Kabanata 22

20.7K 916 23
                                    

Nasa sasakyan na ako pabalik sa amin. Ang hirap pala ng ganito. Bakit ba hindi ko na-isip na pwedeng ginagamit niya lang ako? Hindi naman niya kailangang magsinungaling, hindi niya ko kailangang paasahin. Tutulungan ko parin naman siya kahit si Trina ang pinili niya.

"Krisandra?" Narinig ko ang boses ni Zec. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. "What happened?"

Hundi ako umimik. Sasabihin ko ba na narinig ko ang usapan nila kanina? Tinitigan ko ang mga mata niya. Nakikita kong parang nahihirapan at nagui-guilty siya.

"Zec mahal mo ba ko?" Bigla siyang nag-iwas ng tingin.

"Matulog ka na." Yun lang ang sinabi niya. Kahit hindi niya sinagot ng deretso, yun nalang din ang hinihintay ko.

"Narinig ko kayong nag-uusap." Nanlaki ang mata niya sa gulat dahil sa sinabi ko. "Ano pa ang saysay ng relasyon natin kung isa lang ang nagmamahal? Hindi mo kailangang ikulong ang sarili mo sa akin, hindi ako kulungan Zec. Hindi kulungan ang pagmamahal ko sayo."

"I–I'm sorry." Hinawakan niya ang kamay ko. "I thought... I thought I'm sure. Akala ko..." He sighed. "I loved you, Krisandra. I'm sorry."

Pumikit ako ng mariin. Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang sipain, tadyakan, suntukin. Gusto kong iparamdam sa kanya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero hindi gumagalaw ang katawan ko. Namanhid na yata ako.

"Akala mo mahal mo ko? Paanong nangyaring akala mo mahal mo ko? Tanga ka ba?" Halata ang galit sa boses ko pero pinipilit ko talagang kumalma.

"This past few days I started having glimpses about my past. Naguluhan ako. Mahal kita... pero mahal ko din siya. My feelings... I'm just... I'm confused and when I saw her hurting a while ago—"

"At ako okay lang na masaktan ako ha, Zec? Ganon ba? Masaktan na ako wag lang si Trina? Ganon ba?!" Hindi ko na napigilan ang pag taas ng boses ko. He looks like he's in pain. Pero hindi ako naawa. Wala akong awa. Mas malala pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Lumayo ako sa kanya at pilit na pinakalma ang sarili ko. Nang medyo okay na ako ay hinarap ko ulit siya.

"Gusto ko nang umuwi samin." Malamig kong sabi.

"Magpahinga ka mu—"

"Alin sa gusto ko nang umuwi ang hindi mo maintindihan?!" Hindi ako makahinga. Ang hirap. Ang bigay. Napayuko naman siya.

"Ipapahanda ko na ang sasakyan na maghahatid sayo." Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto. Pagkalabas niya ay saka lang ulit bumagsak ang mga luha na hindi maubos-ubos. Mas dumoble ang sakit na naramdaman ko. Tanginang pagmamahal to.

Pasakay na sana ako nang may marinig akong tumawag sa akin. Lumingon ako kay Mrs. Wright.

"I hope everything is now clear to you. I'm glad my son didn't choose you. Don't worry, magpapadala kami ng pera sa inyo. Pagpapasalamat na din namin sa pagkupkop niyo sa anak ko." Pinantayan ko ang malamig ng nga titig niya.

"Wag na kayong mag-abala. Wala akong pakealam sa pera niyo. Salamat nalang." Tumalikod na ako at naglakad papunta sa sasakyan. Pero narinig ko pa siyang nagsalita.

"I hope this will be the last time that I'll see you." Hinarap ko siya bago ako pumasok at nginitian ng mapakla.

"Sana nga po."


Nagising ako ng may maramdaman akong pagtapik sa pisnge ko. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko si Kiko na nakangiti.

"Ate Kriseng." Napangiti ako at bigla kong nayakap ang kapatid ko. "Ate bakit ka po umiiyak?"

I Found a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon