Kabanata 21

19.9K 793 43
                                    

Lumapit kay Zec ang mga lalaki at isa isang nakipag-kamay. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Parang nagsitindigan ang mga malahibo sa katawan ko.

"Markus bro! Mabuti at buhay ka pa." Sabi ng isang lalaki.

"Yes. I'm still alive and kicking." Nagtawanan nanaman sila. Mukha namang masasaya silang magkaka-usap pero ako nandito sa gilid nila at kinakabahan.

"So what happened? Alam mo na ba kung sino ang nagtangka sayo?" Seryosong tanong nung tinawag ni Zec na Bruce. Umiling si Zec.

"That's the problem bro, wala akong maalala sa nangyari nung gabing yun." Ako lang ba o nakita ko si Bruce na parang nakahinga ng maluwag. Ngumiti siya, hindi na kagaya kanina na parang pilit at kinakabahan, pagkatapos ay hinawakan sa balikat si Zec.

"At least you're alive man." Nakangiting sabi nito.

"Yeah, thank God I'm alive!" Pagbibiro ni Zec. Nadako ang tingin sa akin ni Bruce at bigla ay para akong pinag pawisan ng malamig dahil sa titig niya. Napatingin din sakin si Zec at hinawakan ako sa bewang. "Guys this is my girlfriend, Krisandra. Siya ang nagligtas sa akin."

Nagpakilala silang lahat, pero wala akong natandaan dahil sa nerbyos na nararamdaman ko. Nang si Bruce na ang nakipagkamay sa akin, parang nanlamig ang katawan ko sa sinabi niya.

"Glad to meet Second's angel." Ngumiti ako ng pilit habang hinahalikan niya ang kamay ko. Gusto ko iyong alisin dahil parang napapaso ako, pero kailangan kong pigilan dahil baka makahalata siya.

Buong gabi akong humahanap ng tiyempo para maka-usap si Zec ng mag-isa pero simula nang dumating ang grupo ni Bruce ay hindi na ito humiwalay sa kanya. Kaya naman laking tuwa ko ng matapos ang party dahil ngayon nga ay paalis na sila.

"Zec" Tawag ko nang mag-isa nalang kami. Nandito kami sa isang kwarto ng hotel na ginanapan ng party.

"What's wrong babe? Masama ba ang pakiramdam mo? Namumutla ka." Nag-aalalang sabi niya. Hinawakan pa niya ang noo ko para tignan ang temperature ko pero inalis ko ang kamay niya.

"Si Bruce." Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Siya yung bumaril sayo."

"A-are you sure?"

"Oo. Siguradong sigurado ako. Kaboses niya yung narinig ko nung gabing yun. At tinawag ka din niyang Second kanina." Tumango siya ng isang beses pagkatapos ay kinuha ang cellphone niya sa bulsa.

"I have to tell my mom about this."

Pagkatapos kausapin ni Zec ang nanay niya ay agad-agad kamin pumunta sa bahay nila. Ngayon nga ay nasa sala nila kami kasama ang buong pamilya niya. Si Mr. at Mrs. Wright pati si Sir Matthew.

"Sigurado ka ba Krisandra na si Bruce ang bumaril kay Markus?" Malamig na sabi ni Mrs. Wright. Hindi ko na tuloy alam kun kanino ako takot, kay Bruce o sa nanay ni Zec.

"O-opo Mrs. Wright."

Hindi ko na alam ang nangyayari, ang nakikita ko lang maraming pulis ang nandito ngayon at tinatanong ako ng kung anu-ano. Higit sampung beses na nga yata ako tinanong kung sigurado ako. Pero alam kong sigurado ako. Alam kong si Bruce ang isa sa lalaking nung gabing yun.

"Hey, it's okay." Niyakap ako ni Zec. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Kung bakit sobrang kaba ang nararamdaman ko at kung bakit pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari.

Napatingin ako sa direction ni Mrs. Wright at nakita kong ang sama ng tingin niya sa akin kaya naman bumitaw ako sa pagkakayakap kay Zec. Hindi naman niya napansin yun dahil inabutan lang niya ako ng tubig.

"I think you should sleep. You're work is done. Okay na daw yung statement na binigay mo sa police, I'll let you stay in one of the guest rooms here." Tumango nalang ako pagkatapos ay inalalayan ako ni Zec paakyat sa hagdan ng malaking bahay.

"Mamaya ka na umalis please." Pagpigil ko kay Zec ng nagsimula siyang tumalikod palabas ng kwarto. Ngumiti lang siya sakin at tumango. Umusog ako para makatabi siya sakin kaya ngayon nakaunan ako sa braso niya at nararamdaman kong maya-maya ay hinahalikan niya ang ulo ko.

"Thank you." Narinig kong bulong niya.

"Para saan?" Tanong ko. Humikab ako. Grabe, pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit na ang ginawa ko lang naman ay ang kausapin ng mga police.

"I know that you were scared. It's evident on your face. At hindi ka parin nagdalawang isip na tulungan ako."

"Gagawin ko ang lahat para sa'yo. Mahal kita." Inaantok na sagot ko.

"I know. Now, sleep." Natatawang sabi niya. Bakit hindi siya nagsabing mahal niya din ako? Hindi ko nalang pinansin dahil hinila agad ako ng antok at palagi naman niya yun sinasabi.

Hindi ko rin alam kung panaginip lang ba na naririnig ko siyang paulit-ulit na nagsasabi ng I'm sorry. Bakit naman siya hihinga ng tawad?

Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa labas. Tinignan ko ang orasan, two a.m. na pero nagkakagulo parin sa labas. Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto. Pababa ako ng hagdan nang may marinig akong nag-uusap sa isang kwarto na bukas ng konti ang pinto. Lalampas na sana ako kaso narinig ko ang pangalan ko.

"You don't need Krisandra anymore. Nahuli na ang bumaril sayo." Sumilip ako at nakita ko si Mrs. Wright na kausap si Markus.

"Calm down Marga." Narinig kong sabi ni Mr. Wright. Nakaharap silang dalawa sa akin at nakatalikod naman si Zec kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Utang ko sa kanya ang buhay ko. I can't just hurt her." Si Zec, anong ibig niyang sabihin?

"But son. Hindi mo kailangang itali ang sarili mo sa kanya. Just tell her na bumabalik na ang nakaraan mo, and that you love Trina." Natameme ako sa narinig ko. Mahal ni Zec si Trina? Paano ako?

"I know mom, but please, not now."

"You don't need to pretend that you love her. Go and break up with her." Napahawak ako sa bibig ko upang pigilan ang nagbabadyang luha.

"I-I can't. She's a good person." Nahihirapang sabi ni Zec.

"Son, you can't force yourself to love someone, especially when you are in love with someone else." Sabi ni Mr. Fidel.

Bakit nila sinasabi yun? Mahal niya din ako. Sabi niya mahal niya ko. Hindi nagsalita si Zec, hanggang sa magtanong si Mr. Fidel.

"Son, I'll ask you. Do you love Krisandra?" Nakita ko pang sumulyap sa akin si Dr. Fidel, ibig sabihin ay alam niyang nandito ako. Parang nagunaw ang mundo ko ng marinig ang sagot ni Zec.

"I do, but I think I love Trina more."

Hindi ko na nakayanan tumakbo na ako pabalik sa kwartong pinanggalingan ko kanina. Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Hindi ako tumigil. Hindi ako lumingon. Nang makarating sa kwarto hindi ko na napigilan ang mga luha sa mata ko. Bakit ganon? Ginamit niya lang ako.

Sabi niya mahal niya ko.

Mahal niya ko di ba? Mahal niya ako.

Alam kong mahal niya ko.

Natawa ako ng mapakla, ang hirap paniwalain ang sarili mo lalo na kung alam mong hindi totoo.

I Found a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon