Kabanata 13

19.7K 836 13
                                    

Excited na ako! Ngayong araw ko makukuha ang diploma ko. At ngayon nga ay katabi ko si Lola Puring at hinihintay nalang namin na tawagin ang pangalan ko bago kami umakyat ng stage.

"Krisandra Gail Florese." Magkahawak kamay kaming dalawa ni Lola na pumunta sa stage. Naagaw ang attention ko ng dalawang taong pumalakpak. Si Zec at Kiko, na nakatayo sa gilid at nag thumbs up pa sa akin.

"Suma Cum laude and the Outstanding student of the year." Pag announce ng taong may microphone. Inabot ng teacher kay lola ang mga medal at isinuot iyon sa akin. Pagkatapos ay yinakap ako. Halos ma-iyak na si lola sa tuwa.

"Congratulations Kriseng, lalo na ho sayo Lola Purisima. Pinalaki niyo ng maayos si Krisandra." Napangiti naman ako.

"Thank you po ma'am." Sabay naming sabi ni Lola at bumaba na kami ng stage. Sinalubong naman ako ng yakap ng dalawang lalaki sa buhay ko, si Kiko at Zec.

"Sandali.. Hindi ako makahinga."Bigla naman silang napabitaw at natawa.

"Congrats babe." Inilayo ko gamit ang palad ko ang mukha ni Zec na palapit sa akin para halikan ako.

"Hep hep hep. Kailangan pa namin ni lolang bumalik sa upuan. Hindi pa tapos ang graduation." Mataray kunwari na sabi ko.

"Pero naibigay naman na sayo ang diploma at medal mo. And you told me you'll give me an answer today." Pinilit kong hindi mapangiti sa itsura ni Zec, parang bata. Nangako kasi ako sa kanya na pagkatapos ng graduation saka ko ibibigay sa kanya ang sagot ko kung girlfriend na niya ako.

"Obviously hindi pa tapos ang graduation. F po ang apelyido ko. kaya marami pang tatawagin. Wag kang atat." Tinawanan lang siya ni Lola at ni Kiko.

"Congrats ate. Manang mana ka talaga sakin." Ginulo ko lang ang buhok ni Kiko.

"Baka ikaw ang mana sakin. Bulilit ka." Diniwalan niya lang ako. Sana hindi magbago ang pagiging masayahin at makulit ng kapatid kong to.

"Kriseng tayo na." Yaya sakin ni Lola pabalik ng upuan na naka assign sa amin.

"Sige po." Tinignan ko si Zec at nakita kong naka-pout ang loko. Syet ang cute niya tignan ng naka ganyan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya bigla ko siyang hinalikan sa pisnge at hinila palayo si lola. Narinig ko pa ang kantiyaw ni Kiko kay Zec.

"Uuuuy kinikilig. Ang obvious mo kuya!" Narinig ko ang sunud-sunod na pagtawa ng malakas ni Kiko. "HAHAHA Kuya Zec namumula ka. Para kang kamatis."

Nang lumingon ako nakita kong namumula ang tenga at nakatulala si Zec na nakahawak pa sa pisnge kung saan ko siya hinalikan.

"Yan ang sinasabi ko apo. Sunggaban mo agad." Natatawang biro sa akin ni Lola.

"La namaaan." Nahihiyang sabi ko bago kami umupo. Si lola talaga konsintidora masiyado sa kalandian. Sa kanya talaga ako nag mana.

"La, Kiko. Kidnappin ko po muna si Kriseng." Pagpapaalam ni Zec, pero wala pa ni isa sa amin ang sumasagot bigla na niya akong hinila. Hindi naman nagreklamo sila lola at tumawa lang.

"Ingat kayo pauwi mga apo!" Narinig ko pang sigaw nila lola.

"Teka Zec saan tayo pupunta? Mag gagabi na." Hindi niya ako sinagot at nginitian lang ako. "Pag hindi ka sumagot hindi ako sasama."

Hindi parin siya sumagot.

"Isa." Nagsimula akong magbilang. "Dalawa...Tat-"

"Fine. Sa forest." Napanganga naman ako. Ano daw? Sa forest? Ng ganito ang itsura ko? Naka-dress, hills, at naka-make up pa ko. Uh-uh. Hindi ako papayag.

I Found a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon