Chapter 39

43K 989 112
                                    

Dedicated to.  dr_son




Nang matapos ang mga mahalagang meetings niya ay agad siyang nagpa-book ng flight pauwi nang Pilipinas. Agad niyang tinapos lahat nang mga problema doon para naman makauwi siya kaagad.

Kung hindi lang sana na postponed ang pirmahan nila nang kontrata na multi-million account ng kasosyo niya doon ay nuncang magtatagal siya doon. Kung agad lang silang nagkapirmahan at naayos ang lahat ay baka kahapon pa siya nakauwi at kasama na sana niya ngayon ang asawa at anak niya.

Excited na siyang makita at makapiling ang asawa niya. Lalo na ngayon at nagkaaminan na sila. Sinabi na nito na mahal din siya nito kaya hanggang ngayon ay para pa rin siyang nakalutang sa mga ulap. Tila kay gaan nang lahat sa kanya at napakadali nang lahat dahil sa iniisip niya si Jeanna.

Pero kahit gayun ay gusto pa rin niyang paulit-ulit na marinig na mahal siya ni Jeanna. Na totoong minahal siya nito at hindi lang iyon imahinasyon niya. At lalong gusto niyang naririnig iyon mula sa bibig nang asawa niya.

Pero pagpasok niya nang bahay ay napansin niyang tahimik lang at walang tao. Bigla ay kinabahan siya na hindi niya mawari.

Paano kung wala doon ang asawa niya. Paano kung umalis na ito kasama ang anak nila. Nanikip ang dibdib niya at para siyang hindi makahinga sa labis na kaba.

"J-Jeanna?!.... Jeanna??." Tawag niya sa asawa nang makarating sa sala ay wala pa ring sumalubong sa kanya.

Nang tawagan niya ito kanina ay nakauwi na sa bahay nila ang asawa niya kaya akala niya ay sasalubungin siya nito dahil itinanong pa nito kung anong eksaktong oras ang dating niya.

Ayaw niyang mag-isip nang hindi maganda pero lalo lang nadadagdagan ang kaba niya habang lumilipas ang mga minuto na wala parin siyang nakikita kahit isang tao man lang ay binundol na siya kaba at ginitian na siya nang pawis.

Kahit si nanay Nina at ibang kasambahay ay wala rin. Tanging ang guard lang na nagbukas nang gate sa kanya ang nakita niya.

"Nay?? Nanay Nina??" Tawag niya sa mayordoma pero wala paring sumasagot.

Tinungo na niya ang kusina para doon hanapin ang matanda nang sa pagbungad niya sa kumedor ay may narinig siyang mga putokan at hiyawan. Di nagtagal ay naglaglagan sa mukha niya ang iba't-ibang kulay nang confetti.

"Surprise!!!" Narinig niyang sabi nang mga taong naroon sa kumedor.

Tila gusto niyang maiyak sa mga sumalubong sa kanya. Nangunguna na doon si Jeanna at nakasuot pa nang party hat na sa tingin niya ay sumisinghot at namumula pa ang ilong sa pag-iyak. Ganoon din ang daddy Jon na kasama ang auntie Nita ni Jeanna at husband nitong isang american.

Ang uncle Arman niya ay naroon din kasama ang adopted son nito na si Micheal. Pati na si nanay Nina at tatay Oscar, at Lily at Magda na siyang nakasama niya mula nang mawala ang mga magulang niya. Mga kasambahay na itinuring na niyang pamilya. At naroon din ang anak niya.

"Are you surprised daddy?" Narinig niyang tanong ni Sean Andrei na nakalapit na pala sa kanya at may hawak pang lobo.

"Yes baby.! I'm really surprised. Who planned this?" Tanong niya sa anak at kinarga ito habang hinalik-halikan at ginulo ang buhok nito.

"I planned it daddy. And mommy too and nanay Nina. And mommy called papa Jon ang uncle Arman." May pagmamalaki sa boses pang sabi nito.

"You did surprised me baby! Kayo lahat. Your a big boy already." Aniyang ginulo pa ang buhok nito saka nagtawanan ang lahat.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant