Kabanata 5

23.2K 855 17
                                    

Muntik ko pang hindi masagutan ang mga tanong sa exam ko dahil sa halik ni Zec. Sa pisnge lang naman pero bwiset pa rin na lalaki yun. Masiyadong malandi. Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko nag iinit ang pisnge ko kapag naaalala ko yung oag halik na ginawa niya. I rubbed my cheek. Manyak talaga yun.

Naagaw naman ang atensyon ko ng mga estudyante na nagkukumpulan sa may bulletin board at dahil nga likas sa akin ang pagiging chismosa nakisiksikan din ako.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

GRADUATING STUDENTS PLS. READ!

Are you ready with your gowns and tux ladies and gentlemen? The magical night is fast approaching!

WHAT: Seniors' Graduation Ball
WHEN: March 15, 2014
WHERE: Hardin ni Eden
Theme:  MASQUERADE

Wear the most fabulous MASK for this once in a lifetime event. Don't miss it!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Napa irap ako. Kung makapag lagay lang ng 'Don't miss it!' akala mo pwedeng hindi pumunta ng graduation ball. Eh required naman mag attend.

Sa isang araw na nga pala yun. Matagal ko nang sinabihan si lola tungkol dito. Hindi ko lang alam kung naalala niya kong ipagawa ng gown. Meron naman kasi ako doon. Yung gown na ginamit ni mama nung graduation ball din nila. Oo luma na yun pero magagamit parin naman.

"Girls look oh, nakikichismis din here si weirdo. So are you gonna make gamit your dead mom's prom gown ulit?" Nagtawanan naman ang mga ali'pores' niya. Dahil mukha silang pores na tinubuan ng katawang tao.

Sa totoo lang maganda naman kahit papano si Rhoda—take note: 'Kahit papano'—kaso nga lang natatakpan ng makapal niyang make up ang mukha niya. Maganda din 'kahit papano' ang katawan niya kaya sikat din siya dito sa school namin at marami na ring naging boyfriend.

"Wala akong panahon sayo." Tumalikod na ako at hindi nalang sana sila papansinin ng biglang nagsalita ang isa sa ali'pores'.

"Maybe she'll make sama her kapatid. What's his pangalan nga? Kokey?" Nagtawanan naman sila. Pumikit ako ng mariin at nagtimpi kaso ang mga sunod na sinabi nila ang nagpakawala ng inis ko. "What if she'll make suot her grandma's gown? OMG. It will be like so baduy, like her lola puring. Eeeuw!"

At nagtawanan sila na sobrang nakakarindi para sa mga tenga ko.

Humarap ako sa kanila at tiningnan ng masama isa-isa. Mukhang nagulat naman sila sa klase ng titig na ibinibigay ko. Natigilan sila at nagtapang-tapangan. Ganyan sila isang tingin ko palang takot na sila, pero ewan ko ba kung bakit hindi nila ko tinitigilan ng tuluyan. Wala talagang gamot sa insecurities. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Just wait til I bring my date at the ball. Magdala kayo ng maraming tissue dahil maglalaway kayo." Tumalikod na ko at nagsimulang maglakad paalis ng may maalala ako at nilingon sila. "And my brother's name is Kiko. Kokey is our pet dog, and compared to all of you? Our dog's a better being."

Ghaaaaaad! Ano ang gagawin ko? Wala naman talaga akong date sa ball eh. Mag-isa lang talaga dapat ako pupunta doon. Nakakainis! Hindi nalang dapat ako nagpadala sa galit ko. Nilait na kasi nila si Lola. Hindi ako papayag na  ganunin nila ang pinakamamahal kong lola. Ginulo ko ulit ang buhok ko. Kanina pa ko ganito.

"Ate baliw ka na ba? Gusto mo ipasok ka namin ni Kuya Zec sa Mental Hospital?" Narinig kong sabi ni Kiko. At dahil bad trip ako sinamaan ko siya ng tingin.

"Kung ordinaryong hospital nga ilang oras pa ang biyahe para makarating doon, saan ka maghahanap ng mental hospital dito sa atin? Pakalat kalat nga lang ang mga baliw dito eh. Tingnan mo si Rhoda." Inis na sabi ko.


"At ikaw." Sabi ni Kiko. Narinig ko namang tumawa si Zec. Kaya tiningnan ko silang dalawa ng masama. Agad naman silang natigil sa pagtawa at itinikom ang bibig.

Pero baka nga tama si Kiko. Baka nga baliw na ko. Kanina ko pa kasi iniisip kung yayayain ko si Zec bilang date ko sa ball. At dahil pinag-iisipan kong isama si Zec, malamang nga baliw na ko.

Hindi! Hindi ako papayag na magkaroon ng utang na loob sa lalaking yan. Baka mamaya kung ano pa ang hingiin niyang kapalit.

"Ano ba kasi ang problema mo Krisandra?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkabanggit ni Zec ng pangalan ko. Bukod kasi kay lola Puring, si Zec lang ang tumatawag sakin sa buo kong pangalan. At yung klase ng pagbanggit ni Zec ng pangalan ko, may kung anong humahaplos sa puso ko na dahilan para magsitaasan ang mga balahibo ko.

"Che!" At dahil nasa defensive mode na ko, inirapan ko nalang siya at tinalikuran bago nag martsa palayo.

"Krisandra saan ka galing kanina?" Tanong sa akin ni Zec. Kumakain na kami ngayon ng hapunan. Nasa harap ko si Kiko na katabi naman itong si Zec.

"Diyan lang sa gilid gilid." Matabang na sabi ko. Ang totoo niyan galing ako sa taniman namin ng gulay. Sabado bukas, ibig sabihin magtitinda nanaman ako ng gulay sa palengke bukas ng umaga.

Maya-maya lang dumating na si Lola at nakasabay pa sa amin kumain.

"Saan po ba kayo pumupunta lola? Inabot pa kayo ng gabi ngayong araw." Tanong ko. Alam kong lakwatsera ang lola ko pero bihira lang kasi talaga siya abutin ng gabi dahil madilim nga sa labas namin. Pano kung ma rape si lola?

Wala kasi kaming cellphone. Meron lang kami Telepono. May TV naman kami pero walang cable at antena lang dahil bihira naman kaming manood. Palagong libro ang kaharap namin ni Kiko. Kung manunood man cartoons lang o mga soap opera. Kaunti lang kasi ang channel dahil pahirapan humagilap mg signal sa amin.


"Diyan diyan lang." Tipid na sagot ni Lola. Hindi ko na kinukit dahil mukhang wala sa mood. Wala din naman ako sa mood.


"Alam ko na kung saan nagmana ang ate mo." Narinig kong bulong ni Zec kay Kiko. Tumango lang si Kiko at derederetso sa subo. Hindi ko nalang pinansin. May mas dapat pa akong isiping problema kesa sa kanya.

Lord, Sana umulan ng gwapong pwedeng maka-date sa ball bukas.

I Found a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon