Chapter 151

805K 31.4K 14.6K
                                    

Near Death

Jay-jay's POV

Yung totoo?! Lunch date o may fiesta? Simple'ng pananghalian o may bonggang handaan?

Napakaraming pagkain. Bonggang bongga! Parang kang umattend ng birthday or binyag. Nasa gilid yung mga pagkain.

Syempre, dahil mga likas na patay gutom. Eto kami at nakapila. Oo! Kasama ako, patay gutom na rin ako. Sinong hindi magugutom dito?

Lechon mga Bes!

Sa lahat ng nagmamantika, eto lang ang ka-akit-akit. *Clap**Clap*.

Ang tagal ng mga Ulupong na to kumuha. Hinakot na yata lahat ng pagkain.

"May ice cream!" Sabi ni Ci habang pumapalakpak.

"Magkanin ka muna... Baka sikmurain ka kung ice cream agad kakainin mo."

"Pero ice cream ang gusto ko." Pilit nya sabay pout.

"Ay naku! Bahala ka nga..."

Hinayaan ko nalang sya. Nakarating na kami sa tagumpay. Kuha dito, kuha doon. Magkakasya dapat sa plato.

Pagkakuha ng pagkain, dumiretso na kami sa lamesa. Naka-pwesto kami malapit kila Keifer, kaya naririnig namin ang usapan nila. Yun din kasi ang sabi nila sakin. Wag ako lalayo kila Keigan.

Yung habang ligaya'ng ligaya ka sa pagkain. Eto naman sila at napaka-seryoso ng usapan. Awra palang ni Keifer mabigat na sa pakiramdam.

Idagdag pa yung kay Yuri at dun sa Daddy nila Keifer. Ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit pati si Aries nasa table nila kasama si Ella.

Edi wow!

"...how's your school? Nag-aaral kabang mabuti?" Tanung nung Daddy nila kay Keifer.

"My study is none of your business." Diretsong sagot nung Hari.

"Come on Keifer, i'm still your Dad. I still have responsibility with you and your brother."

"Bullsh*t!" Inis na sabi ni Keifer.

"Language my son. Your still in my house." Maotoridad na sabi nung Daddy nya.

Putcha! Intense!

Para akong nag-aabang matinding sagupaan dito. Kulang nalang mag-labas sila ng baril kagaya sa pelikula.

Tumingin yung Daddy ni Keifer kay Aries at Yuri.

"Look at you, dati lang nagpupunta kayo dito para sunduin si Keifer. Saya'ng nga lang at kulang na kayo." Sabi at ngumiti.

Kilala din nya pala si Percy. Totoo nga! Nagpunta na nga dito si Aries dati. Kaya pala alam na alam nya.

"Your Ella, right?" Tuon nito kay Ella. "...The last time that i saw you, kasama mo si Keifer. But now, it's look like your with someone else."

Nakaramdam ng pagka-ilang si Ella. Agad namang hinawakan ni Aries ang kamay nya. Hindi ko sya masisisi. Nakapaligid sa kanya ang nakaraan nya.

Bigla nalang tumingin yung Daddy ni Keifer sakin. Muntik pa kong mahirinan. Nakakabigla naman kasi!

"Only rose among the thorns?" Tanung nya sakin.

Ene dew?!

"...What is your name? Bago ka sa paningin ko."

Napatingin pa ko kila Keifer na nakatingin din sakin. Para bang sinasabi nila na mag-ingat ako sa pagsagot.

"J-jasper Jean Mariano po... Jay-jay nalang po."

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon