Chapter 5

43.8K 927 23
                                    

Dedicated to rollitjane





Ilang araw na siyang aburido simula nang malaman niya kung saan makikita si Jeanna. Kahit ilang beses pa niyang itanggi na wala siyang pakialam sa kinahinatnan nang buhay nito ay hindi pa rin siya natahimik.

Nagngingit-ngit ang kalooban niya habang naiisip kung sino kaya ang kasama nito at kung ano ang ginagawa nito. Nagdidilim ang paningin niya tuwing naiisip na may ibang,yumayakap,humahalik at umaangkin dito samantalang tinitikis niya ang sariling huwag puntahan ito at angkinin.

Kahit anong pilit niyang alisin ito sa sistema niya ay hindi siya nagtatagumpay. Nagsusumiksik pa rin ito sa isipan niya at naapektohan ang katawan niya. Dahil tuwing naiisip niya ito ay nabubuhay ang matinding pagnanasa na hindi nakakayang alisin na ilang babaeng nakakaniig niya.

Mas tumindi pa ang pangangailangan niya sa tawag nang laman nang malaman niya kung nasaan ito naroroon. Hindi na niya mabilang kung ilang babae ang pinagbuntonan niya sa init nang katawan para lang maibsan ang matinding pagnanasang umaalipin sa kanya sa tuwing naiisip ito.

Pero tuwing naiisip niya kung ilang lalaki na ang nakahawak dito ay pinipigilan niya ang sariling puntahan ito.

Pero tapos na ang pagpipigil niya. Dahil ngayon ay patungo na siya sa Mc'Queens. Sa club na iyon daw nagtatrabaho si Jeanna. Tinawagan niya ang kaibigan si Paul na siyang nagyaya sa kanya dati na magtungo sa club na iyon.

Sana pala ay hindi niya ito tinanggihan nuon at sumama na dito. 'Di sa na ay nuon pa niya natagpuan ang babaeng matagal nang hinahanap. Sana ay nuon pa niya ito naangkin ulit at baka ngayon ay hindi na siya na-o-obsess dito.

Hindi naman kasi niya kailangang magpunta sa club para kumuha nang mga babae. With his looks and wealth ay pumipila pa ang mga babaeng gustong mapansin niya kulang nalang ay maghubad ang mga ito sa harapan niya para lang mapansin niya ang mga ito.

Pero ni isa man sa mga babaeng nakasiping niya matapos na may nangyari sa kanila ay walang nakahigit kay Jeanna. Ewan ba niya kung anong meron dito na nahumaling siya sa katawan nito. Hindi lang basta pagkahumaling. Para siyang nabaliw sa sarap nang katawan nito at iyon ang  hinahanap-hanap nang katawan niya. Kung hindi niya isipin ito tuwing makikipagsiping siya ay hindi titigas ang kargada niya kahit gaano pa kagaling ang nagpapaligaya sa kanya. Hindi niya nakalimutan ang nangyari sa kanila at bawat pakikipagniig niya ay hinahanap niya sa mga babaeng kaulayaw ang kaparehong intensidad at kaligayahan na ipinadarama ni Jeanna sa kanya pero bigo siyang mahanap ang mga iyon sa ibang babae.

Alam niyang ito lang ang tanging maka kapagpalasap niyon ulit sa kanya. Kahit magkano ay magbabayad siya para lang maangkin ito nang paulit-ulit and get over with her.

Pagsasawain niya ang sarili sa katawan nito para mawala na ang obsession niya dito. Baka kapag naangkin na niya ito ulit ay magiging normal na ulit ang sexlife niya

Si Paul ay member nang Mc'Queens club kaya ito ang tinawagan niya para makasama doon. Doon kasi nito dinadala ang mga Japanese at Korean business partners nito.

Sa pagkakaalam niya ay miyembro lang nang club at mga kilalang tao ang nakakapasok sa club na iyon kaya nagpasama siya kay Paul.

Baka kapag nagtungo siyang mag-isa ay may nakakakilala sa kanya. Ayaw niyang mag mukhang DOM sa mga taong nakakakilala sa kanya.

Ni minsan ay hindi niya inakalang papasok ulit sa isang bikini bar. Ang una niyang tapak sa isang bikini club ay nung sinama siya ni Paul sa club nang kapatid nito na pinagtatrabahoan ni Jeanna nuon.

Sana lang ay magtagumpay siyang mailabas si Jeanna ngayon. Kahit magkano pa ang ibabayad niya ay wala siyang pakialam.

Ang importante lang sa kanya ngayon ay maikama ito at kalimutan na ang lahat tungkol dito. Sana lang ay ito na ang solusyon sa problema niya.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now