Kabanata 24

20.5K 791 8
                                    

"Sigurado ka bang babalik ka na dito?" I'm talking to Kaleb on the phone. Kahit na nandito na ako sa UK, hindi parin nawala ang closeness namin. In fact we are closer than ever. Dinadalaw niya kami dito once a month.

"For the hundredth time Kaleb. Yes, sigurado ako." I heard him sigh.

"And your going to work for the Wrights?"

"Yes Kal. I'm going to work for the Wrights." I heard him sigh. Again.

"Are you ready to face them? Him?"

"Yes. Wala naman akong nakikitang mali para hindi kami magkita di ba? Everything that happened back then, hanggang doon nalang yun. They belong to the past and I intend to leave it there."

"If you say so.. Uhm Gail? Saan ka titira habang nandito ka sa Manila?"

"I'm gonna stay at a hotel. I'll bo--"

"Why don't you stay here at my condo?" Napakunot noo ako.

"Nakakahiya naman. Magho-hotel nalang ako."

"I insist Dawson. At isa pa, hindi libre ang pagtira mo dito. Ikaw ang magluluto ng breakfast, lunch, at dinner ko." I chuckled.

"Gagawin mo lang pala akong katulong kaya mo ko gustong patirahin diyan eh!"

"So what do you think?" Hindi naman bago ang pagtira namin ni Kaleb sa iisang bahay. Kapag nandito siya sa UK, sa amin siya nakikituloy kaya kilala na din siya ni Dad. Masiyado kasing malaki ang bahay namin, hindi ko nga alam kung bakit ang dami ng kwarto samantalang mag isa lang naman siya noon.

"Okay. I'll cook, kapalit ng pagtira ko sa condo mo. Dalawa ang kwarto mo diyan di ba?"

"Nope. Isa lang. Tabi tayo." We both laughed. Having Kal in my life is one of my perks.He never fails to make me smile.

"Sira ulo ka talaga kahit kailan Leavitt." Ilang segundo siyang hindi nagsalita.

"You know that I'm always here for you right Gail?" I smiled.

"I know Kal. At nagpapasalamat ako dahil hindi mo ako iniwan... So I'll see you there?"

"I can't wait to see you. And Gail?"

"Hmm?"

"I miss you." I grinned.

"I miss you too Kal."

"And that I'm willing to wait for you." Hindi ako nagsalita. "Take care." We both hang up.

Three years ago, sinabi sa akin ni Kal na gusto niya daw ako but I told him that I'm not yet ready to start a relationship. And he respected it, and he's fine with being friends. Pero hihintayin niya daw ako hanggang sa maging handa ako. Nakakatuwa kasi kahit pa sabihin na na 'friendzone' ko siya, wala pa ring nagbago. Having him beside me and just being there, who knows right? Malay niya balang araw matutunan ko siyang mahalin. He was always so supportive of me, at is pa hindi naman siya mahirap mahalin.

If I've only met him earlier, hindi sana ako nasaktan ng sobra.

Hindi sana ako natakot ng sobra.


Truth is, I like Kaleb. Mabait siya, gentleman, thoughtful and caring. Walang babae ang hindi magkakagusto sa kanya. Pero natatakot ako. Natatakot akong masaktan kagaya noon.

Tinatapos ko na ang pag-empake ko nang bigla kong nakita ang box. Tumayo ako at binuksan yon. Kinuha ko ang heart pendant bracelet at ang flower necklace na binigay sa akin ni Zec. I suddenly remembered that night, I remembered how he had hurt me. Bigla ko itong binitawan.

Nandito pa rin pala ito hanggang ngayon dahil wala akong lakas ng loob para itapon ito noon. Dahil minahal ko siya ng sobra. I was waiting for him, I even went to his house before I took my flight to Europe pero ang sabi ng katulong nila ayaw niya daw akong makita. I was so miserable that time.

I want to make his life miserable. I want to have my revenge and make him feel what I've felt.

Then I saw the picture. Ang picture namin kasama si Kiko at si Lola. Lahat kami nakangiti. Nakaakbay ako kay lola pero nakatingin kami sa isa't-isa. Naka-peace sign naman si Kiko habang nakayakap sa kanya si Lola. Kahit na gusto kong maghiganti, alam kong hindi yon magugustuhan ni lola. Kaya wala akong lakas ng loob para gawin yon.

Besides, if it wasn't for him I wouldn't be where I am right now.

I looked at the picture again. He gave me so many happy memories to remember, but at the same time sinaktan niya ako. Sobrang sakit na halos hindi ko na alam kung anong pwede kong gawin para makalimot.

But I'm over it.

Time heals all wounds and I already got there.

"Krisandra?" Lumingon ako kay Dad na nakatayo sa may pinto. "Gusto mo bang ihatid kita sa airport bukas?"

Ngumiti ako sa kanya. "Sure dad."

"Magtatagal ka ba? I miss you already."


"Si daddy oh ang clingy." Nakita ko naman si Kiko na nakatayo sa likod niya.


"Ate Kriseng hindi ba talaga ako pwedeng sumama? I want to go back. I want to see lola Puring's grave." I hugged him.

Simula nang mawala si lola hindi na siya yung masayahin at madaldal na bata. He became an introvert. Hindi ko na din siya nakikitang nagbabasa ng libro. Palagi lang siyang nakakulong sa kwarto niya. He never smiled a genuine one. Malaki ang epekto ng pagkawala ni Lola. Sometimes, I still wonder kung sinisisi pa rin niya ang sarili niya. I hope not. It was not his fault. Walang may kasalanan sa nangyari... lalong lalo na ang kapatid ko.

"How about this, kapag nag honor ka sa class mo isasama kita sa Pilipinas at magbabakasyon tayo doon." Ngumiti siya ng malapad.


"Yun lang ba?" Ginulo ko ang buhok niya.

"Ayusin mo." Tumango siya sa akin. Alam ko namang kaya niya yun eh. Matalino naman talaga si Kiko. Bata pa lang kami alam ko na na magaling siya. Sa ngayon nawawala lang siya at naghahanap ng sarili kaya nangyayari sa kanya to. There are battles that he has to face alone, but even then, I want him to know that he's not alone. That we are always here for him.

Someday, I know he'll find his way back.

I rolled my eyes when I heard a sniff. "Dad wag kang magdrama at umiyak diyan. Tara, hug mo kami."

I Found a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon