Kabanata 1

42.1K 1K 61
                                    

"Bili na kayo! Sariwang sariwa na masustansya pa. Aling Bebang bili na kayo ng gulay ko. Sariwa to promise, mamatay man ang alagang kalabaw ni Mang Berting." Pag-alok ko kay Aling bebang na napadaan sa harap ng tindahan ko.

Every week kasi siyang namamalengke dito at kung sino ang makitaan niya ng may magandang gulay ay binibilhan niya. Minsan ay pinapakyaw pa niya. Sikat kasi sa baryo namin ang kainan niya kaya marami siyang naluluto sa isang araw lang.

"Hoy Kriseng. Aba e wag mong idamay si bentong dito." Sabi naman ni Mang Berting na ang tinutukoy ay ang alaga niyang kalabaw. Lagot na, baka hindi ako pautangin nito, mahal na mahal pa naman niya ang kalabaw niya.

"Joke lang ho Mang Berting. Alam niyo naman na sariwa talaga ang mga gulay ko kaya safe si Bentong niyo." Pagloloko ko kay Mang Berting. Natawa lang naman si Aling Bebang habang tinitignan ang mga gulay ko.


"Nakuu." Sabi nalang ni Mang Berting at kinausap na ang mga costumer niya na bumibili ng bigas.

"O siya sige Kriseng bibilhin ko na lahat ng mga gulay mo. Magaganda ang tubo nito ah." Puri ni Aleng Bebang habang ine-enspeksyon ang tinda kong kamatis. Parang nagbukas ang langit dahil sa narinig kong pagpakyaw ng mga paninda ko.

"Syempre naman ho! Ako nagtanim at nag-alaga ng mga yan kaya kasing ganda ko yan." Tumingin ako sa gilid ko. "Kiko umutang ka muna ng plastic kay Mang Berting." Sabi ko sa nakababata kong kapatid na pitong taon palang at nagtatakbo naman ito papunta sa katabing tindahan.

"Naku Kriseng kung ganito palagi kagaganda ang mga paninda mo paniguradong magiging suki mo ako." Inabot ko ang mga binalot na pinamili ni Aleng Bebang at nilagay niya sa bayong na dala niya.

"Matagal na hong maganda ang mga gulay ko. Kayo lang eh, palagi kayong sa mangkukulam bumibili. Mabuti at hindi sumasakit ang tiyan ng costumer niyo." Pagbibiro ko.

"Ikaw talagang bata ka." Natatawang sabi ni Aleng Bebang.

Ayos to makakauwi na kami ng maaga, makakabili pa kami ng masarap na ulam ngayong tanghali. Nagliligpit lang ako ng mga ginamit kong paglagyan ng mga gulay kanina nang biglang may mangkukulam na sumulpot sa harap ko. Pingilan ko ang sarili ko na mapairap.

"Well well well, looks who here, If it isn't the customer thief." Napa-angat ang tingin ko sa impaktang nagsalita. Trying hard pa kasi mag english. Nakasuot ng spaghetti, maikling short at sobrag kapal na make-up.

"Well, well, well look who's here. If it isn't the clown." Ginaya ko ang maarte niyang pagkasabi. Tumingin ako kay Kiko na nakatingin lang sa akin habang nagpipigil ng tawa. "Hey brother, if we have enough money I will invite that person to be your clown for your next birthday." Turo ko kay Rhoda.


Hindi na napigilan ni Kiko at humagalpak na sa tawa, napatingin tuloy sa amin ang ibang tao dito sa palengke.


"Who you calling clowns? I'm not clowns!" Tumingin ako kay Rhoda na nakataas ang isang kilay. Nabobobo ako sa english niya promise!

"Oh you're not? I'm sorry I thought you're a clown." Umarte ako na parang nagulat. Gusto kong matawa sa istura niya. Parang maya-maya may lalabas ng usok sa dalawang butas ng ilong niya.

"You Bitch!" Sigaw ni Rhoda sa akin.

"You Witch!" Sigaw ko pabalik. HAH! Anong akala mo saking impakta ka? Porque nakapag-aral sa manila ng ilang buwan, kung maka english feeling mo sa America na tumira. Eh natanggal nga siya sa manila dahil sa kabobohan niya kaya bumalik lang naman dito sa probinsya. Wala na ata tumanggap sa kanya doon.

I Found a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon