Kabanata 10

22.3K 858 31
                                    

Patalon-talon pa ako habang naglalakad papunta sa sakahan ni Mang Berting. May dala akong basket ng pagkain, feeling ko nga ako si little red ridinghood dahil may dala pa akong blanket na pula.

Inubos nanamang bilhin ni Aling Bebang ang mga gulay ko kaya maaga akong nakauwi at nag volunteer narin akong magluto. Nagulat pa nga si Lola at balak akong dalhin sa albularyo, baka daw sinaniban ako ng mabuting espirito. Gusto na daw niya gawing permanent para palagi akong masipag sa bahay. Wala eh, good mood ako dahil sa makukuha kong pera ngayong araw mula kay Zec.

Nang makarating ako, hinanap agad ng mata ko si Ze—oh my gulay! Anong nangyari kay Zec? Ganyan pala siya ka... ka... macho gwapito? Bigla siyang napatingin sa direksyon ko. Ngumiti siya ng malapad at kumaway sa akin. Napalunok ako at kumaway din sa kanya, kahit na feeling ko para akong yung display ng mga intsik na pusang kumakaway. Sumenyas siya ng sandali at bumalik sa ginagawa nila.

Habang hinihintay ko na matapos sila inaayos ko na ang mga pagkain sa ilalim ng puno. Pansin ko din sa sarili ko na hindi maalis ang tingin ko kay Zec dahil kanina pa ako pasulyap-sulyap. Ang t-shirt na kanina ay suot niya, ngayon nasa balikat na niya at ginagawang pamunas. Hanep, ang hot niya magpunas ng pawis. Medyo namumula narin ang balat niya dahil mestizo talaga siya.

Tinawag silang lahat ni Mang Berting, may sinabi ito sa kanila pagkatapos ay nagsialisan na sila. Naglakad naman papunta sa akin si Zec. Napalunok ako at napapunas ng pawis sa noo ko. Bakit parang slow motion yung paglakad niya? Humawak pa siya sa buhok niya at tinawanan ang sinabi ng isa niyang kasama bago sila nag appear.

"Thanks Krisandra." Sabi ni Zec nang makalapit siya sa akin. Nakatingin lang ako sa katawan niya. "Hey." Winagayway niya sa harap ng mukha ko ang kutsarang hawak niya. "You okay?"

"H-ha? O-oo naman! Magbihis ka nga!" Sigaw ko at hinagis sa kanya ang isang tshirt na bitbit ko para sa kanya. Ugh. Krisandra umayos ka. Wag mong lalandiin yan. Baka kriminal yan bago mo pa siya nakilala.

"Oops, sorry. Ang init kasi." Pagkatapos ay sinuot niya ang damit.

"Wooh! Oo nga. Ang init talaga. Malapait na kasi mag summer." Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang pinggan na hawak ko. Magsusoot nalang ng damit ang sexy parin tignan.

"Anong niluto ni Lola Puring?" Tanog niya habang kinukuha ang lalagyan ng niluto ko.

"Ako nagluto niyan. Tignan mo nalang kung ano yan. Pagtiyagaan mo." Walang ganang sabi ko. Naiinis kasi ako sa sarili ko, hindi porque maganda ang katawan ni Zec ay magugustuhan ko na siya. Hindi kagaya niya ang gusto ko. Tandaan mo Krisandra mayaman na lalaki ang goal mo. Hindi pwede, pero kung katawan lang... pwede talaga.


"Really?" Parang gulat na sabi niya. Bigla namang parang kuminang ang mata niya nang tumango ako. Binuksan niya ang tupperware at ngumiti, "Wow sinigang na hipon! Favorite ko!"


Tumaas ang isang kilay ko.

"Pano mo naman nalaman na favorite mo yan eh may amnesia ka at first time yang lutuin sa bahay simula nung dumating ka?" Nakakunot noong sabi ko.

"Of course. You're the one who cooked this. Lahat ng lulutuin mo paborito ko na." Pagkatapos ay kumindat siya sa akin at sumubo ng pagkaing niluto ko. Shet na malagkit na buhay nga naman. Pinagmasdan ko si Zec. Medyo namumula na ang mukha niya dahil sa sinag ng araw na tumama sa balat niya kaninang nag-aani. Napansin ko ring kulay brown pala ang buhok niya.

Bigla kong nakita ang isang butil ng pawis na naglakabay mula sa noo niya pababa sa adams apple niya hanggang sa madikit ito sa kwelyuhan ng t-shit ni Zec. Napalunok ako. Kanina pa ako lunok ng lunok. Bakit ko nga ulit pinasoot ang t-shirt niya? Gusto ko tuloy kumanta ng.. Take your shirt off! Wo-ah-ah-ah-ah-ah. Take your shirt off!

"You're blushing." Halos mahulog pa ang plato ko ng magsalita si Zec. "Pinagnanasaan mo ba ko?"

Oh my kamatis! Pano niya nalaman yun?!

"H-hoy ah! Ang kapal mo ah! Tigilan mo ako diyan ah!" Lumalayo ako ng konti habang nakatutok sa kanya yung tinidor ko.

"Please stop saying 'ah'. Masiyadong malaswa pakinggan baka kung ano isipin nilang ginagawa natin sa tanghaling tapat." Feeling ko mas lalo akong namula sa sinabi niya.

"Kung ako na kaya ang tumuloy sa mga plano ng mga lalaking gustong pumatay sayo ano? Ang saya siguro." Sarkastikong sabi ko.

"Too defensive eh? Maybe you're really lusting on me." Pabirong sabi niya at halatang nagpipigil lang ng tawa.

"Wag makapal please." Natawa naman siya. Bigla akong may na-isip na itanong. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit ka gustong patayin ng mga lalaking yun nung makita kita?"

"Honestly, I am." Seryosong sabi niya. Pagkatapos ay tumingin siya sa kawalan. "I was thinking if I was a criminal... or something like that. Maybe a drug lord or a pusher. I don't know. But something inside me is telling me that I can't do something like that. I can't be like that. Alam mo yun? And I keep on thinking if I have a family. Kung napahamak ba sila dahil sa ginawa ko... o kung hinahanap ba nila ko. Ewan!"


Pagkatapos niyang magsalita humarap siya sakin at ngumiti. Nagpatuloy na kami sa pagkain. Natahimik kami pareho. Na iintindihan ko siya. Sino ba naman ang matutuwa na magigising ka nalang isang araw na wala kang maalala tungkol sa nakaraan mo? Kahit pangalan mo hindi mo alam. Bilib ako kay Zec, dahil kahit ganyan ang pinagdadaanan niya, nakukuha parin niyang ngumiti.

Na-isip ko tuloy, paano kung may naiwan siyan girlfriend? Ang mas malala pa, paano kung habang nandito siya ay may asawa at anak na umiiyak at umaasang makita pa siya? Parang may kumirot sa puso ko sa isipin na iyon. Binalewala ko nalang.

"Pero ayaw mo nun? Kung isa ka man sa mga nabanggit mo, may pagkakataon ka na para magbagong buhay." Sabi ko sa kanya.

Napa-isip naman siya sa sinabi ko.

"Maybe yes, maybe no. Siguro nga gusto niya akong bigyan ng chance, or another reason is, maybe God's punishing me. But whatever His reason is, I know it's for the best. Because if not, I wouldn't be found by the best person." Tumingin siya sa mga mata ko bago nagpatuloy. "I wouldn't be found by you."

Hindi ko alam kung bakit, pero naramdaman ko nalang ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa magaganda niyang mga mata.

I Found a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon