Chapter 19

23.7K 984 262
                                    




Pagkatapos naming kumain, idinala na ni Acey ang mga bata sa kwarto nya. Kami-kami naman ay tumungo na sa kwarto para makapagpalit ng damit daw. Hindi na ako magpapalit kaya nahiga na lang muna ako sa higaan at hintayin na lang na sunduin nila ako rito.

Mahigit fifteen minutes na akong nakatunganga sa kisame nang may kumatok sa pinto, patayo pa lang ako nung pumasok na lang si Jelly.

"Oh bakit hindi ka pa nagbibihis?" tanong nya na makitang nakahiga lang ako sa higaan.

"Ayokong magpalit, ayos na sakin itong suot ko." sabi ko.

"Oh c'mon! ang kj mo talaga Maru. Minsan lang tayo mag-aliw aliw ng ganito oh."

"Okay na itong suot ko. Ano ka ba." tshirt at pants ang suot ko. Anong masama rito? hindi naman party ang pupuntahan namin.

"Seryoso?" nakangiwing sabi nya. "Nasaan ba yung mga gamit mo? ihahanap kita ng MAAYOS." idiniin nya pala talaga.

"Mas okay na ganyan ang suot nya." sabay kaming napatingin ni Jelly sa nagsalita.

"Bakit? para walang lumapit sa kanya?" nangising sabi ni Jelly.

"Baka mabastos pa sya roon." inirapan ni Acey si Jelly. Lumapit sya sakin at itinayo ako. "Tara na, nandoon na sila."

"Pero.."

"Jelly, okay na itong suot ko, okay?" sabi ko. Nakasuot na floral dress si Jelly na hanggang tuhod habang si Acey na nakapants din at tshirt na pinatungan lang na black leather jacket.

Hindi na nagpamilit pa si Jelly kaya pumunta na kami sa bar. Malayo pa lang ay rinig na rinig na namin ang malakas na tugtog na nagmumula roon. Pagpasok namin sa bar bumungad samin ang mga nagma-make out. Dire-diretso lang si Acey pero kami ni Jelly ay nandidiri sa kanila at parang gusto naming lumabas na kung hindi lang kami hinila ni Acey.

"Ano ba itong bar na 'to? inuman ba o make out?" sabi ni Jelly.

"Both." sagot naman sa kanya ni Acey. Kahit madilim nakita ko pang inirapan ni Jelly si Acey. Nailing ako.

Umakyat kami sa second floor, sabi ni Acey nandoon daw sila Gil. Nakita namin agad sila na nagkwekentuhan. Wala pang alak na nasa table namin.

"Bakit hindi pa kayo umo-order?" tanong ni Jelly at umupo sa tabi ni Francis na agad naman syang inakbayan.

"Gusto namin na si Acey ang um-order." ngising sabi ni Gil.

"Kahit kailan talaga." tumawag ng waiter si Acey. "Usual." sabi nya roon sa waiter at umupo sa tabi ko.

"'Yon!" tuwang tuwang sabi ni Gil. Nagtaka ako pero hindi na ako nagtanong.

Dumating ang waiter pero may kasama pa syang isa. Nagulat kami na ang daming inumin at pagkain ang inorder ni Acey.

"Aba ayos ah!" tuwang tuwa rin na sabi ni Francis.

"Let's start!" sigaw ni Gil. Kumuha kami ng tig-iisang iinumin.

"Cheers!" itinaas namin ang mga bote at nag-cheers.

Nagkwentuhan kami habang umiinom, wala pa silang balak na sumayaw dahil wala pa raw sila masyadong tama at gusto muna nila magkwentuhan. Minsan lang ako makisali sa usapan nila kapag may itatanong sila o kaya mali yung sinasabi nila tungkol sakin.

"Ma'am excuse po." may lumapit saming isang waiter na may dalang apat na alak at isang pirasong red rose. "Pinapabigay po na nila ito para sa inyo." sabi nya at tinuro ang sinasabi nya. Grupo ng mga lalaki at nung makita nila kaming nakatingin sa kanila ay kumaway sila.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon