang paghalik nya nung araw 'yon, parang syang uhaw na uhaw. Ang nakakaasar lang doon ay tumugon rin ako sa kanya. Sinabayan ko ang pagkasabik nya. Nakalimutan ko na nga na kausap ko si Lorenzo non dahil naging blanko ang utak ko sa mga oras na 'yon.

Nung nagdaan ng ilang araw ay hindi na ulit muli 'yon. Naging busy na sya sa kompanya nya at mas okay 'yon dahil nakakapag-isip-isip ako pero hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayari. Naguguluhan ako.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon