Kabanata 19

19.9K 742 8
                                    

Naramdaman kong may dumadapo sa pisnge ko, tapos sa leeg ko, ngayon naman sa noo ko. Lahat ng madapuan ng insektong yun pinapalo ko. Hanggang sa dumapo ang insekto sa labi ko. Mabilis kong hinampas ang labi ko at pinunasan yun. Grabe, iba na talaga ang maganda. Pati langaw na-iinlove na sakin.


Bigla akong nakarinig ng tawa. Dahan-dahan kong binuklat ang mga mata ko at nakita ko si Zec na tumatawa. My goodness, ang ganda ng view. Nakabukas ang pinto sa gilid ko, nasa labas siya, nakatayo at nakaharap sa akin.

"Aah there, the beautiful princess has finally woke!" Sabi niya habang tumatawa. Napakurap naman ako dahil sa sinabi niya. Beautiful princess? Ako ba yun? Bumangon ako at tumigin sa paligid. Wala namang ibang babae dito. "I'm talking to you babe."

Kinusot ko ang mata ko. "Nandito na tayo?" Umiling naman si Zec na todo ang ngiti.

"No. Let's buy you clothes for tonight first." Napatingin ako sa paligid. Maraming tao na naglalakad sa paligid, halata mo sa damit nila na mayayaman sila base sa matataas na takong ng sapatos at magagarang damit.

Napatingin ako sa damit ko. Nakasuot ako ng maong na short na abot sa itaas ng tuhod, at puting fit na t-shirt. Nakaramdam ako bigla ng hiya.

"A-ano Zec sige ibili mo nalang ako. Hihintayin nalang kita dito." Inirapan lang niya ako at sinubukang hilahin palabas ng kotse pero humawak ako ng mahigpit sa upuan ko para hindi ako makalabas. Napansin ko ding nakatingin na sa amin ang mga taong dumadaan.

"Jesus, Krisandra. Kailan ka pa nahiya sa mga tao? Isa, kapag hindi ka bumaba diyan.." Pagtatakot ni Zec. Pero hindi ko parin sinunod. Bigla akong napatingin sa isang babaeng may hawak na aso mabalbon at nakasuot ng superman. Ang cute naman ng asong yu—

"Zec ibaba mo ko! Ibaba mo ko sisipain ko yang ano mo!" Nagulat ako ng bigla niya akong buhatin sa balikat niya na parang sako ng bigas.

"Go on. Try it Krisandra at nang hindi na tayo magkaanak. You want that?" Bigla akong natigil sa sinabi niya. Pamilya? Anak? "I can sense that you're blushing."

Binaba niya ako sa harap niya at hinawakan sa balikat. "I want to see you blush."

"Naman eeeeh!" Tinakpan ko ng dalawang kamay ang mukha ko.

"Damn, I love you. Tara na nga." Nasabi nalang niya habang tumatawa pagkatapos ay kinaladkad na ako papunta sa isang tindahan ng mga damit. Pagpasok na pagpasok palang lahat ng tao sa loob ay napatingin sa direction namin. Nagtago ako sa likod ni Zec.

"Good afternoon Sir Mark!" Lumapit sa amin ang isang babaeng mukhang espasol. Ang lapad ng ngiti niya kay Zec. "Long time no see sir."

"Uhm yes. Good afternoon." Bati din ni Zec na parang hindi alam ang sasabihin. Problema nito? "Please assist her."

Tumingin sakin ang babae ng taas-baba. Napataas ang isang kilay ko dahil sa ginawa niya.

"Maid niyo sir? Kawang gawa po ba ito?" Malambing na sabi ng babae. Lalong napataas ang kilay ko. Wow lang ha? Kung maka maid siya, nahiya naman ako sa itsura niyang mukhang tutong na espasol. Magsasalita palang sana ako pero naunahan ako ni Zec.

"She's my girlfriend." Seryosong sabi niya sa babae tapos tumingin siya sakin. "Let's go to other boutique."

"S-sir t-teka po." Natigil kami parehas sa paglabas ng boutique at tinignan ang babae. "Sorry po Sir. Hindi na po mauulit."

"I'm not the one you insulted." Tumingin sakin si ateng espasol.

"I-m sorry ma'am. Please wag po kayong umalis. Pagagalitan po ako ng manager namin." Nakayukong sabi niya. Tumingin ako sa likod niya at nakita kong nakatingin sa amin ang isang babaeng mukhang principal dahil sa sobrang seryoso ng itsura. Naku, nakakatakot nga.

I Found a ManWhere stories live. Discover now