Kabanata 4

25.6K 1K 51
                                    

Simula nung araw na yun hindi na ako pumapasok sa kwarto ng antipatikong lalaking yun. 1 week na ang nakakalipas at si lola na lang ang nagche-check sa kanya. Dati ding nurse si lola kaya marunong siya mag-alaga ng may sakit lalo na kapag pogi... daw.

Di na siya pogi sa paningin ko.

"Hoy Kriseng hanggang kailan ka ba mag e-emote diyan ha? Tinatanong ka sa akin ni gwaping." Narinig kong sabi ni lola habang inaayos yung mga ginamit pangluto. Nasa dining table kasi ako nag-aaral. Mas maliwanag kasi dito kesa sa kwarto ko dahil ang mga ilaw sa kusina ang may pinakamalakas na liwanag sa amin.

"Hindi na ho lola. Hayaan niyo siya. Busy ako para sa finals ko mamaya, wala akong panahong makipag lokohan sa pasyente niyo. At saka Zec ho ang pangalan niya, hindi gwaping." Friday ngayon kaya last day na ng exam. Sa wakas ga-graduate na ko!

Ang sabi ni lola medyo okay na si Zec nakaka-upo na. Pero nahihilo parin dahil sa pagkakabagok niya sa ulo kaya hindi pa siya pinapayagang lumabas ng kwarto. Mas mabuti na rin yun na nasa kwarto lang siya dahil kung hindi baka madagdagan lang ang injuries niya kapag nagbanggan nanaman kami.

"Mga bata nga naman. Kapag type nila ang isa't isa nag-aaway." Nanlaki ang mga mata na tumingin ako kay lola. Type? Over my dead sexy body!

Sigurado akong kriminal yun kaya hinahabol nung mga lalaki. Taga benta ng drugs, magnanakaw, budol-budol or whatsoever. Hindi ko type ang ganun. Ang mga type ko ay yung mga lalaking may magagandang kotse at bahay. Yung maraming salapi. Yung aahon sa amin nila lola at Kiko sa hirap.


"Lola hindi ko type ang mga kriminal." Inayos ko ang salamin ko at nagpatuloy sa pagbasa ng libro ko.

"Tulakngbibigkabigngdibdib." Hindi ko masiyadong narinig ang binulong ni lola dahil nagco-concentrate ako sa binabasa ko.

"Ano po yun lola?" Tumingin ako kay lola at saka ko lang napansin na naka suot siya ng panglakad. magtatanong na sana ako kung saan siya pupunta kaso naunahan niya kong magsalita.

"Wala. Ang sabi ko ikaw na muna ang magpakain kay gwaping at may lakad kami ng mga amiga ko." Sabi ni lola habang inaayos ang mga kakainin ni Zec. Hindi pa naman kasi ganun katanda tignan ang lola ko. Sixty two years old na siya at may senior citizen's booklet pero mahilig parin siyang gumala.

"Pero lola! Hindi po ba pwedeng pakainin niyo na muna siya, pagkatapos saka kayo umalis? Mag aaral pa ko oh." Napasimangot ako. Ayokong makita ang antipatiko na yun. Feelingero.

Pero balita ko—sabi ni Kiko—nagtatagalog na daw.

"Hindi kita pinalaking suwail. Pakainin mo na si gwaping. Tanghali na, siguradong gutom na yun." Kapag ganyan na ang tono ni lola, wala na akong magagawa kundi sundin siya.

Tumayo na ako at padabog na kinuha ang pagkain na inihain ni lola. Huminga muna ako ng malalim ng ilang beses bago kumatok sa pinto ni Zec at pumasok.

"Oh pagkain mo. Kumain ka na." Inaabot ko sa kanya yung pagkain pero hindi niya kinuha. Tiningnan niya lang pagkatapos ay tumingin sa akin.

"Hindi ko pa kayang kumain mag-isa. I'm still injured. Subuan mo ko." Demanding ang lolo mo! Tiningnan ko lang siya ng parang nababaliw na siya pero nakatingin lang talaga siya sa akin ng seryoso. Hindi naman kamay niya ang injured ah.

"Bahala ka edi wag kang kumain." Nilagay ko na ang pagkain sa kama at aalis na sana ako ng nagsalita siya ulit.

"Magsusumbong ako kay lola Puring kapag hindi mo ako sinubuan." Pananakot naman niya.

I Found a ManWhere stories live. Discover now