Kabanata 14

19.5K 810 10
                                    

"Happy birthday Lola!" Bati namin kay Lola Puring pagka-ihip niya ng kandila sa cake. Naghanda kami ng konti para ngayong araw. Isang maliit na cake at pansit para sa aming apat. Halos ma-iyak naman si lola sa tuwa, ginawa kasi naming surprise ang handa para sa kanya.

"Salamat mga apo." Isa-isa niya kaming niyakap. Ganyan si Lola kapag natutuwa malambing, pero kapag nangse-sermon parang armalite.

"Lola ito na po yung regalo ko." Sinimangutan ko si Zec. Ako dapat na una magbigay ng regalo eh.

"Ako muna magbibigay!" Singit ko.

"No Babe, I said it first." Tinaasan ko siya ng kilay. Gustong gusto ko talaga kapag tinatawag niya akong Babe, ang sweet pakinggan. Inirapan niya lang ako. "Fine. You first. Takot ko lang ma-break-an."

Ngumisi ako. Kahapon ko lang sinagot si Zec at simula kanina sunud siya ng sunod sa lahat ng iutos ko dahil kapag ayaw niya, tinatakot ko na break na kami. As if naman kaya ko. Ang ganda ko noh?

"Ah Lola-" Pero natigil ako sa pagsasalita ng makita si Lola na nagbubukas ng regalo. Nginitian lang ako ni Kiko, yung mayabang na ngiti na ang sarap ibaon sa lupa. Tinaas ni lola ang regalo. Isang panyong puti na may nakatahing PKKZ.

"Lola Puring, Kiko, Ate Kriseng, Kuya Zec." Sabi ni Kiko habang tinuturo isa-isa ang nakatahi sa panyo. "Ako po ang nagtahi ng mga yan."

Ngumiti si lola kay kiko. Parang may binibilin siya habang tango lang ng tango ang kapatid ko. Pagkatapos ay niyakap na siya ni lola. Nakangiti nalang ako habang nakatingin sa kanila. Biglang lumapit sa akin si Zec at hinawakan ang kamay ko tinignan ko siya at nakita ko parehas kami nakangiti.

Hinding hindi ko ipagpapalit ang mga taong to sa kahit ano.

"I wouldn't trade any of you for the world. You're all irreplaceable." Nagulat ako sa sinabi ni Zec. Parehas kami ng iniisip. Hinalikan niya lang ako sa pisnge. "Go on. Ikaw naman magbigay ng regalo."

Lumakad na ako papunta kay Lola. Nagtrabaho ako ng isang araw kay Aling Bebang habang nagsasaka si Zec para may pambili ako ng regalo.

"Lola ito po." Binigay ko kay lola ang sobrang liit na kahon. Binuksan niya yun at napangiti. Itinaas niya ang rosary na regalo ko.

"Kriseng kahit anong mangyari wag mong pababayaan ang kapatid mo. Kung may hindi kayo pagkakaintindihan ni Zec pag-usapan niyo ng mabuti. Kapag may problema panghawakan niyo ang isa't-isa. Lahat ng bagay may dahilan, matutong magpatawad. Manalig sa diyos. At palagi niyong tatandaan na mahal na mahal ko kayo."

Habang sinasabi iyon ni lola nakakunot ang noo ko pero tango ako ng tango. Bakit parang naghuhuling habilin na si lola?

"Lola bakit po parang namamaalam na kayo? Birthday niyo po eh." Tinawanan niya lang ako at umiling pero hindi siya sumagot.

"My turn." Napalingon ako kay Zec na nakangiti sa amin. Tinignan ko ang kamay niya, wala naman siyang ibang hawak kundi yung camera na kanina pa niya pinipindot.

"La ito na po yung request niyo." Inabot niya kay lola ang camera. "Second hand lang po yan at lumang model, but it still works."

Parang kuminang naman ang mata ni Lola pagkakita sa camera. Mabilis na kinuha niya ito at binuksan. Tinignan ko ng masama si Zec pagtingin ko kay kiko ganun din ang reaction niya.

"Teka ang daya naman! Bakit kay Zec lola nag-request ka? Kami ang tunay mong apo!" Binatukan naman niya ako. Napahawak nalang ako sa batok ko.

"Ikaw Kriseng magtanda ka na! Masiyado ka paring bata mag-isip." Napasimangot nalang ako.

I Found a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon