Chapter 140

912K 33.2K 10.2K
                                    

Why and When

Jay-jay's POV

"Ahhh!" Sigaw ni Ci-N. "...Bakit ganyan ang mata mo?"

Hinawakan ko yung ilalim ng mata ko. Yung eyebags kong may eyebags din. Badtrip!

Hindi na kasi sumagot si Percy pagkatapos nung huling message nya. Halos agawin ko yung cellphone ni David sa pagmamaka-awa ko.

Pero ayaw na kong tulungan ni David. Pilit nya kong hinatid pauwi. Wala ako'ng nagawa kundi umiyak. Sya na rin ang bumili ng pagkain ni Ci-N na hindi naman din nya kinain dahil tulog na sya pagdating ko.

"Hindi nga ako nakatulog ng maayos." Sagot ko at dumiretso sa banyo.

Hindi talaga nakatulog.

Sinubukan kong pumikit at magbilang ng tupa, kambing, kabayo, palaka, kalabaw at aso sa isip ko pero wala pa rin. Ang sakit sakit tuloy ng ulo ko at ang bigat din ng katawan ko.

Ang hindi ko pa maintindihan, kung bakit ganun yung message nya. Anu yun? Na-wrong send? Pero imposible.

Si Yuri yung binanggit nya at yung singsing. Hindi kaya alam nya yung engagement? Pero panu nya nalaman?

Agh! Yan na naman!

Sumasakit na naman ang ulo ko. Agad ako'ng naghilamos at sipilyo. Tinali ko din yung buhok ko pa-bans.

Paglabas ko ng banyo nakita ko si Ci-N na parang may hinahanap. Nabaliktad na rin nya yung kutson na hinihigaan nya sa sahig pero mukang hindi pa rin nya makita.

"Anu hinahanap mo?" Tanung ko.

"Yung tumutunog."

Pagkasabi nya nun, awtimatiko'ng hinanap ng mata ko yung cellphone ko. Akin yun eh! Ringtone ko yun!

Nabaliktad ko na rin yung kama ko pero wala. Hanggang sa napatingin ako sa basurahan.

Pakshit!

Tinapon ko nga pala yung cellphone ko sa sobra'ng inis. Nanlulumo ako kagabi. Feeling ko wala'ng pakinabang cellphone ko kaya dumiretso sa basurahan.

Kinuha ko naman yun agad at tinignan yung tumatawag.

King Ulupong Calling...

Tinignan ko muna si Ci-N bago sagutin yun.

"Hello." Sabi ko pagkasagot ng tawag.

["Kindly explain why you're not answering any of my phone calls and text messages."] Maotoridad na tanung nya.

"H-ha? A-anu... K-kasi... Eh." Yun na nalang ang naisagot ko habang naghihimas ng batok.

Bigla din kasi sya'ng tumawag kagabi pero hindi ko sinagot dahil busy nga ako sa pakiki-usap kay David at pag-iyak na rin.

["Tss."]

Bigla nalang ako'ng napatigil. Yung feeling na nanibago bigla ako sa hindi ko maintindihan na dahilan o mas tama ata'ng sabihin na para'ng namiss ko yung 'Tss' na yun.

["...Sasama kaba kay Eman mag-grocery?"]

Ay oo nga pala! Tinignan ko yung oras sa wall clock. Buti nalang at maaga pa.

"O-oo... Sasama ako. Bakit?"

["Magkita tayo pagkatapos."] Sabi nya at bigla nalang namatay yung tawag.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon