Chapter 148

864K 34.6K 27.6K
                                    

How

Jay-jay's POV

"*Yaaawwwwwnnnnn....*" Hikab ni Ci-N habang naglalakad. "...inaantok pa ko."

"Ako din... Kasalanan mo to! Ang kulit-kulit mo kasi." Inis na sabi ko sa kanya.

"Kung sinabi mo na sana agad sakin kung sino yung ka-'I love you'-han mo, edi nakatulog na sana tayo pareho."

Tinignan ko agad sya ng masama. Ang ingay kasi ng bunganga nya. Kagabi pa kami ganyan, hindi ko alam kung anu oras na kami natulog.

"Wag ka nga maingay! Kainis to! Kaya ayokong sabihin sayo eh!"

Inirapan naman nya ko. "Isumbong kita kay Keifer dyan."

Hahahaha... Aydi sumbong mo!

Tumuloy na kami sa paglalakad. Pagdating sa school, bumungad agad samin yung malaking taurpulin sa harap ng main building.

Schedule yun ng mga event sa school. Malapit na pala ang valentines day.
Pero bago yun, gaganapin muna yung retreat namin. Bakit sobra'ng aga ata?

"Pffttt... Aga ng retreat. Baduy!" Komento ni Ci at nagtuloy na sa paglalakad.

Sumunod naman ako sa kanya at nakasabay pa namin si Calix na muka'ng kakahatid lang kay Mica sa room nila.

"Anyare sa mga mata nyo?" Tanung nya samin.

Agad naman akong tinuro nito'ng bata'ng kumag. "Kasalanan nya!"

"Anu'ng ako?! Kakahiya naman sa kakulitan mo!"

"Ikaw kaya!"

"Ikaw!"

"Ooy! Talaga'ng dito pa kayo mag-aaway?" Sita samin ni Calix kaya tumigil kami. "...para kayong ewan."

Nagtinginan kami ni Ci at nagsenyasan na naman kami. Maka-ilang ulit ko din sya'ng pinandilatan ng mata.

Nauulit na naman yung ginagawa namin kagabi. Nakarating kami sa room, pero bago pa man din ako maka-hakbang papasok huminto na ko sa paglalakad.

"Bakit?" Tanung nila sakin.

Umiling lang ako. "Mauna na kayo... Meron lang ako titignan."

Nag-nod lang silang pareho sakin at pumasok na. Ang totoo, hindi pa ko handa'ng makita si Yuri. Nahihiya ako sa kanya.

Sobrang nahihiya...

Hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin sa kanya yung totoo o anu. Ayoko sya'ng saktan pero ayoko din naman sya'ng paasahin pa.

Pero pananakit na rin kung hindi ko sasabihin sa kanya at paaasin ko sya sa wala. Siguro mas mabuti'ng sabihin ko na sa kanya yung totoo. Pero hindi ko nga lang alam kung pano.

Pag-iisipan ko muna siguro lahat. Ayoko sya'ng biglain. Alam ko namang iisa lang yung resulta nung gagawin ko.

Masasaktan pa rin sya.

Pumasok na ko sa loob. Kagaya ng karaniwang sernayo. Nagkakagulo sila, nagkakasatan, nagkukulitan, asaran, deadma-han at kung anu-anu pa.

Naka-upo na si Yuri sa pwesto nya. Ngumiti agad sya sakin ng makita nya ko. Ganun din ang ginawa ko sa kanya.

"Bakit tumawag sakin si Angelo kagabi?" Bungad nya sakin.

"H-ha? A-anu yun... K-kasi..." Alanganin kong sagot. Halata naman ang paghihintay nya sa sagot ko. "...h-hindi kasi nya ko nakita agad. Akala nya magkasama pa rin tayo."

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon