Kabanata 27

23K 871 61
                                    

"I still hate it that I can't come with you." Kanina pa nagmamaktol si Kaleb dahil hindi siya makakasama sa amin papunta sa San Andres. Alam ko naman na gusto niya akong samahan at miss na rin niya ang lugar kagaya ko. Hinatid niya ako ngayon sa bus station.

"Wag ka ngang OA. Pwede ka naman sumunod doon." Lalong sumimangot ang mukha niya.


"Gusto ko kasama mo akong pupunta. I want to see your surprised face when you saw San Andres. Ang cute kasi ng mukha mo kapag nagugulat ka." Inirapan ko siya.


"Ivi-video ko nalang. Gagawa ako ng vlog kung gusto mo."  Hindi siya natuwa sa joke ko. Napailing nalang ako. Wala talaga siya sa mood.


"Are you really sure that you'll be taking the bus? Baka kung mapano ka." Sabi niya habang tinitignan ang mga tao sa paligid. I rolled my eyes. "Why did they scheduled it the same day I'm going to Japan for a Buisness meeting? Ni hindi manlang tuloy kita maihatid."


Ako kasi sumusunod lang sa schedule na ibinigay nila pero mauuna na akong pupunta doon. Dadalawain ko din kasi si Lola Puring. Miss na miss ko na si lola. Pati yung bahay namin na iniwan namin. Naghanap kami ng katiwala na pwedeng mag alaga nung bahay. It's not a mansion to have a caretaker, but that house holds thousands of memories. Memories with lola and Kiko that I want to treasure forever.

Miss ko na din si Kiko, kumusta na kaya yung bata na yun?

"Hey, why did your face suddenly became sad? Kanina excited ka." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisnge ko. "Don't be too sad, alright?"


Muntik pang mawala sa balanse at matumba si Kaleb nang biglang may bumunggo sa kanya. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili niya. Bakas din sa mukha ni Kaleb ang inis dahil obvious naman na sinadya nung bumunggo. His brows furrowed and was about to say something to the guy behind us but he stopped upon seeing who it was.

"Sorry." Zec said sorry pero wala sa tono ng boses niya na humihingi siya ng tawad. I know that voice so well. I hate to admit it but I think I would still know that voice even in a hundred years.


"The fuck are you doing here?" Tanong ni Kaleb. Zec just shrugged and kept his bored look.


"Pupunta ako ng San Andres?" Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi pa naman ngayon ang schedule ng pag punta niya doon. "I need to visit the site. Baka nakakalimutan niyo na may building akong pinapatayo doon."


"Where's your car?" Tanong ni Kaleb.


"Didn't bring one." Nagkatinginan kami ni Kal.

"So you're riding the bus?" Tanong ko sa kanya pero tinignan niya lang ako. "Marunong ka bang sumakay ng bus?"


"Of course. I've done this before." Napataas ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Palagi ba siyang sumasakay ng bus?


"Really." Hindi naniniwalang sabi ni Kaleb pero kagaya kanina, nag kibit balikat lang si Zec. Naglakad na siya paalis, hindi naman namin mapigilan ni Kaleb na sundan siya ng tingin.


Nakatingin lang siya sa bus ticket na hawak niya habang hinahanap siguro ang bus na sasakyan niya. Sabay pa kaming napa buntong hininga ni Kaleb nang pumasok siya sa maling bus.

"Mukhang may aalagaan ka." Bulong ni Kaleb habang nakatingin pa rin kami sa sasakyan na pinasukan ni Zec. Ilang segundo pa, lumabas na si Zec sa bus at nagkamot ng ulo bago pumasok sa kabilang bus na mali pa rin.

I Found a ManWhere stories live. Discover now