Kabanata 17

19.5K 749 8
                                    

Two days na akong assistant secretary ni Doc Leavitt. Nasa 20s palang pala siya at professional na siya kung gumalaw. Hindi siya dito lumaki pero ang sabi niya dito daw nagkakilala ang mga magulang niya kaya dito niya gustong magtrabaho. Akala ko medical mission lang ang pakay niya kaya nagulat ako dahil sabi niya dito na daw siya nakatira.

Nakakatuwa nga dahil hindi niya pinapansin kung ano ang ibayad sa kanya ng mga tao. Kadalasan pa hindi pera ang nakukuha niya kundi mga prutas at gulay, meron ding nagbibigay sa kanya ng baboy at manok. Minsan tinatanggihan niya ito dahil yun dahil mapagkakakitaan pa daw ito.

"Exhausting day today, isn't it Gail?" Sabi ni doc at umupo sa office seat niya habang ako inaayos ang mga ginamit niya dahil magsasara na kami.

"Oo nga po eh. Okay lang kayo Doc? May iuutos pa po kayo?" Pero imbes na sumagot sa tumingin siya sakin at isinandal niya ang mga siko niya sa lamesa.

"How old are you again Gail?" Inaalis ang salamin niya. O my.. ang gwapo talaga ni doc. Pero mas gwapo parin boyfriend ko. Haay.

"21 po Doc."


"Well, I'm 26. Hindi naman nagkakalayo ang agwat ng edad natin so cut the po and call me by my name." Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko galit siya pero nakangiti naman siya sa akin. Kung wala akong boyfriend malamang crush ko na si Doc.

"Sige p-Kaleb." He smiled again.


"You're cute."

"Hindi naman, maganda lang. hihi." Natawa naman siya sakin. Jusmeyo, kung hindi ko mahal si Zec baka nagtaksil na ako at iniwan siya para kay Doc Kaleb Nixon Leavitt.

Kamusta na kaya ang lalaking yun? Hindi manlang nagpaparamdam. Bukas mag iisang buwan na siyang wala. Naaalala pa kaya niya ko?

"By the way Krisandra, I will be gone for 3 days. Kaya wala ka ding trabaho ng tatlong araw." Nanlaki ang mata ko. Ibig sabihin wala akong sahod ng tatlong araw?! "Don't worry, may sahod ka pa rin."

"Talaga po?"

"Pero kapag nag 'po' ka pa wala na." Itinikom ko ang bibig ko na siya namang ikinatawa niya.

"So pettyful. No boyfriend na." May narinig akong nagsalita, tumingin ako sa kanan at nakita ko si Wendy na may hawak na pamaypay habang naglalakad. "Hmm, now you have boyfriend who is handsome, but he left you."

Tumigil ako sa paglakad at humarap sa kanya. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Anong pinagsasasabi ng impaktang to?

"Ha? Ano? Pwede itagalog mo nalang yang sasabihin mo kasi hirap na hirap ka na eh." Tumigil siya sa pagpaypay at humarap sa akin.

"Kawawa naman, hindi pa maka-intindi ng english. Oh wells, Ang ambisyosa much kasi eh. Akala niya makukuha niya si Markus." Lalong napataas ang kilay ko. May alam ba tong babaeng bakulaw na to?

"Akala mo hindi ko siya kilala?" Mataray na sabi niya. "Sabi ko naman sayo tandang tanda ko ang bawat parte ng mukha niya. At alam kong si Markus siya."

Wow, mabuti pa siya kilala niya si Zec. Yung mga araw palang nababaliw na si Zec sa kakaisip may nakakakilala sa kanya.

"Ibig sabihin.. ikaw ang tumawag sa pamilya ni Zec?" Ngumiti siya sakin, ngiting mala Cherie Gil.

"Oo. Ako nga." Taas noo pang sabi niya.

"Talaga? Salamat ha?" Ngumiti ako ng matamis pagkatapos ay naglakad na palayo.

"T-teka. Hindi ka ba magagalit? O ma-iinis manlang?" Umiling ako.

"Masaya pa nga ako dahil sa ginawa mo. Kaya salamat." Iniwan ko siyang nakanganga at hindi na nakapagsalita. Ang ganda ko kasi.

Naglakad na ulit ako pauwi. Kung ganun, si Wendy pala ang tumawag sa mga magulang ni Zec. Haay. Mabuti narin na ginawa niya yun.

"Kriseng!" Nilingon ko ang tumawag sakin. Tumakbo siya siya papunta sakin kaya tumigil ako at hinintay siyang makalapit. "Kamusta? Na-miss kita."

Nginitian ko si Timothy.

"Okay lang ako. Ikaw kamusta ka na? Mukhang yumayaman na tayo ah." Tinignan ko siya na parang pinupuri ko ang itsura niya.

"Hindi naman. Pumopogi lang." Biro nito. Pero aa totoo lang mas gumwapo talaga siya ngayon kumpara nung huli ko siyang nakita. "Hindi kita nabati nung graduation niyo. Umalis ka kasi kaagad."

Nalungkot ako bigla. Naalala ko nanaman yung araw na yun. Nagmamadali kasing umalis nun si Zec dahil gusto niyang ipakita sakin yung sunset. Haaay.

"Nag aano ka nga pala dito?" Pag-iiba ko ng topic dahil nalulungkot lang ako kapag naaalala ko si Zec. Haaay.

"Ah! Birthday ni Nanay bukas. Gusto mong pumunta?" Bukas? Special day dapat namin ni Zec bukas. Haaaay.

"May problema ba? Kanina ka pa kasi bumubuntong hininga." Tanong ni Tim. Ano nga ulit yung sinabi niya tungkol bukas?

"Ano nga ulit meron bukas? Sorry Tim ah, may iniisip kasi ako." Tinignan lang ako sandali ni Tim bago tumango.

"Uhm, iniimbitahan sana kita bukas para sa birthday ni Nanay." Nakangiting sabi niya.

Ngek. Ako? Bukas? Pupunta para sa birthday ng impakta niyang nanay? Naku wag na baka sumuka ako ng uod pagkatapos kong kumain.

"Sorry Tim, may gagawin kasi ako bukas. Salamat nalang sa pag-imbita sakin." Ngumiti ako ng matamis kay Tim. Tumingin ako sa harap. "Ayan na ang bahay niyo. Salamat ulit."

"Sayang naman. Sige, ingat." Ngumit siya sakin naglakad na ako pauwi.

Sa totoo lang sabado bukas kaya wala akong gagawin. Pero mas gusto ko pang tumunganga kesa makipag-plastikan. Miss ko na talaga si Zec.

Haaaaay.

"Sinabi ko naman sayong bata ka tumigil ka sa kakabuntog hininga at baka malasin tayo." Nagulat pa ako sa nagsalita. Nasa labas kasi ako ng bahay nakaupo. Madilim na rin.

"La naman eh."

"Wag ka ngang mag-inarte diyan. Babalik yun." Sabi ni lola. "Tara na at maghapunan."

Tumingin na ulit ako sa harap bago tumayo at naglakad papasok.

"Sana nga, bumalik siya."

Nakita ko si lola na nakayuko. Nakahawak ang isa niyang kamay sa lamesa habang ang isa naman ay sa ulo niya.

"Lola okay lang po kayo?" Tanong ko.

"Ah oo apo okay lang. Tara na." Tumalikod na siya sakin at naglakad palayo. Napakunot noo ako, pero sumunod nalang ako sa kanya.

I Found a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon