Chapter 40 (Ending)

51.3K 991 104
                                    

Dedicated to.    Prina essAkima
ZoeColleen MirasolHonda LeneLucena Maechris22 shanshandiente @dr_son



Hello guys! This is it pancit! Sorry sa very late UD nang ending! Super nahirapan talaga ako kasi hindi ko na alam kung paano wakasan. Medyo hindi talaga ako fan nang forever(hahaha). Anyway sana magustohan ninyo ang last chapter na ito. Thank you sa lahat nang walang sawang nag-aabang at nagbabasa nang gawa ko. Kayo lahat ang inspirasyon ko. (Humugot) lol.
Sana support nyo din ang ibang story ko at sa mga darating pa. Once again thank you guys and Godbless 😊😙😙😙😙😙






2 weeks later:


Nakangiti siya habang nakatingin sa mga luntiang kapaligiran sa labas nang sasakyan habang lulan ng sasakyan ni Arthur. Ang asawa naman niya ay pakanta-kanta pa habang nagmamaneho at nakapaskil na ang ngiti sa labi at walang bahid nang pagkainip sa biyahe nilang iyon.

Papunta sila nang Tagaytay kung saan naroon ang regalo nito sa kanyang resthouse na overlooking diumano sa Taal Volcano. Napagpasyahan nilang magkaroon nang pormal na honeymoon, pero imbes na sa ibang bansa sila magtungo ay ginusto niyang sa Tagaytay nalang. Dahil siguro sa kondisyon niya ay naiinip siya sa mahabang biyahe at malalayong lugar.

Napagta-tyagaan naman niya ang layo nang Tagaytay. At isa pa gustong-gusto niyang makita ang regalo ni Arthur sa kaniya.

Ang anak naman nilang si Andrei ay pansamantalang nakikitira sa daddy niya. Gusto sana nilang isama ang bata pero ayaw umano nitong makaistorbo sa kanilang dalawa nang daddy nito kaya hindi na sumama kahit pinilit pa niya.

Napailing nalang siya nang maisip ang anak niya. Para na itong matanda kung magsalita. Bagay na talaga ditong maging kuya.

"And what's running on that pretty head of your's sweetheart?" Pukaw ni Arthur sa kaniyang pag-iisip.

"Nothing baby. Naisip ko lang tama lang na nasundan na natin si Andrei. Bagay na sa kanya ang maging kuya." Aniya dito at ipinagsalikop ang libreng kamay nito sa kaniya.

"Hmmmm! Iyan lang ba ang naiisip mo?" Pang-aasar pa nito sa kanya.

"Marami pa akong naiisip Arthur. You wouldn't want to know!" Natatawa naman niyang sabi dito sabay haplos sa mga hita nito.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now